Feelings

21 8 0
                                    

Carmaine Love's POV




Nandito kami ngayon sa lumang building. May naisip kami para hindi na magkaroon pa ng dahilan si Yuanjei at Zemaika magkita.

"Ayun yung tuta, bilisan mo kuhain mo" utos nya sakin. Kung maka-utos akala mo sineswelduhan ako.


Hindi ko na lang sya pinansin at kinuha ko yun at kinarga tapos lumapit kay Jairrho.

"Tignan mo, sobrang cute nya" sabi ko sabay niyakap ang puting tuta. Ang ganda ng balahibo, parang may lahi ata 'to, eh.



"I don't care, tara na" sabi nya sabay naunang umalis. Sungit! Hindi man lang napansin ang kakyutan ni choochoo.


"Sobrang cute mo naman, ang cute cute cute cute mo. Mas cute ka dun sa masungit na yun, pangit yun, eh" sabi ko sa tuta sabay sumunod na rin kay Jairrho sa labas.








Naglalakad na kami ngayon sa labas ng school. Karga-karga ko si choochoo, ano kaya ipapangalan ko sa kanya. Nanggigigil talaga ako sa kanya, ngayon lang ako nakayakap ng sobrang cute na tuta, eh.

"Huwag mo nga masyado panggigilan yung tuta, kawawa" saway sakin ni Jairrho sabay kinuha yung tuta.


"Jairrho, ano ipapangalan natin sa tuta?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nilalaro nya yung tuta. Nakangiti sya habang karga yung tuta, kanina ang sama nya sa tuta tapos ngayon akala mo kung sinong anghel, hahahahahahaha.






"Yuanjei. Pangalan nya ay Yuanjei, Yuanjei~" tawag nya sa tuta. YUANJEI?! Ang lakas ng loob nyang ipangalan sa tuta si Yuanjei ko!



"Ano ba? Bakit Yuanjei? Ang gwapo ni Yuanjei para ipangalan sa tuta!" angal ko sa kanya, nakakainis talaga sya kahit kailan, eh.


"Kung ganun, JC na lang" sabi nya sabay ngumiti. Saang lupalop naman nya nakuha yung JC?

"Akin na nga muna" sabi ko sabay kinuha si choochoo at tinignan kung lalaki o babae yun. Babae sya, babae yung tuta.


"Babae sya, hindi pwede ang JC" masungit na sabi ko saka kiniss si choochoo. Ang baho nya, hindi pa siguro 'to napaliguan.


"Final, CJ ang name nya" nakangiti nyang sabi nya sabay hinawakan sya choochoo. CJ? Pwede na, may kaklase ako dati na CJ ang pangalan pero babae sya, pwede na.



"CJ~ ikaw na ngayon si CJ. Ang cute na si CJ" masaya kong tawag kay CJ, ang tuta ni- teka, kanino pala 'to? Kay Jairrho ba? O akin?



"Jairrho, ikaw ba mag-aalaga nito?" tanong ko sa kanya. Kinuha namin sya kaya hindi dapat maalagaan at mahalin sya ng maayos at tama.



"Ikaw na lang" sabi nya sabay tumakbo paalis. Hahabulin ko pa sana sya kaso naalala ko na may hawak akong tuta.

"Ako na raw ang mag-aalaga sa'yo. Ako na ang mommy mo, si mommy Carmaine~" sabi ko kay CJ. Umuwi na agad kami sa bahay para makakain sya at makainom. Malamang gutom na kasi 'to at uhaw.











Kinabukasan, pagpasok ko sa room ay umiiyak si Zemaika. Bakit kaya? Anong problema nya? Dumiretso na ako sa upuan ko habang nakatingin pa rin kay Zemaika. Inaalo naman sya ng bestfriend nya na si Carmilyn. Tatanungin ko na sana si Pamela pero wala pa sya kaya si Carley na lang.



"Carley, anong nangyari kay Zemaika?" bulong ko sabay nginuso si Zemaika. Tinignan naman nya ng tingin si Zemaika sabay tumingin sakin.


My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon