CHAPTER 14
"SOMEONE CLOSE TO
YOUR HEART"Habol ang hininga na tumatakbo sa gitna ng madilim na kalsada sina Cyrus at Maureen. Kapwa hinihingal na ang mga ito pero wala silang balak tumigil. Hanggang sa ang mabilis nilang takbo ay naging mababagal na hakbang dahil sa sobrang pagod. Nakuha pang lumingon ni Maureen sa pinanggalingan at umaasang nakasunod sa kanila si Debby.
"Malapit na ba tayo?" tanong ni Maureen kay Cyrus.
"I don't know," saad ni Cyrus na nanghihina na kakatakbo.
"What about Debby? Hindi na ba natin siya hihintayin?" Halos maiyak si Maureen habang nakasunod lamang kay Cy. Hindi umimik ang binata at patuloy lamang sa paglalakad.
"We're not sure if Debby is still alive. Paano kung maghintay tayo sa wala? Besides, siya na ang lumapit sa kamatayan niya. We warned her but she chose to go back. Labas na tayo sa kung ano ang mangyari sa kanya," walang pag-aalinlangan na sagot ni Cy at diretso lamang sa tinatahak na daan.
Dahil sa sinabi ni Cyrus at naikuyom ni Maureen ang kamao.
"Seriously? Hindi ko akalain na sa'yo pa mismo manggagaling iyan. Wala ka bang konsensya? Iniwan natin siya doon kahit hindi naman dapat," asar na sambit ni Maureen. Ang paghanga niya sa binata ay unti-unting nabawasan dahil sa ipinapakitang ugali nito.
Sarkastiko itong tumawa kaya napakunot ang noo niya. Hinarap siya ni Cyrus at hinawakan sa balikat.
"So what are you planning to do? Go back and be Debby's heroine? Ipapahamak ka rin niya dahil lahat naman tayo mamamatay!" Isang malutong na sampal ang iginawad niya sa pisngi ni Cyrus. Halos masapo ng binata ang pisnging nag-iinit na.
"Your attitude sucks, Cy. If you want to survive on your own, reach the border alone. I'll go back for Debby," determinadong sambit ni Maureen at pinahid ang tumutulong luha dahil sa sama ng loob.
Umatras siya ng ilang hakbang mula kay Cy na walang imik at agad kumaripas ng takbo pabalik.
"Maureen!" sigaw ni Cy pero hindi na ito lumingon.
Napapadyak ang binata sa inis at walang ibang nagawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad.
Nang marating ang bukana ay natigil siya sa paglalakad nang maaninag mula sa hindi kalayuan ang umuusok niyang van. Ngunit ang kapansin-pansin ay ang nakabulagtang katawan ni Zach sa tabi nito.
"Zach!" Humahangos niyang nilapitan ang kaibigan. Pero wala na itong buhay. Napamura na lamang siya at nasapo ang sariling ulo. Hindi na niya alam ang gagawin kaya kumaripas na siya ng takbo patungo sa pinakamalapit na open road.
Tulalang naglalakad si Cyrus sa tahimik na highway ng Lyn Ville. Walang nagdaraanang sasakyan. Tanging ihip lamang ng panggabing hangin ang maririnig. Napayakap siya sa sarili sa dulot nitong lamig. Kinikilabutan siya.
Patuloy lang siya sa paglalakad na parang normal lang ang gabi. Malayo na ang naaabot niya. Hanggang sa tumigil siya sa tapat ng isang gate. Binuksan niya ito at dali-daling inilock. Taranta niyang kinapa ang susi sa bulsa at nanginginig na binuksan ang front door.
Sa wakas nasa bahay na siya. Ligtas na siya mula sa mga demonyong gustong pumatay sa kanila.
Pagpasok pa lamang niya ay patay ang ilaw sa sala ngunit tanging ilaw lamang sa kusina ang nakabukas. Napakunot ang noo niya. Bago siya umalis ay sinigurado niyang patay lahat ng ilaw.
Nakarinig siya ng kalabog mula roon. Tunog ng pinggan at mga kubyertos, pati na rin ang pagtulo ng gripo. May naghuhugas ng ganitong dis oras ng gabi? Naipilig niya ang ulo niya bigla.
Pilit niyang sinilip kung sino iyon. Imposibleng ito ang kapatid niyang bunso dahil sigurado siyang nasa over night ito kasama ang mga kaklase. Silang dalawa lamang ang narito ngayon sa bahay sapagkat nag-out of town pa ang mga magulang niyang parehong abala sa negosyo. Kung ganoon sino itong babae na naghuhugas ng mga plato at nakatalikod ngayon sa kanya?
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kusina. Maingat ang bawat galaw upang hindi makagawa ng ingay. Ngunit hindi sinasadyang nahagip niya ang flower vase na nasa may gilid ng mesa. Nabagsak ito at umalingawngaw ang ingay ng pagkabasag.
Natigil ang paghuhugas ng babae ngunit hindi siya nito nilingon.
"Cy, hijo? Nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba?" Namutla siya nang marinig ang tinig na iyon. Kumabog ang dibdib niya lalo na sa paglingon ng babae.
"N-Nanang..." nauutal niyang sambit at natulala na lamang sa ginang na nakangisi sa harapan niya ngayon. Nasa edad na trenta y singko ang babae, nakasuot ito ng apron ngunit may bahid ito ng tuyong dugo. Napalunok si Cyrus at napaatras.
Hindi maaari. Ang Nanang na kilala niya ay matagal nang patay. Sobrang napalapit ito sa puso niya dahil napakabait nito sa kanilang magkapatid. Ang ginang ang tumayong nanay nila habang wala ang kanilang magulang dahil abala sa pagtatrabaho.
Nang mamatay ito dahil sa sakit sa puso ay hindi na sila nag-abala pang magpahanap ng ibang kasambahay dahil naniniwala siyang walang makakapantay sa yumaong ginang. At ngayon, hindi siya makapaniwalang nakikita niya mismo ng dalawang mata ang babaeng nag-aruga sa kanila ng halos walong taon.
Halos mamura niya ang sarili nang maalala ang pangalang isinulat niya sa Life Note. Erlinda Lopez ang pangalan ng babaeng nasa harapan niya ngayon.
"Saan ka pupunta, hijo? Kumain ka na ba? Umupo ka muna at ipaghahain kita," alok ng ginang na nakangiti pa rin sa kanya. Tulad ng nakagawian ay malambing pa rin ito sa kanya.
"I-inom na lang p-po ako ng tubig," nauutal niyang sambit at agad lumapit sa nakasaradong refrigerator. Sunod naman sa kanya ang tingin ng babae. Pinipilit niyang maging normal ang kilos upang huwag ipahalata na may mali.
Pagbukas pa lamang ng ref ay tila nabuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi siya makakilos. Napako ang tingin niya sa loob nito.Laman ng ref ngayon ang duguang katawan ng kapatid niyang babae. May nakatarak ritong punyal at dilat ang mga mata. Pilit pinagkasya sa ibabang bahagi ng refrigerator.
"Pinagluto pa naman kita ng hapunan. Baka gusto mong tikman itong luto kong dinuguan?" ani ng boses sa likuran niya.
Hindi na niya napigilan ang sarili at sumigaw ng ubod lakas. Saktong lingon niya ay ang pagtama sa kanyang mukha ng babasaging pinggan hanggang sa magdilim na sa kanya ang lahat.
Sumabay sa pagbagsak ng duguang katawan ni Cyrus ang pagbitaw ng ginang sa hawak na pinggan. Nabasag ito at lumikha ng ingay sa tahimik na gabi. Mayamaya ay dinukot ng babae ang cellphone sa kanyang apron na may bahid ng dugo.
"Hello. Nahuli ko na ang isa. Ilan pa ba ang natitira?" aniya sa malademonyong tinig at napahalakhak nang mag-isa.
***
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
رعب"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...