Worst Birthday

19 8 0
                                    

Third Person's POV




Mahimbing lang na natulog ang lahat pero hindi si Yuanjei. Nagising sya ng maramdaman na umalis sa tabi nya si Jairrho. Sinundan nya ito at nakita sila sa may mini park, nakita rin naman sya ni Jairrho pero hindi nya yun napansin dahil umalis na rin sya agad. Kinabukasan ay agad na umuwi ang lahat at wala pa rin silang pasok. Kinagabihan ay nanonood ng paboritong palabas ang pamilya ni Carmaine.





"Mama, papa?! Nag-uumpisa na po!" tawag ni Carmaine sa mga magulang nya. Agad namang dumating ang mga magulang nya at tumabi sa kanya sa pagkakaupo.




"Magandang gabi! Uumpisahan natin ang programa ngayon sa isang litrato ng magkakaibigan" ani ng host ng programa. Tutok na tutok naman ang buong pamilya sa panonood.



"Ito ang litrato ng magkakaibigan. Kung makikita nyo ang braso ng lalaking nasa bandang gitna, tila ba para itong naputol" dagdag ng host ng programa sabay ni-close up ang litrato na ikinagulat ni Carmaine. Yun ang litrato nilang kinunan kahapon ng umaga at ang tinutukoy na walang braso ay si Jairrho.




"Bakit ganun?" bulong ni Carmaine sa sarili nya. Napahawak sya bigla sa dibdib nya dahil kinabahan sya.
















Sa kabilang banda, sa paboritong bookstore ni Carmaine, napapanood din ang palabas na yun, kung saan pinapanood yun ng may-ari nung bookstore.




"Salamat ho dito" pasasalamat ni Jairrho sa may-ari ng bookstore. Hawak nya ngayon ang standee ng idol ni Carmaine.



"Sige, gabi na, uwi na" sagot nito sa kanya habang tutok sa TV. Hindi naman napansin yun ni Jairrho at lumabas na ng bookstore. Naglalakad na sya sa isang madilim na daan ng bigla syang napahinto dahil sa liwanag na nakatutok sa kanya.





"Anong-" pagrereklamo ni Jairrho habang tinatakpan ang mata sa liwanag. Bigla namang namatay ang ilaw na nakatutok sa kanya, pero ang iba ay bukas pa. Napatingin na lamang sya sa taong papalapit sa kanya.




"Longtaymnosi, Jairrho" nakangising bati sa kanya ng dakilang kaaway nya, si Wesley Garde. Bigla naman nyang tinago sa likod nya ang standee ng idol ni Carmaine habang palapit pa rin si Wesley.














Makalipas ang ilaw araw ay exam na naman, 4th quarter exam to be exact. Natapos ang exam nila at hindi man lang nakita ni Carmaine si Jairrho na pinagtaka nya. Narinig na lamang nya sa mga kaibigan ang balita na hindi nag-take ng exam si Jairrho. Pagkauwi ay agad nyang tinawagan ang cell phone number ni Jairrho pero hindi ito sinasagot, tinawagan din nya ang telepono sa bahay nila pero wala rin. Malungkot ang naging araw nya, nag-aalala sya para sa kaibigan. Makalipas ang dalawang araw, malungkot na gumising si Carmaine at pumasok.











"Pumasok na si Jairrho" sabi ni Pamela kay Carley na bagong dating lang. Narinig naman yun ni Carmaine at nag-aantay pa sa mga sasabihin ng kaibigan.




"Oh, kausap pa nga ni Mr. Javier sa office, eh" sagot naman ni Carley sabay umupo na sa upuan nito. Agad namang umalis si Carmaine at agad na pinuntahan si Jairrho. Wala pa namang teacher nun kaya nakalabas pa sya.








"Jairrho" mahinang tawag nya dito. Nasa labas lang sya ng office habang inaantay si Jairrho, nakita nya na kausap ito ng principal. Natapos na ang pag-uusap at nakalabas na si Jairrho ng office. Maglalakad na sana sya papunta sa classroom nila pero nakita nya si Carmaine. Nakatalikod ito sa kanya, pero hindi nya yun pinansin, naglakad lang sya.






My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon