New Principal

17 8 0
                                    

Third Person's POV




Maganda ang naging gising ni Carmaine ngayong umaga. Lagi tuwing Monday badtrip sya pero iba ngayon, feeling nya ang gaan sa pakiramdam ng make over nya. Bumangon na sya tapos ginawa ang dapat nyang gawin. Pagkatapos ay bumaba at kumain. Lumabas na sya ng bahay nila since wala namang taong pagpapaalaman.





"Caramaine? Oh my~ ikaw nga, anak. Anong nangyari sa'yo? Ang ganda mo na, hihi" bati ng mama nya ng magkasalubong sila sa gate nila. Napangiti naman sya dahip nagustuhan ng mama nya ang ayos nya.

"Binawasan mo yung buhok mo saka pina-straight mo? Naku~ ang ganda-ganda mo na, anak. Oh, pumasok ka na at baka ma-late ka. Tandaan mo, kahit anong mangyari study first muna, okay? Ingat~" paalam ng mama nya sabay pumasok na sa loob at naglakad naman na sya paalis. Nagtaka naman sya dahil sa sinabi nito, hindi na lang nya yum pinansin at tuloy-tuloy na naglakad.



Nakapasok na sya sa school nila at dumiretso na sa classroom nila. Pagpasok nya ang nagulat sa kanya ang mga kaklase nya. Humanga sila sa ganda ni Carmaine at nagulat dahil may igaganda pa pala ito. Nagpasalamat sya sa mga pumuri sa kanya tapos ay dumiretso sa upuan nya. Agad nyang hinanap ang mga kaibigan nya dahil wala ang mga ito sa classroom nila.



Sa kabilang banda ay nag-uusap si Carley at Pamela habang naka-upo sa may bench malapit sa canteen. Kumakain ng agahan ang mga ito ay pinag-uusapan si Yuanjei na hindi kalayuan sa kanila.

"Ang sama ng pasa ni Yuanjei, pa'no kaya nya nakuha yun?" tanong ni Carley sa katabi. Pinagmamasdan lang nila si Zemaika at Yuanjei na nag-uusap.

"Ang alam ko, tumama yun sa kahoy kahapon kaya ayan. Hindi kasi nag-iingat, yan tuloy" sagot ni Pamela sabay kumagat sa tinapay nito. Maya-maya naman ay dumating si Carmilyn.


"Asan na ba si Carmaine? Kawawa yung Yuanjei nya, eh, dapat tulungan nya. Tignan mo, si Zemaika na naman ang nasa tabi ni Yuanjei" sabi ni Carley at napatingin kay Carmilyn na nakatingin sa kanila. Sumama naman ang itsura ni Carley ng makita ito.


"Psh, close ba kayo kay Yuanjei? Kung hindi, tabi-tabi lang, excuse me" masungit na sabi ni Carmilyn sa kanila sabay pumunta kanila Yuanjei at Zemaika.


"Aba! Akala mo kung sino" sabi ni Pamela sabay akmang babatuhin si Carmilyn pero naisip nya na sayang kung tinapay ang ibabato nya kaya hindi na lang nya ito binato.


"Pa-epal, hindi rin naman sila close ni Yuanjei, eh" inis na sabi ni Carley sabay tumingin kanila Yuanjei. Maya-maya pa ay naglalakad papunta sa canteen si Carmaine para bumili ng maiinom. Napatingin naman si Yuanjei sa paparating na babae. Napatulala sya kaya naman nagtaka si Zemaika at Carmilyn at tinignan ang tinititigan ni Yuanjei.

Si Carmaine naman ay nakangiting pumasok sa canteen at nilagpasan lang si Yuanjei, Zemaika at mga kaibigan nya. Pagpasok sa canteen ay kumuha agad sya ng tubig pero ang nakuha nya ay nagyeyelo. Napatulala naman si Jairrho na noon ay kumakain ng paborito nitong spaghetti na nakahiwalay ay noodles sa sauce. Napatigil sya sa pagkain habang nakatingin kay Carmaine na nagbabayad na ng binili. Bago lumabas ay narinig nya ang pinag-uusapan ni Zemaika at Carmilyn.


"Pumunta ka na sa clinic at ipagamot mo yang pasa mo, baka lumala pa yan" sabi ni Carmilyn. Napatingin naman sya sa hawak nyang tubig na nagyeyelo ay sakto sa pasa ni Yuanjei.


"Dati kapag nagkakapasa ako, dinadampian ko lang ng yelo" bulong nya sa sarili nya habang nag-iisip kung ibibigay ba ang tubig kay Yuanjei o hindi. Bigla namang may tumulak sa kanya dahilan para mapalabas sya sa canteen. Napatingin naman sa kanya si Yuanjei, Carley, Pamela, Zemaika at Carmilyn. Nagkatitigan sila ni Yuanjei tapos tumingin sya sa taong tumulak sa kanya. Nakita nya si Jairrho na nakangiti at sumenyas ibigay kay Yuanjei at tubig tapos ay umalis. Tumingin ulit sya kay Yuanjei na nakatingin sa hawak nyang tubig.



My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon