Concert

17 7 0
                                    

Carmaine Love's POV




Ramdam na ramdam ko na ang lamig ng hangin dahil bukod sa gabi na ay malapit na ang pasko dahil December na. Magiging malamig ata ang pasko ko dahil wala na kami ni Winston. Nakakapanghinayang yung 6 years namin, eh. Pero mukhang yun talaga ang nakatadhanang mangyari, eh.


"Bye" malungkot na tugon ko sa kausap ko sabay in-end na ang tawag. Si Carley ang tumawag an hour ago ngayon naman si Pamela. Nag-aalala raw sakin dahil nabalitaan nila na break na kami ni Winston. Kesyo baka raw ma-depress ako, like duh? Oo, malungkot ako sobra pero happy at the same time dahil feeling ko malaya na ulit ako. Sad ako na happy ganun, ang gulo, ah~ basta ganun yung feeling ko right now, eh.






"Makapag-internet na nga lang" sabi ko sabay kinuha ang laptop ko sa kwarto ko at bumalik sa sala. Favorite kong pwesto, uupo sa sahig at sasandal sa sofa habang nakapatong ang laptop sa coffee table.





"Break na naman?" gulat na bigkas ko. Nakita ko na naman kasi ULIT ang post ng classmate ko nung college about sa break up at ayun nga. Break na naman sila ng - pang-ilang girlfriend na ba nya 'to?Napakababaero talaga, eh. Nung college kami halos naka-100 mahigit yan. 50 ex -girlfriends kada year ba naman ang gawin, eh. Hayaan na nga yan, bahala sya sa buhay nya kung ganyan gusto nya.

Tinigil ko na ang pag-i-internet dahil nawalan na ako ng gana. Nanood na lang ako ng TV kahit wala gaanong palabas. Palipat-lipat lang ako ng channel habang namimili kung anong panonoodin ko ng may makakuha ng atensyon ko.






"Teka, si Piolo ba yan?" tanong ko sa kung sino man kahit alam kong walang sasagot. Tinigil ko sa isang channel ang paglilipat at saka nakinig at binasa ang balita. Nung matapos na ang balita ay saka lang nag-sink in sa utak ko lahat.







"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH" malakas na sigaw ko. Yung balita?! TUNGKOL LANG NAMAN SA CONCERT NI PIOLO BUKAS! AS IN BUKAS NA NG 8 PM! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!





"Piolo naman~ bakit-? Bakit sikat ka pa rin through these years? Bakit hindi pa rin ako makapunta sa concert mo at magkaroon man lang ng kahit hindi SVIP or VIP na ticket? WHY? Huhuhuhuhuhu" pagda-drama ko sa harap ng standee ni Piolo sa may tabi ng sofa. Kinakausap ko sya na para bang kaharap ko talaga sya. Napahiga na lang ako sofa at napatitig sa ceiling.






"Team bahay na naman?" sabi ko bago pumikit. Napalalim naman ang tulog ko at nagising na lang ako kinabukasan. Magic! Hahahahahahahahahaaha. Kornik!















Bumangon na ako sa sofa at dumiretso sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Dumiretso ako sa kusina after nun tapos ay naghanda ng almusal ko. Pancakes at chocolate drink na masarap inumin lalo na kapag mainit.
















Sumapit na ang hapon at dahil nakakabagot ay napagpasyahan kong gumala. Wala akong maisip na lugar kaya bahala na kung saan ako dalhin ng dalawa kong paa. Naligo na ako at pagkatapos ay nag-ayos, hindi na ako nagtali at nag-hair band na lang tapos ay simple blue dress and 3 inch heels with light make-up on my beautiful face.














Akala ko sa may park, kainan, playground o cinema ako dadalhin ng mga paa ko pero napadpad ako dito sa venue ng concert ni Piolo. Wala na akong nagawa at dito na lang talaga maglakad-lakad. Ang dami ng tao, anong oras na ba? Tinignan ko ang wrist watch na suot ko tapos nakita na 5:45 na pala ng hapon. 3 hours na lang mag-uumpisa na ang concert ni Piolo.









My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon