Carmaine Love's POV
Ang tahimik, lahat sila inaantay ang sagot ko. Bakit kasi ganun ang tanong? Hindi ko alam kung si Yuanjei ba, crush ko sya pero hindi ko alam kung hanggang ngayon sya pa rin, eh.
"Teka! Parang may mali, kung titignan maigi, kay Zemaika nakatapat ang bote!" paliwanag ni Bailey sabay tinuro si Zemaika. Hindi nga? Kay Zemaika ba talaga? Buti naman, hindi ko masasagot ang tanong na yun.
"Boss, si Zemaika dapat ang tanungin mo" dagdag pa ni Vincent. Siguro nalito sila kasi magkalapit lang kami ni Zemaika, kaya akala nila sakin nakatapat.
"Okay, truth or dare?" tanong ni Jairrho kay Zemaika. Ngumiti lang si Zemaika tapos nag-isip kunyare. Kapag ba nag-truth sya, same pa rin ng tanong?
"Truth" nakangiting sagot nya. Tumango-tango naman si Jairrho tapos ay yumuko. Ano itatanong nya?
"Ilang chain letter na ang natanggap mo?" tanong ni Jairrho. Bakit ganun yung tanong nya? Hindi about sa crush? Napatingin naman ako kay Zemaika na nawala ang ngiti. Yumuko lang sya at hindi sinagot ang tanong ni Jairrho.
"Ano ba naman klaseng tanong yan?/Boss naman, eh/Bakit mo naman iniba?/Ano ba yan" sabay-sabay na hinaing ni Carley, Pamela, Vincent at Bailey. Oo nga naman kasi, okay na yung nauna, eh. Ba't ba nya iniba? Ah~ baka kasi alam na nya yung sagot.
Hindi sinagot ni Zemaika yung tanong kaya naman ipinagpatuloy na namin yung spin the bottle. Naging masaya naman yun dahil ang gulo ni Bailey, Vincent at yung dalawa kong baliw na kaibigan, hahahaha. Huminto lang kami nung hapon na at nagmeryenda na kami tapos dahil nakaramdam kami ng antok, natulog muna kami. Nagising kami ng medyo madilim na kaya naman, hinati namin ang grupo. Si Yuanjei at Zemaika, sila ang magluluto, si Pamela at Carley, sila ang bahala sa paghahanda ng pagkain, si Vincent at Bailey naman sa bonfire at kami ni Jairrho ang maghahanap ng mga tuyong sanga ng kahoy panggatong sa gagawin ngang bonfire nung dalawa.
"Kamusta naman ang tulog mo?" pagbabasag ni Jairrho sa katahimikan. Kanina pa kasi kami nangunguha ng sanga pero walang naimik samin.
"A-ah, okay naman, maayos" sagot ko sabay kinuha ang sanga ng kahoy na nakita ko. Ako ang naghahawak ng mga sanga habang si Jairrho ay tagakuha pero ngayon, tagakuha na rin ako.
"Tama na siguro yan, madami-dami na rin, eh" sabi nya sabay tinuro ang mga sanga na buhat-buhat ko gamit ang dalawang kamay ko. Dapat sya ang nagbubuhat nito, eh.
"Oy, ikaw na magbuhat nito" utos ko sa kanya habang pilit inaabot ang mga sanga. Hindi nya yun kinukuha at iniiwasan lang ang paglapit ko sa kanya.
"Kaya mo na yan, mukha ka naman-" sabi nya pero naputol ang sasabihin nya dahil natapilok ako at muntik ng matumba. Hindi lang natuloy dahil nasalo nya ako, naalalayan nya ako.
"Ano ba yan, ang clumsy mo talaga" sabi nya tapos umayos na ako ng tayo. Ang awkward na naman sa feeling, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, eh. Ang lakas ng tunog, naririnig kaya nya?
"Akin na nga" sabi nya tapos unti-unting nilapit ang mukha nya sakin. Anong gagawin nya? Hahalikan ba nya ako? No way! Ano ba 'tong naiisip ko? Nababaliw na ata ako.
"Ako na magbubuhat nito, ikaw na lang mag-ilaw sa daan" halos pabulong na sabi nya tapos lumayo sakin pagkatapos makuha ang mga sanga. Agad ko namang kinuha yung flashlight sa kamay nya tapos naunang maglakad. Sumunod naman sya sakin hanggang sa makabalik kami sa iba.
BINABASA MO ANG
My Times With You
RandomI'll never forget the times that we had together. That unforgettable time I had with you.