For Him

18 8 0
                                    

Carmaine Love's POV



Nakarating na rin kami sa lugar na sinasabi ni Jairrho. Hindi sya malayo sa bahay namin pero hindi rin naman malapit, sakto lang. Akala ko nga kung saan nya ako dadalhin, yun pala sa lumang parke lang. May mga swing, may padulasan, seesaw at jungle bar. Maayos pa naman ang lahat pero siguro kaya walang napunta dito kasi medyo liblib.

"Dito ka lang" sabi ni Jairrho sabay iniwan ako at tumakbo sa kung saan. Saan naman kaya pupunta yun? Medyo madilim pa naman dito, isa lang yung ilaw na medyo mahina na at malapit sa swing. Lumapit ako dun at umupo sa swing at nagduyan-duyan habang nakatingin sa langit.




"Ang daming stars" nakangiting sagot ko habang tinitignan ang mga bituin. Kahit napagalitan ako, masaya pa rin ang gabing 'to sakin.

"Huh?" pagtataka ko mapatingin sa unti-unting pagliwanag ng buong park. Namangha ako dahil ang ganda na ng buong paligid. May mga ilaw sa bawat puno na nakapaligid sa buong park tapos sa gilid ng daan, yung sementadong part. Ang ganda na, maaliwalas na tignan.



"Ito, isusuot ko sa'yo" sabi ni Jairrho ng makalapit sya sakin. Nagulat ako dahil bigla syang lumuhod sa harapan ko, kinuha ang paa ko at tinanggal ang sandals na suot ko. Akala ko kung anong gagawin nya sakin, yun pala, isusuot nya sakin ang roller skate shoes na dala nya.


"Ayan, tara na" aya nya pagkatapos maisuot sa dalawang paa ko ang sapatos. Natuwa ako at napangiti ng makita na favorite color ko ang kulay ng shoes, color blue. Hinawakan nya ako sa kamay at inalalayan na tumayo. Muntik na akong madulas pero hawak nya ako kaya hindi natuloy.


"Magro-roller skate tayo?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nakasuot na rin pala sya ng sapatos at pareho kami, pero mas dark yung kanya.

"Naalala ko kasi na gusto mong matutong mag-roller skate, kaya tuturuan kita. Ito nga pala ang dating park kung saan kami dati tumatambay ni Yuanjei at ni- ni- ni Zachary" sabi nya sabay pilit na ngumiti. Tambayan pala nila 'to dati, siguro nung mga nasa grade school pa sila.


"Ah~ ganun ba. Sige na, turuan mo na ako, paano ba?" excited na sabi ko sabay ngumiti sa kanya. Binitawan na nya ako sa kamay at lumayo sakin ng kaunti.

"I-try mo na lumapit sakin" sabi nya sabay lumayo pa ng kaunti. Paano kung madulas ako? Ma-out of balance? Ang sakit kaya nun!

"E-eh, kasi-" pag-aalinlangan ko sabay nag-try na humakbang. Ano ba yan! Para akong bata na tinuturan maglakad ng magulang. Lalapit papunta sa papa ko? Papa? Si Jairrho? Mukhang papa? Hahahahahahaha, pwede~ papa ng magiging anak ko- ay baliw! Shatap, Carmaine! Ano ba yang iniisip mo?


"I-try mo lang, huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan" nakangiting sabi nya sabay ngumiti sakin. Ayan na naman yung ngiti nya, na naging dahilan na naman ng pagngiti ko.

"Hindi mo ko pababayaan?" bulong ko sarili ko sabay unti-unting lumapit sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya tapos nung malapit na ako at nadulas ako pero dahil malapit na ako sa kanya, sinalo nya ako. Napatitig ako sa kanya at ganun din sya tapos may biglang pumasok sa isip ko.

"Sana, saluhin mo rin ako kapag nahulog ako sa'yo" bulong ko wait- WHAT?! ANONG SABI KO?! SANA SALUHIN MO RIN AKO KAPAG NAHULOG AKO SA'YO?

Bigla naman akong napabitaw sa kanya kaya naman natuluyan ako. Napa-upo ako sa daan tapos nasaktan syempre. Ang sakit, aray naman.

"Ano ba? Bakit bumitaw ka? Hawak na nga kita, eh. Yan tuloy nasaktan ka" sabi nya sabay umupo na rin. Bakit ganun? Bakit parang iba ang naiisip ko sa sinabi ni Jairrho?









My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon