CHAPTER 21

144 22 0
                                    

CHAPTER 21

DEBBY'S POV


Natagpuan ko ang sarili kong pilit binubuksan ngayon ang nakasaradong pintuan nitong abandonadong bahay upang makapasok kami. Gamit ang natitirang lakas ay ibinubunggo ko ang katawan ko sa pinto para mabuksan. Tinadyakan ko na rin pero balewala. Sobrang sakit na ng mga kalamnan ko lalo na ang likod na napatama kanina mula sa pagkakabagsak.

"Oh God," Maureen uttered as we hear the loud scream of Stephanie and the sound of a chainsaw. Natutop ko na lamang ang bibig ko at napasandal sa nakasarado pa ring pinto.

She choose her fate. I thought she would come with us. It's my words that triggered her to risk her life. I am so stupid.

Gusto kong maiyak ulit at magsisigaw dahil halo-halong emosyon.

"Debby..." naiiyak na sambit ni Maureen at agad akong dinaluhan nang mawalan ako ng balanse. Napasalampak na lang ako sa pintuan at napatulala.

Napailing-iling ako.

"Debby, get up," ani Maureen at pinihit ang nakalock na seradura ng pinto pero ayaw pa rin nito magbukas. "Do you have your hairpin with you?" dagdag pa niya kaya nanginginig kong inabot sa kanya ang hairpin na nasa ulo ko pa rin.

"Gotcha." Tagumpay na napangisi si Maureen at muli itong pinihit. Bumukas ang pinto. Lumangitngit pa ito nang mabuksan. Halos matumba ako sa pagkakaupo dahil nakasandal pa rin ako mula roon.

Inalalayan ako ni Maureen na makatayo dahil napakasakit na talaga ng likod ko. Hindi ko alam kung makakatakbo pa ba ako mamaya kung sakaling maabutan na naman kami rito ng mga bangkay na iyon. Bitbit ang Life Note, pinasok namin ang madilim at lumang apartment.

"Gumagana ba ang ilaw?" tanong ko kay Maureen na iginagala ang flashlight sa lahat ng sulok.

"Nasaan ang switch?"

"I think over there."

"Anak ng pota!"

Ngunit bago pa namin mapindot ang switch ng ilaw ay kusa nang umalingawngaw ang isang sigaw. Pamilyar ang boses na iyon. Wait, nabagok na ata ang ulo ko dahil hindi ko na marecognize kung sinong nagsasalita. Garalgal na kasi ito at parang takot na takot.

"Huwag kayong lalapit o ipuputok ko 'to sa ulo n'yo!" singhal niya kaya napasigaw na rin ako. Si Maureen naman ay nabitawan ang flashlight at napayakap ng mahigpit sa akin. May hawak siyang baril, nararamdaman ko.

"Normal kami!"

"Tangina manahimik kayo!"

"Ikaw ang dapat manahimik dahil maririnig nila tayo!" bulyaw ko pa kaya natigil siya sa pagwawala.

"Debby?" Nakunot ang noo  ko. Akma ko na sanang babatuhin ang kinaroroonan niya nang pigilan ako ni Maureen. Napapikit ako dahil sa biglaang pagbukas ng ilaw at tumambad sa harap namin ang marungis na si Brixx. Nakatutok ngayon sa amin ang hawak niyang shotgun. Napangiwi ako nang may mapagtanto.

Pota. Anong katarantaduhan na naman ito?

"Ibaba mo nga iyang laruan na iyang laruan mo? Nakuha mo pa talagang mag-isip bata ngayong dinedelubyo tayo!" sarkastiko kong sambit at binato sa kanya ang isang bola ng vaseball bat. Nakailag naman siya.

"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong niya at tinapon na ang laruang shotgun. Diyos ko po. Anong panlaban ng laruan niya sa palakol ni Stephen? Tangina naman.

"Nagtatago. Ano pa ba?" ani Maureen at sinisiyasat na ang kabuuan ng apartment. Dalawang palapag ito at nasa first floor pa lang kami. Kung tutuusin ay pwede pa itong ma-rennovate. Wala nga lang nagtatangkang mag-ayos. Tingin ko rin ay inabandona na talaga ito ng may-ari. Marami na kasing alikabok at sapot ng gagamba.

"Ikaw, ano bang ginagawa mo rito?  Nagba-bahay-bahayan ka ba?" pang-aasar ko pa kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Dito ako napadpad nang hinabol nila ako. Sa bintana ako dumaan kanina," sagot niya at napaiwas ng tingin.

"Hinabol ka? Eh kami nga 'tong halos mamatay na kakatakbo kasi kami ang hinabol ng mga bangkay na 'yon!"

"Hindi lang naman sila ang buhay na bangkay, Debby." Naging seryoso ang boses ni Brixx na waring may ibig iparating.

"W-what do you mean?"

"Marami sila. Iyong mga humabol sa inyo at ang humabol sa akin kanina, magkabukod 'yon." Dahil sa narinig ko ay tinamaan ako ng matinding kaba.

Napakagat-labi ako.

Ayokong dumating sa punto na pati Papa ko ay makita ko rin nang harapan na hahabulin ako at papatayin.





Tahimik lang kaming tatlo na nakaupo sa sahig habang pinapakiramdaman ang paligid. Pinatay namin ang ilaw at umakyat rito sa second floor upang makasiguro na mas safe kami. Nilagyan rin namin ng harang ang bawat daanan. Iniiwasan namin makagawa ng ingay sa takot na malaman nilang narito kaming tatlo.

Now, we're only three. Hindi ako sigurado kung may buhay pa ba bukod sa aming tatlo ngayon. Inihilamos ko ang palad ko sa marungis kong mukha nang maalala ang nangyari kay Stephanie.
Nakasandal lamang ako sa paanan ng kama at ipinatong ko ang kumikirot kong ulo sa tuhod ko. Si Brixx naman ay tahimik rin at mukhang malayo ang iniisip habang pinaglalaruan sa kamay ang kutsilyo niya.

Si Maureen ay nakatulog na ata sa sobrang pagod. Ramdam ko ngayon ang hirap sa paghinga. Paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib ko.

"You, okay?" May pag-aalala sa tinig ni Brixx kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. Hindi talaga bagay para sa isang bully ang maging good boy. Ang cringe lang.

"May asthma ka ba?" tanong pa ulit niya kaya napailing ako.

"Baka gawa lang ito ng nangyari kanina."

"Ano bang nangyari?"

"I just jumped off the gate and I think I broke my spinal cord," kalmado kong sagot kaya napangiwi siya.

"Pota. Umayos ka nga. Siraulo," mura niya kaya napangisi ako at sinuklay ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Maybe in your next life, you should lessen saying bad words. Iyon ay kung ayaw mong idecline ka ni San Pedro," asar kong sambit sa kanya. Tinitigan na naman niya ako ng masama. Akala naman niya mate-threaten ako. Ulol.

"Sinong may sabi na mamamatay agad ako? Makakaligtas ako rito," determinado niyang depensa.

"Hindi ka sure. Lalo na at tayong tatlo na lang ang buhay. There could be one of us who would survive and the rest will push to die."

"Kung mangyari iyon, edi sama-sama na lang tayong mamatay," giit niya at asar na napaiwas ng tingin.

"I don't want to die here with you," prangka kong sagot. Marami pa akong pangarap para sa sarili ko lalo naman para kay Mama. Hindi ko hahayaang mamatay lang ako dahil sa mga pesteng bangkay na iyon.

"Mas lalo ako. Ayokong mamatay nang kasama ka. Engot," ganti niya kaya nagkatitigan kami at mayamaya ay natawa na lamang sa isa't isa.

Napahikab na lang ako at ipinatong ang ulo ko sa paanan ng kama. Napakabigat na ng ulo ko at pakiramdam ko kapag hindi ko ito itinulog, mawawalan na ako ng lakas.

"Hindi ka ba iidlip?" pikit-mata kong tanong kay Brixx.

"I won't sleep. I just want to make sure that we are all secured. Good night, Debby," rinig kong sambit niya sa mahinang boses.

"Night, Brixx," bulong ko at tuluyan nang kinain ng antok.



***

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon