CHAPTER 22
"SOMEONE YOU NEVER EXPECTED TO LOSE"
DEBBY'S POV
Naalimpungatan ako at agad napabalikwas ng bangon nang makarinig ako ng kalabog. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa may bintana. Naroon si Brixx na waring may sinisilip.
"What are you doing?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Tinitingnan ko kung maliwanag na sa labas," sagot niya kaya napatingin ako sa suot kong wristwatch. Nakatigil pa rin ito sa alas dose. Halos masapo ko ang ulo ko.
"We're stucked at 12," saad ko. Napabuntong-hininga naman siya at bumalik sa dating pwesto ng pagkakaupo. Naibaling ko ang tingin ko kay Maureen. Gising na rin ito pero hindi umiimik at tulala lang.
Sa gitna namin ay ang Life Note.
Sandali akong napatitig rito.
"We can't just stay here like sitting ducks. We need to move," paliwanag ko kaya napatingin sila sa akin.
"Saan naman tayo pupunta? Mas mapanganib sa labas," giit ni Brixx na namomroblema na rin.
"The Life Note..." sambit ni Maureen.
"We need to burn it."
"Where's the lighter?"
Agad kong hinugot sa bulsa ko ang lighter at inabot kay Brixx. Hawak ang notebook ay sinimulan niya itong sindihan. Nakapalibot kami at inaantay itong tuluyan na masunog. Ngunit kahit anong pindot sa lighter ay ayaw itong gumana.
"Pakshet naman 'yang lighter mo. Nagdala ka pa, eh hindi naman na gumagana," reklamo ni Brixx at inihagis ito sa sulok. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mukha ba akong nagsisigarilyo? Hindi ba't ikaw itong sumisinghot?" sarkastiko kong sabi at napairap.
"Anong sumisinghot? Gago ampota, naninigarilyo ako pero hindi ako nagma-marijuana. Pasmado bunganga mo! Manahimik ka!"
"Pareho lang 'yon. Hindi ka pa nga nagda-drugs, mukha ka nang adik kaya ikaw ang manahimik, letse ka!" mura ko at hinagis sa kanya pabalik ang notebook. Nakakairita, pota.
"Shhh! Guys!" saway ni Maureen at nahihintakutang napatingin sa amin.
"N-Narinig n'yo 'yon?"
"Ang alin?" sabay pa naming tanong ni Brixx.
Magsasalita pa sana si Brixx nang takpan ko ng aking palad ang bibig niya. Doon namin mas narinig ang mga kalabog na nagmumula sa baba nitong apartment. Nasa ikalawang palapag kami at ramdam namin ang pagbukas ng pintuan. Nakarinig rin kami ng mga yabag.
"They're here," pabulong kong sambit at halos hindi na alam ang gagawin. Nadako ang tingin ko sa bintana na nakapinid. Mahihirapan kaming makaalis o makababa dahil oras na sa hagdan kami dumaan. Maco-corner nila kami.
"What now?" naiiyak na tanong ni Maureen.
"Hide!" utos ko na lamang dahil naramdaman ko na ang yabag nila paakyat ng hagdan. Dahil sa sobrang pagkataranta, mas pinili ko na lamang magtago sa closet kung saan kasya ang dalawang tao. Isasara ko na sana ito nang iharang naman ni Brixx ang kabilang kamay niya.
"What?!"
"Just let me in!"
Pilit siyang nakisiksik sa closet at isinarado iyon. Nanlaki ang mata ko nang maalala si Maureen.
"Where's Maureen?"
"She's under the bed," sagot ni Brixx at mas sinarado ang closet. Sana ayos lang si Maureen sa ilalim. Shit, nag-aalala ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Terror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...