CHAPTER 8

162 23 2
                                    

CHAPTER 8

"Ferry!" Kanya-kanya kaming takbuhan at sinundan ang pinanggagalingan ng mga naririnig namin tunog. Halos madapa na ang iba sa amin hanggang sa ang mahinang sigawan ay nagiging klaro na.

Mas lumalakas ito.

May humihiyaw sa takot at sakit.

"Ayoko na, natatakot na ako," nanginginig sa takot na napaatras si Maureen gayon rin si Stephanie. Maging ako rin naman ay kinakabahan na sa kung anong makikita namin oras na silipin ng isa sa amin ang nasa likuran ng mga libingan.

"Shhhh!" pagpapatahimik sa amin ni Cyrus at nakiramdam muli sa paligid nang makalapit kami sa patong-patong na nitso. Lahat kami ay natigilan nang makarinig na naman kami ng pagpukpok.

Parang may nabaling buto. Shit.

"I-I can't stand this anymore. I'm sorry guys," iyak ni Stephanie at natutop ang bibig.

"What? Hindi pa nga natin nalalaman kung anong nangyayari kay Ferry o kung si Ferry nga ba iyon, tatakbo ka na agad?" mahinang sambit ni Zach sa unti-unti nang umaatras na si Steph. Naihilamos ko ang mukha ko dahil hindi ko na kinakaya pa ang mga nangyayari.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumungtong sa nitso na nagsisilbing harang upang hindi namin makita ang nangyayari sa mismong likod nito.

"Anong ginagawa mo, Debby?" nag-aalalang tanong ni Trinity nang makitang isang taas na lang ng paa ko ay mas masisilip ko na ang bandang likod.

"Finding a bigger scoop aside from your growing fears?" sarkastiko kong sagot at nagpatuloy sa pag-akyat. Kung walang kikilos sa amin, walang mangyayari. Tutunganga lang kami rito hanggang sumapit ang umaga at antayin na matapos ang ingay na iyon.

"Just be careful." Narinig ko ang mahinang paalala ni Brixx. Napalingon ako sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at napahalukipkip.

"Akin na muna ang flashlight at phone mo," alok ni Cy kaya inilaglag ko sa kanya ang mga ito. Nasalo naman niya.

Sa tulong ng mga nitso na tinutungtungan ko ngayon ay nagawa kong masilip ang nangyayari ngayon sa kabilang bahagi. Halos magsitayuan ang balahibo ko at kumabog ang puso sa nararamdamang kaba.

"Debby? Anong nakikita mo?"

"Debby?"

Hindi ako pwedeng magkamali.

Sa tulong ng liwanag ng buwan ay aninag ko ang nakatalikod na sepulturero habang hawak ang kanyang pala. May pinupukpok siya gamit iyon. Hindi ako sigurado.

Namataan ko si Ferry.

Gustuhin ko mang sumagot agad at sabihin na nakikita ko ngayon si Ferry, ay tila napilipit na naman ang dila ko. Hindi ako makapagsalita.

Parang nanghihina na ang kamay ko sa pagkakapit at anumang oras ay makakahulagpos na ako sa madudulas na nitso.

"Ano na, Debby?" tila naiinip na tanong ni Zach.

"Ako na nga!" ani Gian at umakyat na rin katabi ko.

Nang makaakyat ay sinundan niya ng tingin ang direksyon ng titig ko at halos manlaki ang kanyang mga mata.

"Guys? Bilis!"

"Si Ferry papatayin siya!" bulalas ni Gian at agad tumalon pababa.

"Shit, what?!"

"Tangina! Nino? Ano bang nakita nyo?"

"Debby bumaba ka na diyan, Debby!" awat sa akin nina Trinity pero naparalisa na ata ang katawan ko sa pagkakatungtong at mayamaya ay pilit pang umakyat hanggang sa maabot ko ang isa pang nitso.

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon