CHAPTER 27

138 21 1
                                    

CHAPTER 27




Panay ang takbo ko makarating lamang sa bukana ng sementeryo kung saan ko iniwan kanina si Brixx. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko namalayan ang isang troso na nakatiwangwang pala sa daraanan ko. Otomatiko na naman akong gumulong sa maputik na lupa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang hitsura ko ngayon. Nanlilimahid na ako sa putik dulot ng paulit-ulit na pagkakabagsak.

"Fudge, don't cry. Your parents didn't raise a weakling," mahina kong sambit sa sarili ko at dahan-dahang bumangon. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa notebook. Hindi pa ako nakakatayo nang maramdaman ko ang biglaang paghampas ng matigas na bagay sa ulo ko.

Sa sobrang bilis nito, nagsirko agad ang paningin ko at bumagsak muli sa lupa.






Nagising ako sa paunti-unting patak ng tubig sa mukha ko. Napasinghap ako at naimulat ang mga mata. Kadiliman pa rin ang sumalubong sa akin. Babangon na sana ako nang mapagtanto kong hindi ko maigalaw ang mga paa ko at kamay.

"What the hell?!" sigaw ko at pilit na ginagalaw ang mga braso ko na ngayon ay nakatali na. Nakarinig ako ng mga hagikhikan. Naririto na naman sila sa may paanan at ulunan ko. Nakatunghay sila at malalapad ang mga ngisi.

"Ikaw na lang ang natitira. Ano kayang magandang gawin sa isang gaya mo bago ka namin ilibing?" ani ng isang babae na may hawak pa ring chainsaw. Halos mangatal ako dahil sa sinasabi niya.

"Ilibing na lang natin ng diretso," sabat ni Stephen na kinikilatis ang buong hitsura ko mula ulo hanggang paa. Naiiyak na ako.

"Napaka-plain naman. Pahirapan muna natin bago itapon sa hukay. Total pinahirapan rin naman niya tayo sa panghuhuli sa kanya. Buti pa ang iba niyang kasama, sumuko agad." Nakarinig ako ng tawanan kaya napapikit ako at napahikbi na.

They're talking like normal people. Oh please, sana nananaginip lang ako sa mga oras na ito.

Ipinilig ko ang ulo ko at mariing ipinikit ang mga mata.

"Hindi kayo totoo! Hindi kayo totoo! Umalis kayo sa paningin ko!" paulit-ulit kong sigaw at nagpumiglas. Mayamaya ay napamulat ako. Mas lalo lamang akong napatili dahil sa mukhang tumambad sa akin.

Nakakadiri ang hitsura niya. Naaagnas at may uod ang mukha. Bukod rito, amoy ko rin ang masangsang na amoy mula sa nabubulok niyang bibig. Pakiramdam ko ay nagbabaligtaran ang bituka ko dahil kahit anong gawin kong pag-iwas, inilalapit niya ang mukha niya.

Nagpakawala ako ng malakas na tili.

"Help!" sigaw ko habang umiiyak pero tanging halakhakan lamang nila ang naririnig ko.

Nakarinig ako ng isang sigaw kaya nabuhayan ako ng loob. Kasunod noon ay ang pagputok ng baril. Ang kaninang bangkay na inilalapit ang mukha niya sa akin, ngayon ay natigalgal at sabog ang ulo. Nagtilamsikan ang dugo mula roon. Mas humiyaw ako dahil sa pandidiri nang bumagsak ang nabubulok na niyang katawan malapit sa mukha ko. Hindi na ito gumagalaw.

Natanaw ko ang humahangos na si Brixx palapit sa kinaroroonan ko. Mas pinilit kong magpumiglas sa pagbabakasakaling maluluwagan ang pagkakatali sa aking mga braso at paa.

"Brixx!" tawag ko pa. Nakita ko siyang isa-isang pinaputukan ang mga bangkay at pinupuntirya ang ulo nito. Bagsak ang apat sa kanila dahil sa mismong utak nabaril. Ngunit sa muling pagkasa ni Brixx ng hawak niyang baril, nanlaki na ang mata naming dalawa.

'Tangina!" mura niya nang mapagtantong wala na itong bala.

"Pakawalan mo na ako rito! Bilis!" sigaw ko pa. Natataranta niyang binitawan ang dalang baril at dinaluhan ako na nakahiga pa rin sa ibabaw ng nitso habang nakatali ang braso. Pilit niluluwagan ang tali.

"Brixx, sa likod mo!" Otomatiko siyang napalingon at inundayan ng suntok ang isa pang bangkay na nagtangkang sugurin siya.
Sa isang iglap ay tumahimik biglaang lahat nang magawa niyang magapi ang mga demonyong nakapaligid sa akin kanina lamang.  Habol ang hiningang nakatitig lang ako sa madilim na kalangitan. Ambon na lamang ang kanina ay malakas na buhos ng ulan. Napapikit ako habang inaantay na maalis ang aking pagkakatali.


"Anak ng pota!" reklamo ng paod na pagod na si Brixx at napahilata sa paanan ko. kusa akong bumangon at napangiwi. Ramdam ko ang sakit ng palapulsuhan ko dahil sa higpit ng mga lubid.

Nang makarecover sa nangyari ay humugot ako ng buntong-hininga at sumulyap sa nakahigang si Brixx. Nakapikit na ito at hindi gumagalaw. Sinundot ko siya gamit ang kanan kong paa.

"Brixx, let's go," sambit ko pero hindi siya sumasagot.

"Brixx," pagtawag ko pa at napakamot sa ulo. "Brixx, get up. Bago pa ulit bumangon itong mga patay."

"Ganoon na lang 'yon, Debby? Putragis naman! Pwede bang magpahinga muna? Nakapatay na ako ng lima tapos meron pa kanina sa labas ng sementeryo. Baka naman?" Bakas sa mukha niya ang pagod. Malalim na ang eyebags niya at namumula ang mga mata. This time, mas nagmukha siyang adik.

"Brixx, hindi pa ito ang oras para mamahinga. Hindi ito laro! Buhay natin ang nakataya rito!" singhal ko at tumalon mula sa nitsong kinahihigaan ko kanina.

"Bakit ba parang hindi ka pagod na pagod? Kanina pa tayo tinutugis ng mga siraulong 'yon ah!"

"Dahil gusto ko pang mabuhay," diretsahan kong sagot at tinitigan siya sa mga mata.

Takot ako sa kamatayan. Ayoko pa. Hindi pa ako handa. Kaya kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para magising sa bangungot na ito. Hindi ako papayag na isa rin ako sa maging biktima ng mga bangkay na iyon.

"Pambihira!" pagmamaktol niya nang magsimula na akong maglakad palayo.

"Saan ka naman pupunta? Umalis na tayo rito!"

"Hoy Debby!"

Hindi ko siya sinagot. Sa halip, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Niligtas ko ang buhay mo!" Dahil sa sinabi niya ay napatigil ako at hinarap siya.

"Thank you for saving my fucking life, Brixx. I owe you a half," naiirita kong sambit at tumalikod na.

"Anong kalahati? Damot!"

"Potek bilisan mo diyan!"

Sa gitna ng tahimik na sementeryo ay tanging boses lamang namin na nagtatalo ang maririnig. Malayo sa inaasahan ko na pati sa gitna ng kamatayan namin, magiging aso't pusa pa kami.

"Shhh!" Nanlalaki ang matang sambit ni Brixx at iginala ang mga mata sa madilim na paligid. Medyo nasasanay na rin ang paningin ko sa dilim kaya alam kong may nagmamasid lamang sa amin kanina pa.

"Someone's watching us," wika ko at napalunok. "Let's go!"

"Wait, the notebook!" Natigilan ako nang maalala ko ang Life Note. Babalikan ko na sana ang pwesto ng nitso kung saan nila ako tinali kanina nang hatakin ako ni Birxx pabalik.

"What?! We can't lose that notebook!" singhal ko pero mas hinigpitan pa niya ang hawak sa braso ko. "Brixx, ano ba?!"

"Debby, run!" Saktong sigaw niya ay kinaladkad niya ako sa kung saang direksyon. Napalingon ako sa pinanggalingan namin at nakita ang isang humahabol na namang bangkay. Nakangisi ito at may bitbit na palakol.

Katulad rin ito ng palakol na hawak kanina ni Stephen. Pero ngayon, ibang bangkay naman ang may bitbit nito.

"Tumingin ka sabi sa dinaraanan at huwag mo nang lingunin!" nahihintakuang sambit ni Brixx sa akin at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Kapwa kami nagtatakbuhan ngayon sa pagitan ng mga libingan hanggang sa pareho kaming mapasigaw dahil wala na kaming ibang mapupuntahan.

"Potangina!" Bumulusok kami pababa ng isang nakabukas na nitso. Dire-diretso kami pababa dahil sa madulas na lupa.

Parang slide na dumausdos ang katawan namin at tuluyang bumagsak sa konkretong sahig ng hukay.
Kakaibang kirot ang naramdaman ko nang mapatama sa matigas na bagay ang ulo ko. Doon  na muli nagdilim sa akin ang lahat.



***

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon