The Letter

30 9 0
                                    

Third Person's POV





Kagaya ng dati, late na nagising si Carmaine kaya naman tinakbo nya ang daan papunta sa eskwelahan nila kaya naman hingal na hingal at pagod na pagod sya. Pagpasok pa nya sa classroom nila ay napagalitan pa sya ng teacher nila. Sinisisi nya ang alarm clock nya na hindi nag-alarm. Naiinis din sya sa mama nya na hindi man lang sya ginising bago umalis ng kanilang bahay. Iniisip tuloy nya na hindi sya mahal ng mama nya at ang tanging kuya Rallen lang nya ang mahal nila. Mabilis na lumipas ang oras, nasa may garden silang magkakaibigan at kumakain.






"May chismis ako, narinig ko na may kakaibang letter daw natanggap si Zemaika" bungad ni Pamela ng mabuksan nya ang chichiryang binili nya.





"Kakaibang letter? Anong klaseng letter?" usisa naman ni Carley. Mukhang nabasa na ni Zemaika yung letter na galing kay Carmaine. Mabuti na lang pala at sa bahay niya yun iniwan at hindi sa bag nito, walang dahilan para sabihin ni Zemaika na sa school nila galing ang letter.





"Sabi ni Carmilyn, chain letter daw yun at natanggap nya sa bahay nila nung isang araw" sagot ni Pamela. Si Pamela ang dakilang chismosa sa kanilang lahat. Kita naman ngayon pa lang, nalaman agad nyang may natanggap na chain letter si Zemaika kahit na si Zemaika lang at ang kaibigan nitong si Abygale ang nakakaalam.




"Chain letter? Hahahaha, akalain mo yun? Akala ko puro love letters lang ang matatanggap nya, may chain letter din pala, hahahahaha" tawa ni Carley habang nakatingin lang ang dalawa sa kanya. Maski ang dalawa nyang kaibigan hindi makapaniwala kaso si Carmaine kasi ang nagbigay nun sa kanya kaya hindi na imposible yun ngayon. Hindi nya pwedeng sabihin sa dalawa na sa kanya galing ang letter lalo na kay Pamela na ubod ng daldal.






Tumunog na ang bell kaya naman back to room na sila. Nung vacant time ay lumabas sila saglit ng room nila. Naglakad-lakad hanggang sa makita ni Carmaine si Jairrho at ang mga alagad nito na papunta sa kung saan. Bigla naman nyang naalala na may dapat pa pala syang gawin kaya naman iniwan nya si Carley at Pamela. Tinatawag sya ng mga ito pero hindi nya pinansin ang mga kaibigan nya. Tumakbo sya pabalik sa room nila at kinuha ang dapat nyang kuhain. Ito na ang pagkakataon nya, pumunta sya sa locker's room at pumunta sa tapat ng locker ni Jairrho. Akala nya nagkamali sya ng locker pero nung buksan nya ito, hindi pala sya nagkamali. Nandoon ang pangalan at pictures ni Jairrho, hindi nya inaasahan na ganito kaayos ang locker ng isang Jairrho Galvez. Daig pa nya ang locker nito na magulo, yung kay Jairrho aakalin mong babae ang may-ari nun. Bago pa nya makalimutan ay nilagay na nito sa loob ang dapat nyang ilagay.



My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon