CHAPTER 15
DEBBY'S POV
Walang humpay ang ginawa kong pagtakbo sa malalagong talahib kung saan tinatahak ko ang shortcut patungo sa open road. Kahit nanlalagkit dahil sa putik at natuyong dugo sa katawan ay hindi ko na ito ininda. Ang mahalaga, makaalis ako rito nang buhay at mahanap ang ibang kasamahan ko.
Hindi ko mapigilang mapaiyak habang inaalala ang sinapit nina Ferry at DJ. I saw it with my own two eyes. They killed them. That deads killed my friends!
Sa sobrang pag-iyak ay hindi na ako tumitingin sa dinaraanan hanggang sa may mabangga ako. Nanlaki ang mga mata ko at kapwa kami napasigaw sa gulat. Natutop ko ang bibig ko dahil napalakas yata ang boses ko sa pagtili.
"Debby?" ani ng boses at itinutok sa aking mukha ang dala niyang flashlight. Napapikit ako dahil nakakasilaw. Fudge, hindi na sanay ang mata ko sa liwanag.
"Maureen?" gulat kong tanong nang makilala ko kung kaninong boses iyon.
"Oh my God! Debby! You're alive!" aniya pa at napahigpit ang yakap sa akin. Napangiwi ako dahil hindi ako sanay na ganito siya.
"I thought you're with Cyrus," sambit ko pero napailing na lamang siya at hinatak ako.
"Mahabang kwento. Mamaya na tayo magkaliwanagan. Ang importante ay makaalis muna tayo rito." Agad kaming naglakad sa gitna ng nagtataasang damo kahit sobrang kati na ng pakiramdam ko. I feel like all of the shits from the cemetery sticked to my body. Gross!
"Nakita mo ba kung nasaan ang iba? Iyong Life Note nahanap mo?" sunod-sunod na tanong ni Maureen na nangunguna na sa paglalakad dahil siya ang may bitbit ng flashlight.
"Wala kay Ferry ang Life Note. Someone stole it from him. Hindi ko alam kung sino," hingal kong sagot.
"We need to find the others. Baka isa kanila ang nakakuha."
"Maureen, patay na rin si DJ." Dahil sa sinabi ko ay napatigil siya sa paglalakad at namumutlang napatingin sa akin. Nang maka-recover sa pagkabigla ay nagpatuloy siya sa paglalakad.
"We need help. Those corpses are scaring us."
"Saan tayo hahanap ng tulong? Hindi mo ba napapansin? Napaka-weird ng gabi. Parang tayo lang ang narito ngayon sa Lyn Ville," komento ko pa at napasulyap sa paligid. I feel goosebumps again.
"Exactly. And the time is still stuck on 12 midnight. Something wrong is going on. We have to figure it out once we reach the police station," aniya at determinado na sa plano kaya napatango naman ako.
Sabay naming tinahak ang malalagong talahib upang makarating agad sa highway ng Lyn Ville.
Pagdating sa police station ay hindi namin mapigilang magtaka nang makita namin ang nakabukas na pintuan nito pero kumikisap-kisap ang ilaw mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Maureen at sabay pang napalunok-laway.
"Something's fishy. I'm afraid that---Debby!"
Hindi ko na siya hinintay na makatapos magsalita at agad naglakad papasok ng presinto. I need to find out what's going on here.
"Debby, baka kung anong meron diyan. Mapapahamak lang tayo," kinakabahang saad ni Maureen na nakatigil lamang sa malayo. Tila wala itong balak sumama sa akin sa loob. Nilingon ko siya at nagsalita.
"If something bad happens to me, I will just scream and you must run. You understand?" paniniguro ko.
"Pero Debby," giit niya.
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Horror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...