CHAPTER 24

138 19 2
                                    

CHAPTER 24


DEBBY'S POV

"We are not harmful! Just drop off your gun!" sigaw ko pa at napaiyak nang magpaputok ulit siya ng tatlong beses. Naririndi na ako at natatakot na rin para sa buhay ko.

"Tol, maawa ka naman sa babaeng kasama ko." Sa kabila ng pag-iyak ko ay narinig ko ang pagmamakaawa ni Brixx.

"Fuck! I'm sorry!" ani ng boses at nakarinig ako ng mga yabag kasabay ng pagliwanag ng buong paligid. May nagbukas ng ilaw.

"Debby, are you okay?" Narinig ko ang boses ni Brixx na parang dumaraing rin sa sakit kahit ako ang tinatanong niya. Naimulat ko ang mga mata ko at nakita si Brixx na hawak ang kabilang braso habang nakasandal sa cabinet namin. Nagdurugo ito kaya natataranta akong sumugod sa direksyon niya.

"Brixx!" Napangiwi lamang siya sa sobrang sakit. Mukhang nadaplisan siya ng ilan sa mga bala kanina.

"It's okay. Daplis lang naman 'to. Mukhang siya ang nangangailangan ng gamutan," sambit ng nakangiwing si Brixx at tinapunan ng tingin ang lalaking bumabaril sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Cyrus. Nanginginig ang mga kamay nito habang hawak ang isang baril. Duguan siya at may putok ang noo.

God! He's alive!

Napanganga na lamang ako at biglang nabuhay ang pagkainis sa kanya.

"Fuck you, Cy! You almost killed us!" bulyaw ko pero napatungo lamang siya at napahawak sa duguang sikmura.

"Shit, you have cuts!" Agad ko rin siyang nilapitan nang mawalan siya ng balanse at mapaupo na rin sa sahig. "Cy!"




***



"You need to rest. The bandage will stop the bleeding," litanya ko nang matapos kong bendahan ang ulo ni Cyrus at gamutin ang sugat niya sa sikmura. Napabuntong-hininga ako pagkatapos.

"I'm sorry, Debby," mahina niyang sambit at napapikit. Nakahiga siya ngayon rito sa sofa habang nakaupo naman ako sa paanan niya.

"I still hate you for almost killing us and what are you even doing inside our house? Don't tell me you're a long time robber?" nakakunot-noong tanong ko sa  kanya kaya naiiling siyang tumawa.

"As far as I remember, I went back to our house and someone hit me in the head. Nagising akong nakagapos. Buti na lang nakatakas agad ako. Pumunta ako rito dahil baka sakaling andito kayo. Pasensya na, hindi ko ugaling mang-akyat bahay," paliwanag niya kaya napatango-tango na lamang ako.

"If that's the case, by any chance, have you seen my Mom?" tanong ko pa kaya napatitig siya sa akin. Saglit siyang natahimik at muling umiling.

"Debby, nawawala silang lahat. Tayo na lang ang buhay."

Dahil sa sinabi niya ay napasinghap ako dahil naninikip ang dibdib ko. wala si Mama rito sa bahay nang dumating si Cyrus at maging kami. Kung ganoon, saan sila lahat ng nagpunta? Bakit parang may mali?




Nang mapansin kong tuluyan nang nakaidlip si Cyrus ay dali-dali akong nagpunta sa kusina at naabutan si Brixx na nagtitimpla ng kape. Nakatalikod siya ngayon sa akin.

"How's Cy?" untag niya kahit hindi lumilingon.

"He's totally in the state of calamity. His head almost cracked. Buti na lang at mahaba ang buhay ng mokong," sambit ko at napaupo sa harap ng dining table habang ipinatong ang ulo sa mesa.

"Nahiya naman ako sa nabali mong spinal cord." Napangiwi ako at inalala lahat ng nangyari sa akin kanina.

Maye hit me hard in the head. She tried to bury me alive too. At kanina lamang, nahulog ako sa sementadong sahig habang nauna ang bandang likuran. Nagpapasalamat ako dahil buhay pa ako hanggang ngayon. Peste, hindi naman siguro ako masamang damo, hindi ba?

"By the way, how's your wound?" pangungumusta ko sa sugat ni Brixx sa braso.

"It's fine. Malayo sa bituka, eh." Nang lumingon siya ay may bitbit na siyang dalawang tasang kape.

"We need these to keep us awake all night," suhestiyon niya at inilapag sa harap ko ang isang tasa.

"What are we going to do now?"

Napakagat-labi ako at nag-iisip kung anong susunod na gagawin. Hindi pwedeng manatili na naman kami rito at maghintay ng tulong. Walang saklolo sa gabing ito. Mauubos kami kung tutunganga lang ang bawat isa sa amin.

At isa pa, ang mga bangkay na humahabol at tumutugis sa amin ngayon ay parang mga normal lang na tao. May kutob akong oras na maputol namin ang pinagmulan ng sumpang ito, babalik na sa dati ang lahat. Hindi na ako maghihintay na may isa pang bumangon mula sa hukay at pagtulungan kaming tatlo na patayin.

"We need to go back to the cemetery," diretsahan kong sambit dahilan para masamid si Brixx sa kapeng iniinom.

"Tangina? Utak mo talaga may ubo na," sabi niya at umismid. "Hindi ka talaga titigil hangga't hindi tuluyang namamatay noh? Lagi mo na lang nilalagay ang buhay mo sa peligro. Tss!" sermon niya kaya tinitigan ko siya ng masama.

"Hindi mo ako mapapatay sa mga ganyang titig," maangas pa niyang dagdag kaya napairap ako.

"Brixx, hindi ako nakikipagbiro," seryoso kong saad dahil determinado naman talaga ako sa balak ko. Burning that Life Note is not enough for us to cut the curse. Kailangan ibaon ito ng tuluyan at huwag nang hukayin pa muli.

"Hindi rin ako nakikipagbiruan Debby. Tayong tatlo na lang ang natitira ni Cyrus. Ayaw mo naman sigurong mabawasan pa tayo hindi ba?" Natahimik ako bigla at napaiwas ng tingin.

"Kung mamatay ako, ayos lang. I'll bring that cursed notebook with me so you guys can live. Nice idea, right?"

"What if I don't want you to die either?"

Natahimik ako bigla.

"Can you just go back to being a bully again?" I muttered out of the blue.

"Why?"

"N-nothing," sagot ko at napabuntong-hininga. Hindi ako sanay na ganito si Brixx sa akin.

I don't know much about this freaking guy. But the fact that our section labelled him as bully made me believe that he actually was. Ferry was the witness by his unprofessional deeds. But now, I see another Brixx. I don't know why. Nabagok na ata ang ulo ng mokong na ito.

"Inumin mo na 'yan dahil baka lumamig," aniya at inubos ang natitirang laman ng tasa niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya at lumagok sa tasa.

Napangiwi ako dahil sa sobrang pait. Punyetang timpla 'to.

"Brixx, can I ask you a favor?"

"Ano 'yon?" Nakakunot na ang noo niya.

"Pagbibigyan mo naman siguro ako ngayong gabi, hindi ba?"

"Ano nga 'yon? Basta huwag lang ang katawan ko."

"Ungas!"

"Ano nga?"

"Let's go out tonight and hunt the deads." Dahil sa sinabi ko ay naging malikot ang kanyang mga mata na parang pinag-iisipan ang mga sinabi ko. Unti-unting kumurba ang ngisi sa kanyang labi at nagsalita.

"Parang gusto ko nga rin mag-double kill ng mga patay ngayon," aniya kaya napangisi rin ako.

Great!

Nakakapagod rin tumakbo at magtago dahil sa kaduwagan. Ngayon, kami naman ang taya. At sisiguraduhin kong ibabalik ko silang lahat sa kani-kanilang hukay.

"Wake up  Cyrus. He'll be our bait," utos ni Brixx.

"What?!"

"If there's a catch, there will be a bait. Nakukuha mo na ba ang pinupunto ko?" paliwanag ni Brixx na nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko mapigilang mapangisi.

"Sana ganyan ka na lang katalino lagi," natatawa kong sabi kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Gago," asar niyang sambit.

I'm starting to like this witty side of him. Ibang-iba ang Brixx na kaharap ko ngayon.



***

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon