Cutting Class

26 8 0
                                        

Carmaine Love's POV





Hawak ko ngayon ang pagkaing pinabili ni Jairrho. Nakatingin lang ako sa mga kalalakihan na papalapit kay Jairrho. Pumasok sila sa roller skate area at akmang susuntukin si Jairrho pero nakaiwas ito.

"Tara na, umalis na tayo dito baka madamay pa tayo" rinig kong sabi nung isang babae. Halos lahat ng tao umalis na, yung iba nag-uusisa pa, chismackers!

"Jairrho! Walang hiya ka!" sigaw nung gwapong lalaki dun kay Jairrho. Sya ata yung leader nung grupo, eh. Ano ba ginawa sa kanya ni Jairrho?

"Wesley? Ano na naman ba ginawa ko sa'yo?" nakangising tanong ni Jairrho dun sa tinawag nyang Wesley.

"Ano?! Para sabihin ko sa'yo nakipag-break lang naman sakin ang girlfriend ko dahil sa'yo!" sagot nya kay Jairrho. So, dahil pala sa babae, ibang klase naman 'tong mga 'to.


"Carmaine? Anong nagyayari?" tanong sakin ni Vincent, andito rin sila? Nag-cut din sila?

"Asan si boss?" tanong naman ni Bailey. Tinuro ko yung mga lalaking na tumatakip kay Jairrho. Agad naman na pumunta si Vincent at Bailey.

"Hindi ko kasalanan kung napangitan sya sa'yo" asar ni Jairrho dun sa lalaki. Mukhang effective naman dahil nainis yung lalaki at nagsimula na ang away.

"Boss!" tawag ni Bailey kay Jairrho. Rumesbak naman sila at nakipagsuntukan na sa mga lalaki.

"Wow~ ang galing nila makipaglaban" sa bawat sampung suntok na ginagawa ni Vincent at Bailey, pito ang tumatama. 5 out of 10 naman yung kalaban pero mas madami sila.

"Jairrho!" sigaw ko ng makita na tinulak at tinisod ng mga kalaban si Jairrho kaya naman tumama ang ulo nya sa may bakal sa gilid nung roller skate area.

"Jairrho, kaya mo pa? Ayos ka lang ba? Gusto mo tumawag na ako ng pulis?" tanong ko kay Jairrho ng makalapit ako sa kanya. Tinignan nya lang ako sabay ngumisi at hinawakan ang ulo nya na tumama sa bakal.

"Hindi na, tatapusin ko na 'to" sabi nya sabay tumayo at sinugod ang mga kalaban. Nakita ko na may mga pasa at dugo na rin si Vincent at Bailey.

Nagtago lang ako sa may puno, nagdadasal na sana matapos na ang laban at sana hindi gaanong malala ang mga sugat at pasa ng mga schoolmates ko.

"Jairrho! Hindi pa kami tapos sa'yo! Balang araw, makakaganti rin kami sa'yo! Tara na" sigaw nung- ano nga ba pangalan nun? Basta sya, yung leader ata nung kabilang grupo. Mas malala ang mga nakuha nyang pasa at sugat compared kay Jairrho.

"Magaling syang makipaglaban" bulong ko. Umalis na yung kalaban at naiwan si Jairrho, Vincent at Bailey. Palapit na ako sa kanila ng makita na natumba si Jairrho.

"Jairrho" mahinang tawag ko. Sabi na nga ba dapat tumawag na ako ng pulis, eh. Tumakbo na ako palapit sa kanila, nahilo lang daw si Jairrho kay ganun. Inalalayan naman sya ng mga kaibigan nya at umuwi na. Ako? Hindi ko alam gagawin ko.



Kinabukasan ay sa office agad ang punta ko. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Pagkadating ko sa office ay nandun na rin si Jairrho ang friends. Natawa ako dahil ang daming band aid at ube sa mukha ni Vincent at Bailey. Tumayo ako sa tapat ng director, opposite direction sa kanila. Nakayuko lang ako habang naghihintay na mapagalitan.

"Ms. Anjarez" tawag ni principal Martin Vereno sakin. Tinaas ko naman ang paningin ko at nakita ang masasamang tingin ni Jairrho and friends.


My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon