Happy And Sad

21 8 0
                                    

Carmaine Love's POV




Heto na naman ako, umiiyak habang pinapanood ang video ni Jairrho. Almost 6 years ago na rin 'to at hindi ko pa rin 'to binubura sa phone ko. Gaya dati, habang pinapanood 'tong video ay nasa same spot ako. Sa dating park na ngayon ay garden na lang, sa ilalim ng dating puno na naging saksi sa mga iyak ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang same handkerchief na ginamit ko dati. Lahat ng bagay at alaala galing sa kanya ay iniingatan ko, yun na lang kasi ang meron sya sakin.





Naglalakad na ako ngayon pauwi sa bahay ko. After kong mag-college, lumipat na ako ng bahay. Si mama at papa na lang ang naiwan sa dati naming bahay sa Laguna. Si kuya naman may asawa na, sino pa nga ba? Syempre si ate Candie Harra, magkaka-pamangkin na nga ako, eh. Pero next year pa since she's only a month pregnant. May tatawag na sakin ng tita pero wala man lang syang tatawaging tito.












"Jairrho" sulat ko sa seven underscores. Seven underscores lang kasi ang nilagay ko sa the person I like. Dati kasi nalilito pa ako kung sino talaga gusto ko, kung si Yuanjei na o Jairrho. Buti na nga lang pareho silang seven letters, pero ngayon, sinulat ko na ang pangalan nya. Malinaw na sakin na sya talaga ang gusto ko at si Yuanjei.





"Jairrho" naiiyak na tawag ko sa pangalan nya. Napayakap na lang ako sa journal ko habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan nya. Baka lang- baka sakaling dumating sya bigla. Kaso alam kong imposible, hundred miles ang layo nya sakin.














Pagka-uwi ko ay natulog na lang ako diretso. Pero bago tuluyang makatulog ay may napag-isip-isip ako. Bakit nga ba ako pumapayag na ganun ang gawin nila sakin? Mag-trabaho at mag-overtime ng wala man lang dagdag na sweldo? Hindi! Hindi na ako papayag, kailangan kong ipaglaban ang karapatan ko! Tama ba? Aish ewan, bahala na bukas.













Nag-ayos ako ng mabutu para hindi magmukhang waitress o kung ano pa man. Dire-diretso akong pumunta sa office ni Manager habang nakatingin ang mga tao sa paligid ko. Well, nakuha ko talaga ang atensyon nila dahil sa itsura ko na parang ako ang may-ari nitong restaurant. Ngumisi lang ako ng makapasok ako sa office nya, maski sya naninibago sa itsura ko. Lumapit ako sa kanya, hanggang sa magkatapat kami.





"I'll resign! Before I officially leave this place, give me the money that I deserves for all the overtimes that I have done" seryoso kong sabi sabay malakas na hinampas ang kamay kong hawak ang resignation letter sa table nya. Nagulat sya lalo na ang mga nagta-trabaho dito na nakasilip sa pintuan. Akala nila hindi ko sila napansin? Hahahahahaha, ang saya sa pakiramdam.








"I don't need to stay at a place where nobody and no one cares about me. Goodbye" mataray na paalam ko sabay confident na naglakad palabas ng lugar na yun. Sinarado ko rin ng malakas ang pintuan kaya nagulat ang lahat lalo na ang mga nasa labas. Tinignan ko lang sila at lumapit naman sila sakin.








"Waaaahhh, congrats Carmaine! / Ang galing mo kanina / Grabe pa'no mo nagawa yun? Hahahahaha/ Iba ka Carmaine" sabay-sabay na sabi nila habang nakangiti at tumatawa. Hahahahaha, buti na lang talaga at nalinawan ako kagabi.









"Carmaine, ibang klase ka / Ang galing mo / Idol na kita / Hindi ko kayang gawin yung ginawa mo" hahahahahaha. Nakakahanga ba talaga yun? Maski ako hindi pa rin makapaniwala. Akala ko hindi ako makakagawa ng ganun sa buhay ko.




















After sa restaurant ay namasyal na muna ako. Gusto ko sanang puntahan ang paborito kong bookstore kaso sa Laguna pa yun, nasa Manila na ako ngayon, eh. Umuwi na lang ako dahil wala naman akong mapuntahan. Saktong pagkauwi ko ay tumawag naman ang isa sa mga best friend ko, si Carley.






My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon