CHAPTER 18
DEBBY'S POV
"Stephanie, tell us what happened?" usisa ko kay Stephanie na ngayon ay nanginginig pa rin sa takot. Mailap ang mga mata niya at hindi makatingin sa amin ng diretso. Matapos namin siyang makita sa ganoong kalagayan ay agad namin siyang pinakalma para makausap. Pero mukhang na-trauma talaga ang isang 'to kumpara sa amin.
"Where are the others? Have you seen them? How did you get out from the cemetery?" sunod-sunod na tanong ni Maureen na katabi ko lamang. Hindi pa rin sumasagot si Steph. Nasapo ko naman ang noo ko.
Sumasakit na ang ulo. Inaaalala ko ang iba pati na rin si Mama na mag-isa ngayon sa bahay. Paano kung madamay siya? I won't let that happen.
"Steph, try to breathe. Inhale and exhale." Ginawa naman niya ang inutos ko. Pumikit siya at humugot ng hangin. Ngunit bago pa siya mapabuga ay agad bumuhos sa kanya ang isang galon ng malamig na tubig. Napasinghap siya dahil sa dala nitong lamig. Kami naman ay halos mapapikit dahil tumalsik ang iba sa amin.
Napangiwi ako.
"What the hell, Brixx?! You scared her!" bulyaw ng naiinis na si Maureen kay Brixx na ngayon ay inosente lamang na nakatayo sa likuran ng nakaupong si Stephanie habang hawak ang galon na wala nang laman.
"Pampakalma 'yan," aniya at nagkibit-balikat. Napairap ako. Kahit kailan talaga wala 'tong ginawang tama.
"Steph, are you okay?" tanong ko na lamang nang mapansin kong sapo na ni Stephanie ang mukha niya kahit basang-basa. Mayamaya ay hinarap niya kami at tiningnan isa-isa.
"Trinity is dead," naiiyak niyang sambit at napayuko na. Napaiwas ako ng tingin. And so thus the others, they are already dead too.
"Kasalanan mo 'to eh," paninisi ni Brixx na ang tinutukoy ay si Stephanie.
"Brixx!" suway ni Maureen at sinamaan ito ng tingin.
"Bakit? Totoo naman, ah. Siya itong nagpumilit laruin ang may sa demonyong Life Note na iyan. Walang ibang dapat sisihin kundi ikaw. Nilagay mo ang mga paa namin sa hukay." Ramdam ko ang hinanakit sa tono ng boses ni Brixx.
"C'mon guys, huwag na tayo magsisihan. We didn't see this coming kaya walang dapat masisi, okay?" litanya pa ni Maureen. Hindi na lang ako sumagot dahil hindi ko na alam kung ano pa bang sasabihin ko. Nangyayari na ang nangyayari kaya wala na namang magagawa kundi gawin ang lahat para makaligtas.
"I'm sorry," bulalas ng problemado ring si Steph at pinahid ang luha mula sa marungis na pisngi.
Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya. All I can hear is the sobbing of Stephanie. Wala ring imik si Brixx na nakasandal lamang sa salamin nitong convenience store.
Imbes na magpatalo sa takot ay agad kong hinablot ang Life Note mula kay Stephanie. Nagulat siya sa biglaan kong pag-agaw rito.
"Debby," nag-aalinlangan niyang sambit pero tinitigan ko lamang siya.
"As far as I remember we played the game with only one rule. This hell won't be happening, unless someone broke it," sabi ko habang mahigpit ang hawak sa notebook na may bahid na ng putik at dugo.
"W-what's the rule?" tanong ni Maureen na nakalimutan na ata ang nakasulat. Nagkatinginan kami. Si Stephanie naman ay napaiwas ng tingin.
"So you're saying that one of us broke the rule? Bullshit," sarkastikong sabat ni Brixx na nakikinig rin pala.
"All this time, you have the Life Note with you. Kung ganoon alam mo kung sino sa atin ang sumalungat, right?" Nagtiim-bagang ako.
"Debby!" Bago pa niya maagaw sa akin ang notebook ay agad ko na itong binuklat at binasa muli ang mga nakasulat.
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Terror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...