Sincerely Love You

21 8 0
                                    

Carmaine Love's POV




Nandito pa rin ako sa park kung saan kami nag-usap ni Piolo. Nakangiti kong tinitignan ang mga pictures na kinunan namin kanina lang. Hindi ako makapaniwala, totoo ba talaga 'to? Baka nananaginip lang ako, pero hindi, eh. Nakailang kurot na ako sa sarili ko para magising kung panaginip lang lahat ng nangyari pero hindi talaga.







"Hihihihihihi" kanina pa ako dito kinikilig. Buti na lang ilan lang ang tao dito, hindi pa ata lalagpas sa sampu, eh. Siguro gaya ko rin sila na walang ticket kaya hindi makapunta sa concert. Pero not anymore dahil makakapanood na ako ng concert ni Piolo!



"Hala! Anong oras na?" tanong ko sa sarili ko sabay tinignan ang wrist watch ko. Its says 7:15 at less than one hour na lang ay mag-uumpisa na ang concert ni Piolo. So~ mag-iisang oras na pala akong kinikilig dito? Hahahahahahahahahahahahahaha.













Kinuha ko na ang bag ko at naglakad paalis sa park. Wala na gaanong tao sa labas ng venue ng concert, malamang nasa loob na sila, saan pa nga ba? Pero paano ako makakapasok kung wala man lang akong ticket? Hindi naman ako binigyan ni Piolo- wait! May number syang binigay, right? Sinulat nya yun sa journal ko- pero asan na yun?!










"Ba't wala dito?" halos itaob ko na yung bag na dala ko pero hindi ko pa rin mahanap yung journal ko. Ang alam ko dito ko yun nilagay, eh. Hala! Baka naiwan ko dun sa bench!



Agad akong bumalik sa may park para sana kuhain ang journal ko na naiwan dun. Dumiretso ako sa may bench na inupuan kk pero wala doon ang journal ko.




"Hala! Nasa'n na yun? For sure dito ko lang yun naiwan, eh" sinuri kong mabuti ang lugar na yun, tinignan kung baka nahulog sa daan pero WALA! AS IN WALA! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!











"Huhuhuhuhuhuhu" paiyak na ako dahil hindi ko talaga mahanap ang journal ko. Sign na naman ba 'to na hindi talaga ako para pumunta sa concert ni Piolo? Huhuhuhuhuhu ba't naman ganun? Napaupo na lang ako dito sa may kalsada.







"Ate, bakit po kayo umiiyak?" napalingon ko sa batang nasa harapan ko. Batang babae sya at nasa mga 10 years old na ata sya. Pinunasan ko na lang ang luha ko at saka pilit na ngumiti sa bata.




"Kasi~ may napakahalagang bagay ang nawala sakin, eh" sagot ko. Para naman syang nag-iisip ng kung ano. Ang ganda naman nito, asan na kaya ang mga magulang nya?

"Ano naman po yun, ate?" tanong nung bata. Umupo rin sya kaya naman mas lalo akong namangha sa ganda nya. Yumuko na lang ako habang pilit tumitigil sa pag-iyak. More than 30 minutes na lang mag-uumpisa na ang concert pero heto pa rin ako, nasa labas.






"Isang notebook" sagot ko. Tumango-tango naman sya tapos ay kinuha ang kamay ko. Para tuloy akong nanghihingi sa kanya ng kung ano dahil nakalahad ang kamay ko. Hindi naman ako pulubi, eh.



"Sa inyo po ata 'to" nakangiting sabi nya sabay inabot sakin ang JOURNAL KO! Ito na nga! Masaya, gulat at excited ko yung kinuha. Pa'no naman kaya 'to napunta sa batang 'to?




"Nakita ko po yan sa upuan sa park at kanina ko pa po hinahanap yung may-ari. Buti na lang po pala at nilapitan ko kayo, hihi" nakangiti nyang paliwanag. Napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ng bata.



"Thank you so much!" masaya kong sabi sabay dumating na ang mga magulang nya. Umalis na sila at agad ko namang tinawagan ang number na sinulat ni Piolo sa journal ko. Habang dina-dial ay tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad papunta sa malaking LED screen malapit sa entrance kung saan ka papasok para makapanood ng concert ni Piolo.

















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon