Carmaine Love's POV
Someone help me please! Ayoko pong mabugbog, huhuhuhuhu. Hindi na nga maganda masisira ang mukha ko. After kasi akong harangan ni Bailey at Vincent ay pilit nila akong dinala dito sa may isang movie house.
"Dahan-dahan naman, saan nyo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanila. Kanina pa sila tulak ng tulak sakin na akala ko hindi ako nasasaktan. Kung makatulak wagas, eh.
"Tahimik! Nandito na tayo" sabi ni Bailey sabay binuksan ang pintuan sa harap namin. Medyo madilim ang kwarto at parang may kung anong kakain sakin sa loob. Huhuhuhuhu, ito na ba ang katapusan ko?
"B-B-Bakit ang d-dilim?" nauutal na tanong ko sa kanila. Natatakot na talaga ako, ayoko na dito.
"Boss! Andito na sya, enjoy!" sigaw ni Vincent sabay tinulak ako papasok sa loob. Tulak na naman? Nakailang tulak na ba sila sakin?
"Aray!" angal ko ng madapa ako. Nakakainis sila, parang hindi ako babae, ah? Ganyan ba talaga kasama ang mga gansters? Umupo ako mula sa pagkakadapa at naghihintay kung anong mangyayari sakin.
"Welcome, hayaan mong basahan kita ng story. This is a chain letter from Canada, pass this letter to three people, people you may know or not. Erica Roles from Canada died because she did not take this letter seriously. Then, Carie Erols from USA lose her home, fire broke it down because he did not passed this letter to three people. Later, one of the famous writers in Thailand went crazy by not taking this letter seriously, too" basa ni Jairrho sa sulat. Liwanag mula sa TV at sa isang lamp lang ang ilaw doon. Katabi ni Jairrho ang lamp kaya naman nakiya ko sya at pinagsisisihan ko na tumingin sa kanya.
"IKAW PALA!" sigaw nya sakin kaya naman napapikit ako at napaatras hanggang sa maramdaman ko na pader na ang nasa likod ko. Hindi ako nagsasalita dahil baka lalo pang mapabilis ang buhay ko.
"Carmaine Love Anjarez, right?" tawag nya sa pangalan ko kaya naman napadilat ako. Pagdilat ko ay nakita ko na ang mga binti nya sa harapan ko.
"O-o-oo" sagot ko, baka mamaya kaapg hindi ko 'to sinagot bigla akong bugbugin, eh.
"Ilang taon ka na?" sabi nya sakin. Tama ba rinig ko? Bakit naman nya tinatanong?
"A-ano?" tanong ko, baka mamaya mali lang pagkakarinig ko, eh. Umupo sya kaya naman magkapantay na kami. Nagulat ako dahil nilapit nya yung mukha nya sakin. Hindi naman sobrang lapit, yun tama lang.
"Age mo?" ulit nya. Tama nga ako, age ko tinatanong nya. Sinagot ko na lang ang tanong nya at saka umiwas ng tingin.
"16 years old" sagot ko. Nakatingin na lang ako sa may TV ngayon. Ang pangit naman ng pinapanood nya, ano ba yan? OH MY GOSH! Napapikit ako ng may biglang maghalikan. Ang bastos naman ng lalaking 'to, ito ba yung mga favorite nyang panoorin?
"Section?" tanong na naman nya. Bakit ba tanong sya ng tanong? Chismoso rin ba sya gaya ni Pamela?
"4 - C" alanganing sagot ko. Sana naman last question na yun.
"Birthday?" tanong na naman nya. Ngayon naman birthday ko? Anong sunod, birthplace ko?
"March 21" sagot ko, this time nakatingin na ako sa kanya. Hindi na sya nakatingin sakin kaya naman ako naman ang tumingin sa kanya.
"Sinong idol mo?" tanong na naman nya! Hindi ba sya nauubusan ng itatanong sa akin?
"Si Piolo Pascual" sabi ko then tumingin na naman sya sakin. Gaya kanina umiwas na naman ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Times With You
RastgeleI'll never forget the times that we had together. That unforgettable time I had with you.