A Dare

22 8 0
                                    

Third Person's POV



Kinabukasan, iniisip ni Carmaine ang nakaraan ni Jairrho. Anong dahilan bakit nag-iba si Jairrho? Sino ba talaga si Jairrho dati? Yan ang mga tanong na nais nyang malaman ngunit hindi nya alam kung paano.

Naglalakad sya ngayon patungong court, tinitignan ang hawak na year book. Nakita nya si Jairrho pero bago pa yun ay nakita rin nya si Yuanjei na nasa iisang section noon kagaya kay Jairrho.

"Totoo nga, never pang hindi naging star section si Yuanjei. So, totoo ang narinig ko kay Sir Damon" bulong nito sa sarili nya. Sinarado nya ang libro nung makita si Yuanjei. Nagpapahinga ito sa may bench malapit sa basketball court. Naglakad sya papunta kay Yuanjei at tumabi dito.


"Yuanjei" tawag nya dito. Nilingon naman sya ni Yuanjei at nginitian.

"Ikaw pala, Carmaine" bati ni Yuanjei sa kanya. Niyakap nya ang year book at umupo sa tabi ni Yuanjei.

"Kilala mo ba kung sino talaga si Jairrho?" tanong nya dito. Nawala naman ang ngiti ni Yuanjei sa tanong na yun. Napaiwas sya ng tingin at napainom ng tubig bago nagsalita.






















"Si Jairrho? Bestfriend namin sya ni Zachary since grade school. Lagi kaming magkakasama at hindi mapaghiwalay. Sobrang saya namin nun at hindi kami nagkaka-away-away, sobrang magkakasundo kami" nakangiting kwento ni Yuanjei sabay sulyap kay Carmaine. Tinuloy naman ni Yuanjei ang kwento pero wala na sa labi nito ang mga ngiti.


"Until that day, nagkakayayaan na gumala kami. Dala namin ang kanya-kanya motor hanggang nag-aya si Zach ng race. Hindi ako pumayag dahil delikado pero si Jairrho, tinanggap nya ang hamon ni Zach at nag-racing sila" malungkot na kwento ni Yuanjei. Bigla namang kinabahan si Carmaine at inaantay ang susunod na mangyayari.







"Naiwan ako habang tinatanaw sila, hanggang sa nakita ko na naaksidente si Zach, nagpagewang-gewang ang motor nya hanggang sa nagpaikot-ikot yun at tumilapon sya mula motor nya. Pabalik na sana sila nun ni Jairrho, nakalapit na sakin si Jairrho at sya namang alis ko para saklolohan si Zach. Dinala pa namin sya sa hospital pero sabi nung doctor, dead on arrival na. Sobrang nagdudusa kami nun ni Jairrho, pero alam ko na sobra ang nararamdaman ni Jairrho" mahina at malungkot ang tinig ni Yuanjei habang nagkwe-kwento. Para kay Yuanjei, hindi lang sya nawalan ng kaibigan, nawalan din sya ng kapatid. Ngayon, pati si Jairrho ay nawala na rin sa kanya.







"Si Jairrho kasi at si Zach, sobrang close nila sa isa't isa, feeling ko nga, kahit wala ako masaya pa rin sila. Sa nangyaring yun, araw-araw sinisisi ni Jairrho ang sarili nya. Lagi nyang sinasabi sa sarili nya na kasalanan nya ang nangyari kay Zach, kung hindi dahil sa kanya buhay pa sana si Zach. Lagi syang umiiyak at kahit anong gawin namin, hindi pa rin sya tumitigil" sabi ni Yuanjei sabay saglit na tumingin kay Carmaine. Ngumiti sya ng mapait saka ipagpatuloy ang kwento.





"Ang nakikita mo ngayong Jairrho ay ibang-iba noon. Sobrang bait nya, magalang at hindi palaaway. Dati, sa sobrang sipag nya mag-aral muntik na nya akong matalo. Ngayon, kabaligtaran na ang lahat. Lahat yun, dahil sa nangyari kay Zach, na tingin nya sya ang may kasalanan. Hindi nya lang alam, kung nabubuhay pa si Zach, sasabihin nito sa kanya na wala syang kasalanan at talagang nakatakda na mangyari ang lahat" sabi ni Yuanjei saka tumayo na. Hinarap nya si Carmaine na tulala at parang may iniisip. Napangiti sya dahil sa itsura ng babae sa harap nya.



Pagkatapos ng senaryong yun ay naghiwalay na sila ni Yuanjei. Hindi sya nakapag-focus sa klase dahil sa mga sinabi ni Yuanjei.





My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon