CHAPTER 11

152 22 0
                                    

CHAPTER 11




"SOMEONE YOU ALWAYS WITH BUT YOU DIDN'T TELL HIM YOU LIKE HIM BEFORE HE DISAPPEARED"




DEBBY'S POV





Kasabay ng pagtili ko ay ang paggulong ko sa ibang direksyon para makaiwas sa dala niyang palakol. Alam kong sa puntong iyon ay pulos putik na ang buo kong katawan. Mabilis ang naging kilos ko at agad bumangon dahil oras na maabutan niya ako, tiyak isang hampas lang niya ng palakol sa akin, biyak na ang ulo ko.

Napaiyak na lamang ako dala ng takot. Ayoko pang mamatay dahil lang sa patay na bumangon lang. Kumapa-kapa ako sa lupa at nakahanap ng hindi kalakihang bato. Agad akong nagtatakbo palayo kay Stephen na ngayon ay nasapul ko sa mismong mata. Napaungol ito sa sakit.
Tangina, totoo bang nasasaktan pa sila sa lagay na ito? They really are something.

Malalaking hakbang ang ginawa ko kahit ang sakit pa ng balakang ko mula sa pagkabagsak. Kailangan kong mahanap ang bangkay ni Ferry ngayon rin at makuha agad ang notebook.

Hindi ko mapigilang lumingon sa bawat dinaraanan ko habang sinisiguradong nakalayo na ako kay Stephen. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang nakahandusay na katawan ni Ferry. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagtatakbo palapit sa kanya. Wala na roon si Maye. Ibig sabihin, iba naman ang target niya. Hindi talaga sila namimili ng papatayin. May kutob akong inuuna lamang nila ang taong nagsulat ng pangalan nila sa life note.

"I'm sorry, Ferry," usal ko nang makalapit at kinapkapan siya. Hinanap ko kung saan naroon ang life note pero wala akong nakita. Napaupo na lamang ako sa paanan niya habang nanlulumo.
"Fuck!" mura ko ulit sa sobrang inis. Kung wala kay Ferry ang notebook, someone probably came here first before me and took it away. Imbes na tumunganga sa harap ng katawan ni Ferry, mas pinili ko muling tumayo at maglakad na muli palabas upang maabutan sina Cyrus at Maureen. Siguradong hindi pa nakakalayo ang mga iyon.

Tila wala ako sa sariling naglalakad ng mabilis kahit walang dala na flashlight. Mayamaya ay napatigil ako at nakiramdam sa paligid. May naririnig akong kaluskos.

Naging matalas ang pakiramdam ko. Lumalakas ang tibok ng dibdib ko habang iginagala ang paningin sa kadiliman. Natatakot na ako.

Saktong lingon ko ay isang malakas na hampas ng matigas na bagay ang natamo ko hanggang sa bumagsak ako sa maputik na lupa.




THIRD PERSON'S POV


Takbo ng takbo si Trinity habang tinatanglawan ng flashlight niya ang dinaraanan. Kanina pa siya paikot-ikot rito sa loob ng malawak na sementeryo pero hindi niya makita ang daan palabas. Hindi na rin niya mahagilap ang mga kasamahan. Kanina lamang ay kasama niya tumakbo sina Brixx at DJ ngunit paglingon niya'y wala na ang mga ito.

Malapit nang bumigay ang katawan niya dahil sa nararamdamang pagod.

Sa hindi inaasahan ay nadulas pa siya na naging dahilan para mapatama sa matigas na bagay ang siko niya. Napasinghap siya dahil sa sakit. Hindi niya ito maigalaw, mukhang nadislocate pa ito dahil sa lakas ng pagkakatama.

"Help me!" Umalingawngaw ang taghoy niya sa madilim na paligid ngunit walang sagot kundi ang echo lamang ng kanyang sariling boses. Mas napaiyak siya dahil nawawalan na siya ng pag-asa.

Mayamaya pa'y nakarinig siya ng dahan-dahang yabag at waring may hinihila na kung ano. Kumakalansing ito sa tuwing tumatama sa maliliit na bato. Nahihintakutang napalingon siya sa paligid. Masama ang kutob niya rito.

"Please, somebody help me," iyak pa niya at napapikit. Ramdam niya sa tuwing kikilos ang nakalabas niyang buto sa siko.

"Oh, God..." usal pa niya habang nakatitig sa pigurang nasa harapan na niya ngayon. Kahit gula-gulanit ang damit na may bahid pa ng putik at naaagnas na laman ay kilalang-kilala niya ngayon ang lalaking nakangisi at nakatunghay sa kanya.

"S-Stephen, y-you're alive!" Hindi niya mapigilang mas mapaiyak sa tuwa dahil sa wakas nakita niya itong muli. Ang lalaking kahit kailan ay hindi niya malilimutan. Nagsisisi siyang hindi niya naamin rito ang nararamdaman bago pa ito pumanaw. At ngayong nasa harap na niya ito para tulungan siyang makabangon, hindi na niya sasayangin ang pagkakataon upang aminin ang nararamdaman. Gustong-gusto niya ito.

"Please, tulungan mo ako," pagmamakaawa ng dalaga sa lalaking nakatulala lamang sa kanya. Maputla ang balat nito at hindi na halos gumagalaw ang mga mata. Kapansin-pansin rin ang lagas nitong buhok.

"S-Stephen?" Napawi ang ngiti niya sa labi nang manlisik ang mata ng inaakala niyang buhay pa. Lalo na nang itaas nito sa ere ang dalang palakol. Napaiyak siya at napailing.

"No! You can't do that to me, right Stephen?" aniya habang ipinipilig ang ulo. Paatras siya ng paatras kahit ramdam niyang mas lumalabas na ang buto ng kanyang siko. Nanunuot ang kirot nito.

Unang hampas. Nakailag ang kaawa-awang dalaga. Mas tumindi ang iyak niya at napagulong sa lupa. Isinandal niya ang lantay na katawan sa isang nitso kahit alam niyang papalapit na sa kanya si Stephen. Malakas pa rin ang tiwala niya na hindi siya papatayin nito. Napakabait nitong tao para saktan siya.

"You promise to me that you won't hurt your bestfriend. Hindi mo na ba naaalala? We were best of friends, Stephen! And I love you!"

Ngunit tila walang narinig si Stephen at iniangat muli ang dalang palakol. Ngayon, hindi na nakaiwas pa sa talim nito si Trinity na nahagip ang kaliwang braso. Isang sigaw ang pinakawalan niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.
Iyak ng pagmamakaawa ang tanging maririnig sa kanya habang paulit-ulit siyang pinalakol ng binata sa iba't ibang parte ng katawan.

Saka lamang ito tumigil nang makitang lasog-lasog na ang katawan ng dalaga. Putol ang dalawang binti, basag ang mukha at naliligo na sa sariwang dugo. Napangisi ang binata at binitawan ang hawak na palakol bago pinagmasdan ang bangkay ng kaibigan na ngayo'y tila magandang obra sa kanyang paningin. Kumuha si Stephen ng kaunting laman mula sa basag na ulo ni Trinity at agad itong tinikman.

Ilang sandali lamang at umalingawngaw ang nakakapanindig-balahibo nitong halakhak.




***



"Tangina pare! Bilisan mo naman magdrive!" reklamo ng balisang si Gian habang panay ang lingon sa kalsadang dinaraanan nila. Silang dalawa lamang ang nakasakay sa van patungo sa open road.

"Sandali! Huwag mo akong sigawan! Nangwa-warshock ka talaga, eh no?!" asik naman ni Zach. Maging ito ay tila natataranta na.

"Pare, tama bang iniwan natin sila roon?" tanong pa niya kay Gian na katabi lamang niya.

"Siraulo ka ba? Kung hihintayin pa natin sila, baka abutan rin tayo ng mga patay na iyon!"

"Hindi sila patay. Kitang –kita mo naman na buhay na sila!"

"Patay na nabuhay," komento pa ni Gian at pilit inaaninag ang dulong daan kung saan malapit na sa mga kabahayan.

"Nananaginip lang tayo, hindi ba?" giit pa ni Zach at mas binilisan pa ang pagmamaneho.
"Tingin ko, hindi," nanginginig na sambit ng namumutla nang si Gian habang tinuturo ang kalsadang may nakaharang na babae. Nakatayo lamang ito at walang pakialam kung masasagasaan na.

"Pre, sa harap mo!"

Bago pa maapakan ni Zach ang preno ay napaliko niya ang sasakyan hanggang sa tumama ito sa puno ng acacia. Naiwasan nila ang babaeng muntik nang masagasaan. Pero hindi nila matatakasan ang nagbabadyang kamatayan.



***

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon