CHAPTER 3
"Cut!"
"Break time muna ang prod! Resume after 10 minutes!"
Kanya-kanyang pulasan ang grupo. May ilan sa amin ang kinuha ang cellphone at naghahanap ng signal since mahina ang connection rito sa loob ng sementeryo. Hinanap ng mata ko si Ferry at nakita ko siya hindi kalayuan sa akin. Nakatitig lamang siya sa sepulturero na abala sa paghuhukay ng lupa malapit sa nagtataasang nitso.
Lalapitan ko na sana nang maunahan naman ako nina DJ at Brixx.
"Ano Ferry the Platipus? Kumusta ka naman?" mayabang na tanong ni Brixx at inakbayan pa ito.
Agad napaatras sa takot si Ferry nang makita ang dalawa sa tabi niya. He's thinking too much that's why he didn't know Brixx and DJ would approach him. Kahit ganoon naman talaga ang sitwasyon. Kung nasaan ang binubully, naroon rin ang mga bully. I wonder when will they stop pestering Ferry. Nagkaka-trauma na 'yung tao dahil sa mga pinaggagawa nila.
Gustuhin ko mang lapitan sila at awatin pero mas pinili ko na lamang manahimik sa isang tabi at panoorin sila. Ayoko lang madamay. I promised my Mom that I won't involve myself to any troubles or fights again. I will be a good girl from now on. At tingin ko naman, hindi magtatagal at susuwayin rin sila ni Cy mayamaya lamang.
"Oy, boys? Ano iyan? Akala ko ba walang manggugulo."
Hindi nga ako nagkamali. Nilapitan sila ni Cyrus at pinaglayo-layo.
Buti nga sa inyong mga hinayupak.
"Debby!" tawag sa akin ni Cy kaya otomatiko akong naglakad patungo sa direksyon nila bitbit pa rin ang file ng scripts.
Ang hirap rin maging isang script writer. Sa'yo lahat ang linya at ang bawat detalye ng mga scenes. Ikaw ang brain kumbaga. Kaya ako palagi ang tinatawag kapag may kailangang baguhin sa mga lines ng actors. Medyo nakaka-stress na rin.
"Pwede mo ba dagdagan ang lines nina Brixx sa scened 4?" bungad na tanong ni Cy paglapit ko pa lamang. Napatingin naman sa akin si Brixx. Ngumisi ito at kumindat na parang siraulo.
Tanginang pagmumukha iyan. Magkamag-anak ba sila ni Gian? Pagmumukha pa lang nila parang gusto ko na ilibing, eh.
Tinaasan ko naman sila ng kilay at bumaling kay Cyrus. If not for the productions, I wouldn't have to deal with this bullies. I have no rights to argue with Cy. Afterall, siya naman talaga ang director namin.
Tumango ako at binuklat ang script.
"Sa scene four lang ba?" labas sa ilong kong sambit. Tingin ko kailangang bigyan sila ng mga mabibigat na role, eh. Iyong tipong pahihirapan kada scene para magdusa naman ang mga mokong na ito.
"Ah, yeah," sagot ni Cyrus. "DJ, ayos lang ba kung ang role mo ay isang grave digger?" baling nito kay DJ na hindi nakikinig sa pinag-uusapan namin.
"DJ?"
Imbes na lingunin kami ay nakatitig lamang siya sa sepulturerong naghuhukay pa rin ng lupa sa pagitan ng mga nitso. Maging si Ferry ay nakatulala lamang roon at waring pinagmamasdan ang kilos ng lalaki.
Napakunot ang noo ko at hindi na rin mapigilang mapatingin sa pinanonood nila.
"May bago bang ililibing?" Brixx asked out of nowhere that made me feel unconscious for no reason. I don't like to hear any kinds of funeral or wake. It creeps me out as fuck.
"Kanina pa siya gumagawa ng hukay. Ang weird," DJ muttered not removing his gaze to the man.
"Hayaan n'yo na. Trabaho talaga nila iyan at wala tayong magagawa," ani Cyrus matapos maka-recover rin sa pagkakatulala.
Mayamaya ay napatingala kami sa kalangitan. Nagdidilim na ito at nagbabadya na naman ang isang malakas ng pagbuhos ng ulan. Napangiwi ako.
"Mukhang aabutan pa tayo nito," naiiling na komento ni Cy.
"Nalintikan na!" mura naman ni Brixx dahil unti-unting nang bumagsak ang butil ng ulan. Agad kong itinago sa loob ng jacket ko ang script para hindi mabasa.
Hindi nga kami nagkamali. Hindi katagalan ay tuluyan nang bumuhos ito ng napakalakas. Kanya-kanya kaming takbuhan para makasilong.
"Guys! Sumilong kayo! Bawal magkasakit ang buong prod!" sigaw sa amin ni Maureen kaya mas binilisan namin ang takbo.
"Grabe, napaka-unpredicted talaga ng panahon. Kanina lang sobra ang init. Tapos ngayon, ang lakas naman ng ulan!" Maureen exclaimed as she tries to cover her head with a bonnet.
"Tingin n'yo titigil agad ito?" tanong sa amin ni Trinity habang sinasahod sa malakas na buhos ng ulan ang palad niya. Nakahalukipkip kaming lahat at inaantay ang pagtila nito upang makapag-resume na. Marami pa kasing scene na kailangang i-take.
"Aba, kailangan! Kapag hindi agad ito tumigil, baka mamaya pa tayo makapag-shoot," litanya ni Zach na nakasandal sa isang nitso.
"It means, gabi na naman tayo matatapos at late na tayo makakauwi," komento ni Stephanie na parang naiinip na.
I glance at my wristwatch. It's already 3 o'clock in the afternoon. Kapag tumigil ang ulan ay hindi pa rin naman agad kami makakauwi kasi kailangan namin mag-overtime. Probably I'll come home late again since mahaba pa ang biyahe mamaya pauwi.
Napabuntong-hininga ako at hinugot ang cellphone sa bulsa ng suot kong maong jeans. Agad akong nag-type ng mensahe para kay Mama.
Sorry, Ma ☹ Can't make it up for dinner. I'll be late again. Bawi ako next time. I love you! Xoxo
-Debby
✓ sent.
Matapos kong isend ang message ay itinago ko na ulit ang phone ko at napabuntong-hininga muli.
Ilang bawi next time pa ba ang ipapangako ko kay Mama gayong lagi ko namang na-mimissed ang bawat dinner at breakfast kasama siya? Minsan na lang kami mag-bonding dahil busy talaga ako ngayong college. I feel sad knowing I can't be with her for dinner tonight. Mukhang ang prod na naman ang kasama ko kumain mamaya bago umuwi.
Kami na lang ni Mama ang magkasama sa buhay mula nang mamatay si Papa sa isang aksidente. Akala ko nga hindi namin kakayanin pareho na wala siya. But then, kailangan magpatuloy. Si Mama ang dahilan kung bakit hindi ako nagpaapekto sa pagkawala ni Papa. When I saw her face in the funeral wake of my dad, I knew that she's really strong inside and out. I want to be like her, too. That's why I'm doing my best.
Kung saan-saan na nakakaabot ang utak ko habang nakatitig lamang sa mga butil ng ulan. Naibalik ko ang atensyon ko sa sepulturerong patuloy pa rin sa pagbungkal ng lupa.
Nakunot na ang noo ko. Ganoon ba kalalim na hukay ang kailangan niya to the point na kahit umuulan, need niya magtrabaho?
"The rain pours really hard. Mukhang magkakasakit si Manong." Narinig ko ang boses ni Cyrus na nasa tabi ko na pala. Kagaya ko ay nakatitig rin siya sa lalaking bungkal lang ng bungkal kahit maputik na ang lupa.
"Do you think he's trying to make a grave? Or digging some gold?" Mayamaya ay si Stephanie naman ang nagtanong.
"Well, that's an odd question, Steph," I blurted out as I watch the strange man digs the soil.
It seems that we are all curious about this man so I keep my eye on him.
Ngunit bago pa ako mapatingin sa kinaroroonan niya ay bumilis ang tibok ng puso ko.
He's watching us.
Nakaharap na siya sa amin ngunit panay pa rin ang bungkal niya ng lupa. Napakatalim ng titig nito.
Kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Now he's creeping me out.
Bakit iba ang hitsura niya?
Bakit halos puti na ang kanyang mga mata?
***
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Terror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...