CHAPTER 23

141 20 0
                                    

CHAPTER 23


DEBBY'S POV


Malalaki ang mga hakbang na tinahak ko ang daan papunta sa bahay namin. Sa totoo lang ay hindi ko sigurado kung naroon pa si Mama ngayon. Lahat ay nawawala maliban sa amin. Hindi ko alam kung maaabutan ko pa siya.

Hindi ko alam kung nasaan ang lahat. Bigla silang naglaho. Isa lang ang nasisiguro ko. Hindi normal ang gabing ito at pinaglalaruan nila kami.

"Debby, maghintay ka naman!" reklamo ng nakasunod na si Brixx. Napangiwi ako at mas binilisan ang paglakad sa gitna ng madilim na kalsada.

"Kasalanan ko bang mabagal ka maglakad? Ke lalaking tao, napakababae!" singhal ko kaya napamura siya. Lagi na lang 'tong pikon.

"At bakit dito mo pa napiling dumaan? Napakadelikado!" bulyaw niya mula sa likod ko kaya tumigil ako at hinarap siya.

"Sino bang may sabi na sundan mo ako?" mataray kong tanong kaya napakunot rin ang noo niya.

"Saan ka ba pupunta?"

"Uuwi na ako sa amin," tipid kong sagot dahilan para mapahagalpak siya ng tawa.

"What's funny of returning home?"

"Nagbibiro ka ba? Tingin mo may aabutan ka pang buhay doon?" tanong niya pabalik habang hawak ang tiyan na sumasakit na ata kakatawa. Sinamaan ko siya ng tingin at binato ng napulot kong bato.

"Aray tangina!"

"Buhay pa ang Mama ko! Huwag mo na lang akong sundan!" galit kong sambit at nagpatuloy sa paglakad.

"Uy, Debby! Sorry na!" Rinig ko pa ang sigaw niya kaya mas nairita ako.

"Sinabi kong huwag mo na akong sundan punyeta naman Brixx!"

"Joke lang naman 'yon!"

"Joke your ass! Tingin mo isang malaking joke 'tong nangyayari sa atin ngayon? Bobo ka ba? Ginagawa mo pang biro lahat ng ito pero ang totoo malapit na rin tayong mamatay!" Natigilan siya nang muli ko siyang hinarap at binulyawan. Dinuro-duro ko siya sa sobrang inis na nararamdaman. Napupuno na ako kanina pa.

"Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang o kaya umuwi ka na sa inyo! Puntahan mo ang mga magulang mo!" sigaw ko pa dahilan para mapayuko siya at mawala ang ngisi sa mga labi.

Napasobra ata ako.
"Wala na akong uuwian," malungkot niyang sagot sa malamlam na tono.

"W-what?"

"I saw them. They killed my parents." Naiangat ni Brixx ang mga tingin at tumitig sa akin. Doon ko nakita ang luhaan niyang mga mata na puno ng hinagpis. Parang kumirot ang puso ko at nakuyom ang kamao ko.

"At wala akong nagawa kundi ang tumakbo palayo. Hanggang sa nagkita tayo sa abandonadong apartment na 'yon. I tried to save them but I was too late. Kaya sinasabi ko sa'yo 'to. Kung binabalak mong bumalik sa bahay n'yo, Debby hindi safe roon." Halos mag-init ang talukap ko dahil sa mga sinasabi niya ngayon. Hindi ito ang gagong si Brixx na kilala ko.

"What about Mama? She's waiting for me,"

"She's not waiting for you. Everybody's gone now."

"Oh please, Brixx shut up!"

"I'm just telling the truth!"

Parang kaming tanga na nagtatalo sa gitna ng tahimik na kalsada. Puro sigawan namin ang tanging maririnig. Wala na akong pakialam kung may makarinig man na bangkay sa amin. Kung lumapit man sila, hindi ako magdadalawang-isip na itusok sa kanila itong dala kong tubo.

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon