ARIEL'S POV
"Ting! Ting! Ting! Ting! Ting! Ting!"
Isang napakalakas na tunog na mukhang galing sa isang bell ang bumulabog sa kabuuan ng kwarto.
Pilit ko pang tinatakpan ang aking tainga gamit ang unan pero hindi iyon naging epektibo upang hindi marining ang tunog na iyon. Bumalingkwas ako sa pagkakahiga at tiningnan ko sa gawi nila Angeline at Sheena, na sobrang gulo ng kanilang buhok at pakamot kamot pa at humihikab.
Dahil sa yamot at hindi magandang gising, busangot akong tumingin sa pinanggalingan ng tunog at gulat akong napatingin sa kanila.
Sila na naman! Oo ang dalawang katulong kagabi. Nandito sila sa kwarto at ngingiting ngiti pa sa gawi namin. Inilabas nito ang kanyang scroll mula sa kanyang bulsa at agad na ipinakita sa amin."Prepare yourselves in 10 minutes, don't be late. We'll wait you outside" Sabay abot sa amin ang isang mahabang color brown na cloak.
"Ito ang susuutin ninyo" Ngiting sabi ng isa na agad naming ikinagulat ko.
Nagsasalita pala eh, ang dami pang arte, pa mysterious. Sumbat ko sa isip ko.I rolled my eyes to them,at umalis na sila.
"Seriously? 10 minutes, pagsusuklay ko palang yun eh!" arteng sumbat ni Angeline
"Ang arte mo, at dahil diyan, I'll go first!" takbo ni Sheena papuntang CR
Saan naman ang punta namin ngayon, pansin kong naging mas maingay sa labas kumpara kanina. Maraming mga yapak ang lumamon sa labas ng hallway.
Agad na lumabas si Sheena,suot ang mahabang cloak na iyon.
"You look baduy, Sheena" pagiinarte ni Angeline
"You look like a truly magician" pagtatama ko.
Namangha ako sa itsura ni Sheena, bago man ito sa akin pero totoong maganda iyon, bumagay pa sa kanya lalo nat nakatali ang kanyang buhok.
"Ayokong suutin to!" pagiinarte ni Angeline
"As if naman may choice ka, wala ka ngang damit eh" pabiro ni Sheena na tila iaamoy amoy si Angeline
At may amoy ka na rin pagbibiro niya
Natawa ako dahil busangot na tumayo si Angeline at pumunta sa CR."Am I that look awful?" umupo sa tabi ko sheena
"No, you look good" agad namang sagot ko
"Really?" kinang na kinang ang mga mata nito.
After a couple of minutes. Tumayo ako dahil lumabas na si Angeline at agad na nagpalit ng damit at isinuot ang damit na ibinigay nila.
Lumabas ako at namilog ang mga mata nila.
"That's really suits on you" Patakbong yakap ni Sheena at agad na kumalas
Tumawa ako bilang ganti. At agad na naisip ang mga nangyari kagabi. Should I let them know?
I guess hindi na, mas makakabuti ito sa kanila. Plinano kong hindi muna sasabihin hangga't wala pa akong konkretong impormasyon.
Lumabas kami sa aming kwarto at talagang hinintay nga kami ng dalawang katulong.
Agad na kumilos ang dalawa at sumunod kami. Namangha kaming tatlo, dahil maraming mga tao na kasing edad namin at they wear the same clothes. Batid ko ito ang uniform namin sa school na ito.
Lahat sila ay nakatingin sa amin, at parang pinaguusapan nila kami.
"They're looking at us" pabulong ni Angeline
BINABASA MO ANG
The Mageborn Wielders(Completed)
FantasyOne summer vacation, the fate of an ordinary woman named Ariel Oberon twisted upon discovering the OZ Kingdom where Mageborns exist, a legendary and mythical being that allows people to wield magic. Inside the Kingdom, evil is lurking and slowly de...