CHAPTER 20
THIRD PERSON'S POV
"SOMEONE YOU MADE A MISTAKE BUT YOU ARE SORRY FOR"
Tuluyang napaatras si Stephanie at napasandal sa gate. Sunod-sunod ang mabibigat niyang paghinga at napapikit na lamang dahil sa nagbabadyang kamatayan. Ngayon ay paparating na sina Stephen at Sassy na napakalawak ng ngisi at handa na siyang paslangin.
Takot siyang mamatay. Pero mas takot siyang habang buhay na dalhin ang konsensya na siya naman talaga ang dahilan ng pagkamatay ng iba niyang kasamahan. Kasalanan niya ang lahat. Kaya naniniwala siyang dapat rin siyang mamatay.
Paulit-ulit siyang napalunok. Napahigpit ang kapit niya sa kahoy na nahagilap niya kanina. Anumang minuto ay sasalakayin na siya ng dalawa. Nang makalapit si Stephen ay ngumisi muna ito at inilagay ang palakol sa bandang balikat niya.
"Bakit mo pinatakas ang mga kasama mo?"
"Bayani ka ba?"
Napakagat-labi siya at napatungo kahit nanginginig. Naririnig pa rin niya sa utak ang mga katagang binanggit ni Debby sa kanya kanina.
"You're still the one who brought us into this mess and you are responsible to save us all."
Kasalanan niya.
"Subukan n'yong lumapit, hindi ako magdadalawang-isip na ihampas sa inyo 'to," saad niya at itinaas ang hawak na kahoy. Imbes na matakot ay humalakhak lamang si Stephen at pinaglaruan ang palakol. Mas kumabog ang puso niya sa sobrang kaba.
"Isang sibak ko lang diyan sa hawak mong kahoy, putol na agad iyan. Paano pa kaya kung palakulin ko iyang ulo mo?" Isang demonyong ngisi ang pinakawalan ni Stephen habang si Sassy naman ay tawa lamang ng tawa sa gilid habang pinapanood magtapang-tapangan ang dalaga laban sa kanilang dalawa. Tila normal pa ito dahil hawak nito ang isang video cam na nagre-reocord ng nagaganap na trahedya sa kanila.
"Aanhin mo naman iyan?" asar na tanong ni Stephen at binalingan ng tingin si Sassy.
"Post ko sa youtube channel ko. Bakit?" tawang-tawa na sagot nito sa kasama. Napangiwi si Stephen.
"Patay ka na pero mag-va-vlog ka pa rin? Tanga ka ba?"
"Mas tanga ka. Hindi mo ba alam na buhay pa ang youtube channel ko? Sayang nga at namatay ako na hindi man lang nakakuha ng silver play button. Tss!" asik niya kaya hindi makapaniwalang napanganga si Stephanie dahil sa mga naririnig. Kung mag-usap kasi ang dalawa ay parang mga normal na tao pa rin gaya nila.
"Isa!" sigaw ni Stephanie at napaatras ulit nang maramdaman ang paglapit ni Stephen. Wala siyang ibang matatakbuhan. Na-corner na siya ng mga ito.
Isang palahaw ang pinakawalan ni Stephanie matapos ihampas ni Stephen sa binti niya ang talim ng hawak ng palakol. Napaupo ang umiiyak na dalaga habang hawak ang binti na ngayon ay duguan at lumabas na ang buto. Hindi pa nakontento ang nababaliw na lalaki at inundayan pa siya ng isang hampas. Isinalag ni Stephanie ang kanan niyang braso upang maprotektahan ang ulo kaya napasigaw na naman siya sa sakit nang matamaan ang braso niya.
Halos mapanawan ng ulirat ang kaawa-awang dalaga nang makita sa tabi niya ang putol niyang braso. Umagos ang masaganang dugo mula rito. Nanginginig ang buo niyang katawan. Kung makaligtas man siya mula sa mga ito ay balewala na rin. Pilay na siya at wala na rin ang isang braso.
Hindi na siya makapag-isip ng tama.Akma pa sana siyang hahampasin nang awatin ni Sassy si Stephen. Natigil ang binata at nahinto ang palakol na hawak nito sa ere.
"Ano na naman?" asar na tanong nito sa dalagang kasama.
"Tama na. Baka tuluyan mo na siyang mapatay. Alalahanin mong hindi ikaw ang tatapos sa buhay niya," kalmadong sagot ni Sassy at agad inihinto ang pagvi-video. Mas naguluhan si Stephanie dahil sa mga pinagsasasabi nito.
Bakit hindi na lang nila tapusin ang buhay niya? Bakit kailangan pa siyang pahirapan ng mga ito?
Napasinghap siya dahil sa nararamdamang sakit. Nauubusan na siya ng dugo.
"Ang tagal naman niya," reklamo ni Stephen at binaba na ang palakol.
"Sandali na lang, narito na siya. Huwag kang atat."
"Oh, ayan na naman pala, eh." Sumipol si Stephen nang mapalingon sa babaeng paparating. May dala itong chainsaw at kalmadong naglalakad palapit sa kanila.
Nanlaki ang mata ni Stephanie nang makilala kung sino ang babaeng iyon. Napaluha siya sa biglaang pagragasa ng alaala.
"Sigurado ka bang walang makakaalam nito?"
"Ng alin?"
"Nitong relasyon natin. Paano kung malaman ni Tricia?"
"Walang makakaalam kung walang magsasabi. Konting tiis na lang, Steph. Hihiwalayan ko na naman siya, eh. Ikaw na ang mahal ko."
"Anak ng tokwa ka naman Stephanie! Alam kong matalino ka pero bakit ka pumatol sa lalaking may girlfriend na?!"
"Nangako siyang hihiwalayan na niya 'yon. Ako na ang mahal niya!"
"Gaga! Alam na ni Tricia ang tungkol sa inyo! Kalat na sa buong section 1!"
"How could you do this to Tricia?! Ang cheater n'yo!""Hindi n'yo man lang inisip ang mararamdaman noong tao. Alam mo namang mahina siya sa mga ganito."
"Patay na si Tricia. Dinamdam ata lahat ng nangyari. Tumalon raw mula sa rooftop."
Napailing-iling si Stephanie at hindi makapagsalita nang makalapit sa kanya ang babaeng matagal na niyang hindi nakikita mula noong namatay ito.
Hind man siya nakipaglamay at nakipaglibing noong namatay si Tricia, sigurado siyang ito mismo ang Tricia na sinira niya ang tiwala noon. Ang Tricia na pinagkatiwalaan siya ngunit pinagtaksilan lamang niya.
Napahikbi siya at napapikit sa pag-asang panaginip lamang ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Ngunit sa mismong pagmulat ng mata niya ay mga pagmumukha pa rin ng mga bangkay ang nakatunghay ngayon sa kanyang harapan.
"T-Tricia..." nauutal niyang sambit at napatingala sa mukha ng babaeng nasa harap niya. Maamo pa rin ang mukha nito na waring hindi gagawa ng masama. Kapansin-pansin ang ulo nito na tinahi na lamang dahil nabiyak noong tumalon sa rooftop.
"Tricia, patawarin mo ako," pagmamakaawa niya sa pagitan ng hikbi at inaabot ng kaliwang kamay ang maputlang braso ng dalaga. Hindi natinag si Tricia sa pagkakatitig sa kanya. Parang kinikilatis ang hitsura niya ngayon.
"Ano na? Simulan na!" untag ng naiinip na si Sassy at itinutok na ang camera sa kanilang dalawa. Napatingin siya sa camera. Nakarinig rin siya ng tawanan.
Ngayon ay sigurado na siyang wala na siyang kawala sa mga ito.
Narinig niya ang pagtunog ng chainsaw at ang papalapit nitong talim. Halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa takot.
"Huwag please! Maawa ka!"
Sigaw ng pagmamakaawa at palahaw ng nahihirapan ang bumasag sa katahimikan ng gabi matapos putulin ni Tricia ang iba't ibang parte ng katawan ni Stephanie. Nagtalsikan ang mga dugo at pira-piraso ng laman ng dalaga sa kanilang mukha ngunit nasisiyahan pa ito sa mga nangyayari. Mas dinurog nila ang katawan ng biktima habang naghahalakhakan.
Tila nawiwili namang nire-record pa ni Sassy ang bawat nangyayari.Tumigil ang tunog ng chainsaw. Pinagmasdan nila ang lasog-lasog na katawan nito.
"Napakaangas," sambit ni Stephen at agad niyapakan ang tumalsik na mata ng dalaga.
"Hindi naman halatang galit na galit ka sa gagang iyan, noh Tricia?" sarkastikong tanong ni Sassy kay Tricia na ngayon ay nagpapahid na ng dugo na tumalsik sa mukha niya. Itinutok niya rito ang dalang video cam.
"Hanapin na natin ang iba. Mukhang hindi pa sila nakakalayo," sambit ni Stephen at napangisi sa mga kasama. Nagsitanguan naman sila at muling humalakhak.
***
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Horror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...