Carmaine Love's POV
Konti na lang at talagang mawawalan na ako ng hininga. Didilat na sana ako ng maramdaman kong gumalaw ang tubig. Biglang may humila sa kamay ko at humawak sa baywang ko. Finally, nakalanghap ako ng sariwang hangin. Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga at pag-ubo. Naalala ko na may humila sakin, sino kaya yun? Paglingon ko sa likod ko ay wala na sya sa pool. Pagtingala ko, si Jairrho agad ang nakita ko.
"Ano bang ginagawa mo? Magpapakamatay ka ba?!" sigaw na tanong nya sakin. Bakit na naman ba sya nagagalit? Wala naman akong ginagawa sa kanya, eh.
"Bakit ka ba nagagalit dyan?" tanong ko sa kanya. Nakakainis sya, bigla-bigla na lang magagalit ng walang dahilan.
"Magpapakamatay ka dahil lang dun?! Ang tanga mo naman!" sabi nya saka tinulungan ako na makaalis sa pool. Napatingin ako sa kanya at nakita na umiiyak sya.
"Ja-Jairrho, umiiyak ka ba?" tanong ko, hindi ako pwedeng magkamali. Hindi lang basta basa ang mukha nya, luha na yun, umiiyak sya.
"Ewan ko sa'yo!" sagot nya sabay iniwan na ako at naglakad paalis. Tignan mo yun, parang ewan lang. Sinabihan pa akong tanga, mas tanga kaya sya, basta na lang umiiyak, hmph!
Sumunod ako sa kanya at pumunta kami sa rooftop ng lumang building kung saan sila madalas tumatambay. Class hours ngayon kaya sila lang ni Vincent at Bailey ang nandito, isama na rin ako. Nasa isang kwarto dito sa building si Vincent at Bailey, naglalaro ng baraha. Sa rooftop naman kami kaya lang umalis saglit si Jairrho kaya naiwan akong nakaupo dito at nagpapatuyo.
"Para akong basang sisiw, eh" bulong ko sa sarili ko sabay pinipigaan ang palda ko. Bigla naman may bumato sakin ng kung ano. Talagang sa mukha ko pa, sino pa nga ba? Malamang si Jairrho lang naman.
"Magpunas ka, basang sisiw" asar nya sakin sabay umupo sa tabi ko. Tinignan ko naman yung binato nya at nakita na towel pala.
"Salamat" sabi ko sabay pinunasan yung katawan ko. After ko magpunas ay napatingin ako sa tabi ko. Wine? Bawal 'to sa school, eh. Nakalimutan ko nga pala, isang Jairrho Galvez ang kasama ko ngayon na mahilig lumabag sa policies.
"Uminom ka" alok nya sakin sabay sinalinan ako ng wine sa baso. Inabot nya sakin yun pero tinanggihan ko.
"Hindi pwede, hindi ako umiinom nyan" tanggi ko sabay pilit nilalayo yung baso. Hindi sya nagpadaig, hinawakan nya ang kamay ko at pilit pinahawak sakin ang baso.
"Kapag hindi ka pa nakainom sa school-" alam ko na ang sasabihin nya kaya naman sinabayan ko sya.
"Mami-miss mo ang masayang experience at pagsisisihan mo yun" sabay namin saad sabay ngumiti sya at tumawa ng bahagya. Hinawakan ko ng maigi yung baso kasi feeling ko mahuhulog yun.
"Hahahahaha, good girl" sabi nya sabay ginulo na naman ang buhok ko. Bakit ba ang hilig nyang manggulo ng buhok ng iba? Sinampay ko ang towel sa likod ko na parang jacket sabay ininom ko na yung wine. Hindi ko nagustuhan yung lasa at dahil dun, may bigla akong naalala.
"Jairrho, bakit ka nga pala umiyak kanina?" mahinang tanong ko sabay ibinaba ang baso sa sahig at tumingin sa kanya. Curious kasi talaga ako kung bakit sya umiyak. Never ko pang nakita at never na-imagine na iiyak ang isang Jairrho Galvez. Hala! Nahahawaan na ata ako ng pagka-chismackers ni Pamela.
"Kinausap ko si Zemaika pero hindi nya ako pinansin at umalis kasama si Yuanjei" malungkot na saad nya. Ah~ so may gusto sya kay Zemaika?
BINABASA MO ANG
My Times With You
RandomI'll never forget the times that we had together. That unforgettable time I had with you.