A Night

19 7 0
                                    

Carmaine Love's POV



Pauwi na ako galing sa bahay nila Carley, sabay kaming umalis ni Pamela sa bahay nila pero naghiwalay din kami ng way. Sumaya ako kahit papaano pero habang palapit ako sa bahay, napapalitan yun ng lungkot.



"Nandito na po ako" sabi ko pagpasok ng bahay. Nakita ko agad sila mama at papa na nakaupo sa sofa. Napayuko agad ako ng makita ang seryoso nilang mga mukha. Nakita ko na tumayo si mama tapos lumapit sakin. Akala ko sisigawan nya ako o sasampalin o ano pero hindi.




"Umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit, bumaba ka agad pagkatapos para makakain tayo" mahinahong sabi ni mama sabay nilagpasan lang ako. Si papa naman ay tumayo na rin at lumapit sakin.


"Sige na, umakyat ka na. Pagkatapos kain ay mag-uusap tayo ng mama mo" sabi ni papa sabay nag-tap sa balikat ko. Sumunod sya kay mama tapos ako, umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko.






Bumaba na ako pagtapos magbihis at pumunta sa kainan para kumain. Umupo na ako at sumandok. Tahimik lang ang naging pagkain namin, alam ko na mamaya ibubuga ni mama at papa ang lahat ng gusto nilang sabihin. After ilang sandali ay natapos na kami, nagligpit na ako tapos ay pumunta sa sala.




"Siguro naman alam mo na kinausap kami ng teacher mo? Carmaine, ano bang problema mo? Bakit mo sinisiraan ang bagong principal nyo? Gusto mo na bang matigil sa pag-aaral, ha?! Sasayangin mo yung mga pinaghihirapan namin ng papa mo?!" pasigaw na sabi ni mama sakin. Nakayuko lang ako at hindi nagsasalita, hindi ako pwedeng sumagot dahil mami-misinterpret nila yun.


"Alam mo ba na napahiya kami? Pinapahiya mo kami, Carmaine, pinapahiya mo kami ng mama mo! Akala mo ba ikaw lang ang namamali? Kami rin, kasi kami ang mga magulang mo at kami ang nagpalaki sa'yo. Sasabihin nila na hindi ka namin pinalaki ng maayos, iisipin nila na wala kaming kwenta kasi naging ganyan ka" paliwanag ni papa sabay humawak sa ulo nya na parang sumakit. Sorry po, hindi ko naman po sinasadya, eh.





"Sana natuto ka na, huwag na huwag ka na ulit gagawa ng ikasisira mo at naming mga magulang mo. Naiintindihan mo ba?" tanong ni mama habang nakatingin sakin. Tumingin naman ako sa kanya saka tumango-tango.



"Pero dahil may nagawa kang mali, weekends naman na kaya grounded ka. Hindi ka pwedeng lumabas at pumunta kung saan-saan" sabi ni papa na ikinagulat ko. Grounded?! Ano ako bata?! Aangal pa sana ako kaso biglang tumunog ang telephone namin. Epal ka kung sino ka mang tumawag ka!

"Sige na, para sa'yo rin yun, umakyat ka na sa kwarto mo" sabi ni mama bago sagutin ang telepono. Paakyat na sana ako kaso na-curious ako sa tumawag. Kung kaibigan kasi nila yun, sa cellphone nila yun tatawag.





"Hello? Anjarez residence" sagot ni mama sa telepono. Si papa naman naki-usyoso na rin. Curious din siguro kung sino yun.

"Huh? Si Carmaine? Teka, sino ba 'to?" tanong ni mama dun sa kausap nya. Ako yung hanap?! Sino naman kaya yun? Alam naman ni Carley at Pamela phone number ko, eh.




"Kaibigan ka nya? Sa pagkakaalam ko walang lalaking kaibigan ang anak ko" nakapameywang na sagot ni mama dun sa kausap nya. Lalaki? Kaibigan ko? Sino yun? Ba't di ko alam na may kaibi- takte!





"Ikaw?! Naku~ huwag ka na nga ulit tatawag! BYE" inis na sagot ni mama sabay binagsak ang telepono. Tumingin naman sya kay papa tapos biglang tumunog ulit ang telepono at sinagot ni papa.




"Hello?! Ang kulit mo rin talagang bata ka, sinab na nga na huwag kang tatawag hindi ba?! Subukan mo pa ulit tumawag at malilintikan ka sakin!" pasigaw na sabi ni papa sabay binagsak din ang telepono. Ang kulit naman kasi nya, eh. Teka- kung hindi na sya tatawag sa telephone, baka sakin na sya tumawag. Mabilis pero tahimik ang mga hakbang na ginawa ko para hindi ako mapansin ni mama at papa. Pumasok na ako sa kwarto ko at ni-lock yun. Kinuha ko ang phone ko sa study table ko tapos hinintay kung may tatawag.


My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon