Chapter 12 "Who is he?"

206 23 0
                                    

ARIEL'S POV

Agad naming sinundan ang dinadaanan ni Aunas at Lilyana. Habang tinatahak namin ang daan ay biglang huminto ang dalawa at tumingin sa gawi namin si Lilyana saka ito bumaling sa gwardya.

Kumilos ang isang gwardiya at parang mayroong pinuntahan. Pagkaraan ng ilang minuto agad nagsidatingan ang tatlong babaeng nasa siguro 50 na ang edad. Nasisiguro kong tagapagsilbi sila dahil sa suot nilang pare pareho.

Huminto sila sa harap ng babae at makikita sa kamay nito na mayroon hinahabilin sa kanila. Hindi namin marining ang sinasabi niya. At tumingin ng diretso sa akin ang isang babae at ngumiti ito.

Kusa akong bumitaw sa pagtitinginan namin at hindi ko na namalayan na wala na pala si Lilyana at Aunas ,paparating na rin ang tatlong katulong sa gawi namin.

"Uhm Good evening" sabat ni Sheena

Nagkatinginan pa ang tatlo at may hawak silang scroll at may kung anong sinusulat ang isang ito.

"Follow us, your rooms are ready"
Gulat akong napatingin sa mga kasama ko at ganun din ang inasta nila.

"Hindi ba sila nakakapagsalita?" Bulong sa akin ni sheena

"They are really wierd" takang ko sambit sa kanya

Nagkibit balikat si Zach bilang tugon sa amin.  Ang wierd nila, why they have to write kung parang nakakapagsalita naman sila noong kinausap sila ni Lilyana. Anong klaseng tao sila?

"Mabuti pa sumunod na lang tayo sa kanila" suhestyon ko

Tumango sila bilang pagsang ayon sa sinabi ko at agad namang tumalikod ang tatlo, na nagsimulang maglakad.

Tahimik naming tinahak ang madilim na hallway pero may sapat ni liwanag na dulot ng malilit na ilaw sa dingding upang makita namin ang isa't isa.

Tumingin ako sa taas at talagang mataas ito dahil may roon pang susunod na palapag at kung titingnan nasa anim na palapag ang paaralang ito. Ngunit bago pa ako namangha ay biglang huminto ang tatlo at may
isinusulat na naman ang isa sa kanila.

"turn left, girls dormintory"

"turn right, boys dormitory"

Tiningnan ko si Zach, at punong puno ang gulat sa mukha niya. Kinalabit ko siya

"Is that okay for you?" tanong ko

"I have no choice" bulong niya

Humiwalay ang isang babae na nagsabing turn right at tiningnan si Zach, napaigtad siya at agad na nagresponde ito at sumunod sa babae.

Nagtuloy sa kaliwa ang dalawa at sumunod naman kami, tahimik parin at madilim ang buong paligid, marami pang mga kwarto ang nadaanan bago huminto ang dalawa.
Batid kong dito na ang kwarto namin.

"Can't you speak?"
Takang tanong ni Sheena,pero hindi sila sumagot. Now this is nice ,sarkastikong isip ko

"Everything is settled, your necessities are prepared, no more questions, there are signage everywhere" ngiting sulat ng isa, at umalis na sila sa harapan namin at binigyan kami ng susi bawat isa.

"They're annoying!" pabulong na sabi ni Angeline, at humakbang para buksan ang pinto.

Tumambad sa amin ang isang kwartong may kalawakan, sapat na ito para sa amin.

Mayroong tatlong kama, walang kahit na dekorasyon ang kwarto maliban sa orasan lamang na gawa sa kahoy at luma na ito, pero gumagana pa naman. Tumingin ako sa kanan at mayroong maliit na kitchen at dining table. Mayroong maliit na kabinet sa tabi ng mga kama at agad ko itong binuksan na tumambad sa akin ang maraming cloaks at damit panloob na pareparehas lamang ang kulay. Sinara ko iyon at napansin ko ring mayroong cr, hindi modern ang disenyo ngunit napakaclassic.

The Mageborn Wielders(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon