Carmaine Love's POV
Kinabukasan ay maayos naman ang naging umaga ko maliban na lang nung time na ng subject na pinakaayaw ko. Terror kasi yung adviser slash teacher namin sa Math na si Sir Gerard Damon. Grabe kung magalit, parang nilait mo sya kung magalit ng wagas kaya walang girlfriend, eh.
"Ms. Galvez, maiintindihan ko sana kung hindi mo natapos, eh. Kahit sana 10 out of 50 lang ang hindi mo nasagutan. PERO 20 LANG ANG NASAGUTAN MO SA ISANG ORAS NA BINIGAY KO?! GAYAHIN MO SILA!" sigaw ni Sir na halos mabingi na ako. Ang lapit ko lang naman sa kanya pero kung makasigaw. Umalis na ako sa harapan at ginaya ang ginagawa ng iba, punishment namin yan. Maglakad habang ng naka-upo, iikot sa buong room ng 10 beses. Sobrang nakakangalay yun, bakit ba kasi may teacher kaming ganito? Makaka-isang ikot pa lang ako pero ang sakit na ng binti ko. Bigla kong naalala ang letter, dahil wala pa akong mapagbibigyan ay may naisip na ako. Nung mapunta ako sa may gilid ng room malapit sa bintana, pa-simple akong lumapit sa libro ni Sir at inipit dun yung letter. Sorry Sir pero baka mas malala pa sa nangyayari sakin ngayon ang mangyari sakin kapag hindi ko 'to ginawa.
Last subject na namin yung Math kaya naman after nun ay umuwi na kami. Grabe ang sakit ng binti ko, eh, pasalamat si Sir nakakalakad pa kami kung hindi, naku~. Nung makauwi ako ay walang tao sa bahay kaya naman dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbasa na lang.
"Saan na naman kaya pumunta si Mama?" naitanong ko bigla sa sarili ko. Naka-idlip na ako at nagising na lang ako sa gutom. Hindi kasi ako nag-meryenda kaya gutom na alaga ko sa tyan.
"Carmaine? Gising ka na pala, tara na at kakain na malamang gutom ka na" nakangiting sabi sakin ng mama ko sabay pumasok sa kwarto ko.
"Kanina pa po ba kayo?" tanong ko sa kanya sabay kinusot-kusot ang mata ko. Inaantok pa ako pero nagugutom na ako, kailangan ko munang kumain.
"Oo, nung nakita ko ang sapatos mo sa baba kanina, pumunta ako dito para sana alukin ka ng meryenda na pasalubong ko, kaso nakita ko na natutulog ka kaya hindi na kita ginising" paliwanag nya. Ang bait talaga ng nanay ko, ang swerte ko naman sa kanya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at bumangon na para makakain.
BINABASA MO ANG
My Times With You
RandomI'll never forget the times that we had together. That unforgettable time I had with you.
