CHAPTER 5

227 24 0
                                        

CHAPTER 5

LIFE-NOTE

Write the name of a deceased person, and they will be brought back to life.
The person whose name is written in this note will receive a blessing. This note will only take effect if the writer has the person's face clearly in mind while writing their name. Therefore, people with the same name will not be affected.

If a specific blessing is written within 40 seconds of writing the name, it will occur.
If no specific blessing is written, a simple healing and cleansing energy will be sent to the person.

But there is one rule...
Do not raise the dead with deep resentment.

Sa tulong mga flashlight ng cellphones namin ay nagawa naming mabasa ang buong content ng notebook. The rest, blangko na at walang kasulat-sulat.

"Guys, alas-sais na ng gabi. Baka pwedeng ipagpabukas na lang natin ang paglalaro niyan at umuwi na muna?" suhestiyon ko at napakamot sa batok. Gustong-gusto ko na talagang umuwi.

"Ey, kahit kailan talaga Debby ang killjoy mo!" pagmamaktol nitong si Stephanie kaya napairap ako.

"Mabilis lang 'to. Pagkatapos, uuwi na tayo. Sige na, maki-cooperate na muna lahat. Besides, minsan lang tayo magbonding ng magkakasama," panghihikayat ni Cyrus.

Tama naman siya. Sa loob ng classroom, magkakaiba kami ng circle of friends at iba-iba ang trip sa buhay. Kapag sa production naman, we work as a team at walang personalan kundi trabaho lang. Pero iyong makapag-jam talaga tulad ng ganito, hindi pa namin nasubukan.

I heaved a deep sigh and nodded. Wala naman sigurong masama na makisama ako sa kanila sa kabaliwang ito kahit ngayong gabi lamang.

"Okay, guys! Gather in circle!" aya ni Trinity sa amin.

"Hinaan mo boses mo Trinity. Baka magising ang mga patay at biglang bumangon," pananakot ni Gian na katabi lamang niya. Isang sapak ang tumama sa panga niya mula kay Trinity na matalim na ang titig sa kanya.

"Aray! Joke lang eh," aniya habang sapo ang nasaktang panga. Lihim akong napangisi. Buti nga.

We made a circle sitting right next to each other. Ako, si Cyrus, Maureen, Trinity, Gian, Stephanie, Zach, Ferry, DJ at Brixx. Lahat kami ay naka-indian sit sa ibabaw ng nagtataasang nitso. Patawarin nawa kami ng mga nakahimlay rito. Ugh.

"So tonight, we'll gonna play a game," nakangising panimula ni Stephanie. Tanging mga flashlight lamang ng cellphones namin ang nakabukas at nakatutok iyon sa gitna kung saan nakapatong ang lumang notebook na napulot ni Ferry.

"What's with the dare game?" untag ni Zach.

"Siguraduhin n'yong masaya 'to ah. Ayoko ng boring," inaantok na sabat naman nitong si Brixx na sa kamalas-malasan ay naging katabi ko pa.

"Ang mechanics ng game ay simple lang. Bubunot kayo rito sa mga nakatuping papel na naglalaman ng characteristics ng taong na-mimiss ninyo from the past. That certain person must already be dead. Kunwari ang nabunot ni Debby from the draw is someone close to her heart. Then, she have to think of that person's face and write his or her name in the life note. Ganoon rin ang gagawin ng iba. The rule is, one page ang allotted sa bawat isa. So walang dapat makaalam ng pangalang sinulat natin. Flipping the page backwards is prohibited because it could trigger the curse. Do you understand?"

Nakatingin lamang kami kay Stephanie habang pinapaliwanag niya ang mechanics ng magiging laro.

"So you mean itatry natin iyong nakasulat sa notebook?" tanong ni Maureen.

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon