Moments

17 8 0
                                    

Carmaine Love's POV




After nung pagtutulungan ng lahat ay tumulong na ang ibang school staffs sa pagpapatahimik. Bumaba sa stage si Mr. Javier at umupo katabi ng ibang teachers. Kumalma naman ang lahat ng umakyat ang assistant principal at nagpaliwanag. After nun ay masaya na naming ipinagpatuloy ang celebration ng school anniversary.





"Photo booth yung atin, sayang nga, eh, kung nandito ka lang sana nung Saturday nakapagpicture-picture na tayo" nakangusong sabi ni Pamela sakin sabay humawak sa braso ko. Kung hindi lang kasi ako grounded, eh.

"Pero alam naman namin na grounded ka, kaya nga sayang kasi nilibre kami ni Sir Damon dahil good job daw kami, hahahaha" sabi naman ni Carley. Sila kasi ang nag-ayos ng room for this day, kailangan kasi at least kada section may booth o anoman.




"Punta kaya tayo sa-" pag-aaya ni Pamela kaya lang um-epal na naman si Carmilyn. Siguro sya na ang pinaka-epal sa section namin, lagi na lang kasi, eh.


"Kailangan kayo dito sa booth, kaunti lang ang pumasok sa section natin at kaunti lang ang TUMULONG kaya pumasok na kayo" masungit na sabi nya sabay pumasok na ulit sa loob. Pinaparinggan ba nya ako? Kaunti lang ang tumulong at hindi ako kasali dun, ano bang problema nya?!










Hindi na kami umalis, tumulong na lang kami sa pag-aasikaso sa booth. Nakakatuwa nga kasi pumunta si Yuanjei at nag-picture kami together! Natapos ang buong araw na yun at hindi ko man lang nakita si Jairrho, maliban sa gym kanina. Umuwi na kami after nun, dumiretso na ako sa bahay at nagpahinga.
















"Ang cute mo na lalo, CJ" saad ko habang pinipicturan si CJ na mahimbing na natutulog sa kama ko gamit ang cellphone ko ng may biglang nag-text. In-open ko yung message tapos binasa yun. Galing pala kay Carleyharthart ang message, ba't ba yan ang nilagay nyang nickname nya? Ang panget, eh, bwahahahahahaha.


Wala raw pasok bukas dahil may trip ang mga teachers, mag-a-out of town daw sila? Kaya naman pinapahintulutan ka namin na sumama samin bukas! Magka-camping kami ni Pamela, Zemaika, Yuanjei, Vincent at Bailey! Syempre kasama rin ang papa Jairrho mo, hahahahahahahaha LOL.







"Bukas? Camping? Kasama sila? TEKA- ANO ULIT?! PAPA JAIRRHO?! CARLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEY!" sigaw ko kaya naman nagising si CJ. Nagsorry naman ako tapos agad-agad akong nag-empake, hinanda ko na ang mga dadalhin ko. After ko mag-empake ay pumunta na ako sa kwarto ni mama at papa, magpapaalam syempre.










Buti na lang at pumayag sila, ang sinabi ko lang is wala kaming kasamang lalaki, sorry po. Natulog na ako at gumising ng masaya at excited! After ko gawin ang dapat kong gawin ang umalis na ako ng bahay. Dumiretso ako sa park malapit sa cafè na madalas naming puntahan. Pagdating ko, nakita ko na agad sila, ako na lang pala ang hinihintay.




"Sorry, hehehehe" sabi ko habang lumalapit sa kanila. Natuwa naman sila dahil finally dumating na ako. Lahat sila nagpartner-partner na para sumakay sa motor na dala ng boys.


"Tara na, magtatanghali na" sabi ni Pamela sabay umangkas sa motor ni Bailey. Okay, so sila ang partner, si Carley naman kay Vincent. Saan ako?


"Kanino ako sasakay?" tanong ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin tapos kay Yuanjei. Lumapit sya sakin tapos inabot ang helmet.



"Sakin" sabi ni Yuanjei tapos inabot ko na ang helmet. Tumingin na lang ako sa iba tapos nakita ko na sumakay na sa motor si Jairrho at si Zemaika. Naglakad na lang ako papunta sa motor ni Yuanjei tapos sinuot ang helmet. Sumunod na si Yuanjei at umalis na kami at pumunta sa lugar kung saan kami magka-camping.






My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon