Ich Liebe Dich

17 8 0
                                    

Carmaine Love's POV




Sige lang ako sa paghahanap habang naiyak. Habang tumatagal ay unti-unti na kong nanghihina at unti-unti ng tumitigil sa pag-iyak. Nahanap ko na rin sa wakas ang USB, nilagay ko na yun sa bulsa ng shorts ko at saka lumabas ng kwarto ko. Naririnig ko na ang tunog ng mga pinggan, senyales na naghahanda na si mama sa hapunan namin. Dumiretso na lang muna ako sa banyo para maghilamos. Baka kung anong isipin ni mama kapag nakita nya na gan'to itsura ko. Nung masiguro na okay na ang itsura ko ay lumabas na ako ng CR at dumiretso sa hapag-kainan.







"Oh, andyan kana pala. Halika na dito at kakain na" aya ni mama. Umupo na ako sa upuan ko at maya-maya lang ay dumating na si papa kasabay si kuya. Umupo na rin sila kaya nagsimula na kaming kumain.



"Carmaine? Umiyak ka ba?" nagtatakang tanong ni kuya. Patay, halata ba? Naghilamos naman na ako, eh. Umiwas ako ng tingin kaya naman lalong nagtaka si mama at papa.









"Umiyak ka?" tanong ni mama. Naku naman~ ano bang pwedeng palusot? Napuwing? Natusok? Hikab? Wala akong maisip na matino, eh.

"Kasi po~ ano, eh. Na-na-nakakaiyak po kasi yung pinanood namin kanina ng kaibigan ko kaya na-napaiyak ako" palusot ko. For sure maniniwala na sila nyan. Alam naman kasi nilang aalis ako at manonood kasama ang isang kaibigan. Napansin ko naman na pinagpatuloy na nila ang pagkain at tumango-tango na lang sila.










Pagkatapos kumain ay naghugas na agad ako ng pinggan. After nun ay dumiretso ako sa harap ng computer para malaman kung ano ba talaga ang laman ng USB. Sinaksak ko na yung USB tapos ay tinignan ang laman nun. Isang video lang pero hindi ko muna pinanood dahil may istorbo rin.




"Alis, kailangan kong gumamit nyan" pagtataboy nya sakin. Nakakainis naman 'to, pasalamat sya at wala ako sa mood na makipag-talo sa kanya. Pero ita-try ko munang pakiusapan sya, kailangan kong mapanood 'tong video.



"Pero kuya, may panonoodin muna akong video tapos-" hindi na nya ako pinatapos magsalita at pilit akong pinatayo sa upuan. Umupo sya dun tapos nilahad ang kamay nya na parang may hinihingi.




"Cellphone mo? Ililipat ko na lang dun yung video" sabi nya habang nakalahad pa rin ang kamay nya. Dali-dali ko ng kinuha ang phone ko sa kwarto ko tapos ay dinala yun kay kuya. After mga isang minuto ay natapos na si kuya, binigay nya na sakin yung USB pati yung phone ko.




"Thanks" pasasalamat ko sabay umakyat na sa kwarto ko. Sinarado ko na ang pintuan ng kwarto ng makapasok ako sa loob. Kinakabahan ako, ano kaya yung video? About saan yun?










Hinanap ko na lang yung earphones ko tapos ay nakinig ng music sa phone ko. Hindi ko na muna siguro papanoodin yung video, maiiyak na naman kasi ako kapag nakita ko ulit yung mukha ni Jairrho. Gabi na rin, ayokong umiyak bago matulog dahil mamumugto ang mata ko paggising ko.















































Mabilis na lumipas ang panahon, parang kahapon lang last day na ng March tapos ngayon May na at next month ay college na ako. Kanina lang maliwanag pa ang langit ng pumunta ako dito pero ngayon, unti-unti na itong dumidilim.



"Kailangan ko ng umuwi" sabi ko sa sarili ko. Paalis na sana ako dito sa may lumang park kung saan ako dinala dati ni Jairrho ng may maalala ako. Sinuot ko yung headphones na dala ko tapos ay kinalikot ang phone ko. 6 pa lang naman, maaga pa, siguro panahon na rin na mapanood ko yung video. Umupo ako sa ilalim ng puno habang hawak ang phone ko.







My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon