Chain Letter

34 10 0
                                        

Carmaine Love's POV




Buti na lang at late ang first teacher namin. Medyo late ako pero mas late sya, okay na rin yun kaysa pagalitan pa ako. Dumaan ang ilang subjects at gaya ng dati hindi ako nakikinig, busy ako sa binabasa kong novel. Mas maganda naman 'to kaysa sa pag-aralan ang music at arts ng ibang bansa. Hindi naman ako makakapunta sa mga bansang yun, kaya bakit kailangan ko pang makinig? Besides pwede ko naman i-search yan sa internet. Nag-ring na ang bell kaya naman pumunta na agad kami sa canteen para kumain, ano pa nga ba? Um-order na ako tapos hinanda ko na ang pambayad ko. 75 pesos lahat ng nabili ko, candies, junk foods, kanin at ulam. Ilang minuto na ba akong nagbibilang? Puro barya kasi ang pera ko, dahil mabigat sa wallet ipambabayad ko na lang. Hindi naman sya puro piso, may 5-peso coin din pero mas majority yung piso, hehehe. Rinig na rinig ko na yung reklamo ng mga nakasunod sa akin sa pila, ang tagal ko na ata. Hindi ko na sila pinansin at sa wakas nakapagbayad na rin. After ng recess ay bumalik na kami sa room. Mag-e-exam kami sa subject ngayon kaya naman nung natanggap na namin ng mga kaibigan ko ang test paper at nagsagot na kami. Kunyari wala kaming alam pero tuloy-tuloy ang pagsasagot namin. Ganyan kaming magkakaibigan kaso yung isa, mukhang wala talagang alam. After nun, uwian na at dumiretso kami sa may bookstore. Ang mall para sa amin ng mgs kaibigan ko ay ang bookstore. Pagpasok namin ay nagkanya-kanya na kami at bumili ng mga bibilhin namin, hihihihi.
Kinabukasan, maaga ako nagising kaya naman maaga ako nakapasok sa school. As usual hindi na naman ako nakikinig, busy ako sa paggawa ng love letter para sa idol ko. Ganun din si Pamela, si Pamela Lorende ay isa sa mga bestfriend ko. Pareho kaming may iniidolo, dati asawa nya si Tao ng EXO pero nag-divorce na raw sila kaya ngayon naman si Lay na ang asawa nya.





"Kayong dalawa!" sigaw nung teacher namin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si teacher.


"M-Ma'am" bati ni Pamela, pati rin pala sya, akala ko ako lang, eh. Sabagay, katabi ko lang naman sya kaya makikita rin sya ni teacher.



"Hindi kayo nakikinig at busy sa mga 'to?!" sigaw ni teacher sabay kinuha at letter na ginagawa ko at picture ng asawa raw ni Pamela, si Lay. Naku~ may nakasulat pa na my hubby.


My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon