CHAPTER 19
DEBBY'S POV
"Dito bilis!" Wala kaming choice kundi takbuhin ang makipot na eskinita habang naghahanap ng mapagtataguan. Pinili na lang namin magpatuloy kaysa balikan si Brixx dahil alam ko namang kaya na niya ang sarili niya. Ngayon, kaming tatlo na lamang nina Stephanie at Maureen ang magkakasama.
"Here! Akyat bilis!" utos ko nang makakita ng isang malaking drum na walang laman pero alam kong magkakasya naman kaming tatlo rito.
"P-Paano?" nauutal na sambit ni Maureen.
"Use it," alok ni Stephanie at kinuha ang isang hindi kataasan na ladder. Isinandal iya ito sa drum at pinaunang umakyat ang nagpa-panic nang si Maureen. Nang tuluyang makababa si Maureen sa loob ng drum ay napatingin ako kay Stephanie na tulad ko ay natataranta na rin.
Nararamdaman ko na ang mga yabag ng papalapit na sina Stephen kaya inihakbang ko na ang paa ko para sunod na umakyat. Bago ko iyon gawin ay binalingan ko muna si Stephanie.
"Hindi porket tinutulungan mo kami ay mawawala na ang galit ko sa'yo. You're still the one who brought us into this mess and you are responsible to save us all. Got that, Steph?" mataray kong sabi kaya napatango na lamang siya at napaiwas ng tingin. Kanina lamang ay ayos lang sa akin na kasama siya. pero sa tuwing maaalala kong siya mismo ang naglagay sa amin sa kapahamakan, nabubuhay ang pagkainis ko. Hindi ko maiwasang sisihin siya sa pagkamatay ng ilan sa amin.
Bumuntong-hininga ako at agad nang umakyat at sumunod na rin siya. Tinulak namin ang hagdan at natumba ito sa lupa. Sa gayon, ay hindi makakahalata ang mga bangkay na may tao rito sa loob.
Pilit kong kinurap-kurap ang mga mata ko at sinasanay na makakita sa madilim na gabi. Wala akong makita.
Napatahimik at tanging mga mabibigat na hininga lamang namin ang aming naririnig. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko.
Parang gusto ko na mahimatay dahil kanina pa kami takbo ng takbo.
Amoy ko na rin ang mga tuyot na dugong kumapit sa mga damit namin. Gross! Hindi pa kami patay pero umaalingasaw na. Napatakip na lamang ako sa ilong ko.
"Debby, andiyan pa ba sila?"
"Shhh!" Agad ko silang pinatahimik at inilagay ang hintuturo sa tapat ng labi ko. Kusa naman nilang tinakpan ang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay.
Nakarinig kami ng kalabog at mga yabag ng paa. Pinanlakihan ko sila ng mata. Natatakot na rin ako pero hindi ngayon ang oras para maging duwag. We have to survive this. I can't die yet!
"I'm so damn scared," iyak ni Stephanie at nagpumilit sumiksik sa tabi ko.
"Me too," ani Maureen at nakisiksik na rin. Halos mapangiwi na ako sa hitsura namin rito ngayon. We're like fucking sardines inside this container.
"Listen." Kinuha ko ang atensyon nila at sumilip muli sa maliit na butas nitong malaking drum.
Nakikita ko sila. Palakad-lakad sila hindi kalayuan sa amin at parang hinihintay lang kaming lumabas mula sa pinagtataguan. They're like fucking zombies but the only difference was, they have the brains and the tactics. Kaya nilang kumilos gaya ng normal na tao.
Napakagat-labi ako at hinarap ang dalawang kasama ko ngayon.
"We need to get out of here," saad ko.
"What? Pero mas delikado tayo kapag kung saan pa tayo pumunta!" bulong ni Maureen at napatango naman si Stephanie.
"Tama si Maureen, wala tayong ibang pupuntahan," pagsang-ayon pa nito.
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Horror"Write the name of the dead, and they will be brought back to life." A group of college students took part in a dare game, testing the legend of a mysterious notebook said to resurrect the dead. Laughing it off as a hoax, they each wrote down names...
