CHAPTER 6
Mag-aalas otso na nang tumigil ang van ni Cyrus sa tapat ng bahay namin. Dire-diretso akong lumabas at kumaway kina Maureen. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan bago ako tuluyang pumasok sa gate."Ma?" pagtawag ko sa kanya. Bumungad sa akin ang nakabukas na TV at ang natutulog na si Mama sa sofa habang hawak ang remote. Napabuntong-hininga ako.
Ilang oras na kaya siyang ganito ang pwesto? At ilang oras kaya niya akong hinintay?
Agad kong binaba ang bagpack at hinagilap ang isang unan upang magsilbing sandalan niya kung sakali. Kinuha ko rin sa kanya ang remote at ini-off ang TV. Nadako ang tingin ko sa picture frame kung saan nakadisplay ang picture ng papa ko. Napangiti ako ng tipid.
"Hi, Pa. Thanks for watching Mama when I'm away," I muttered and dash through the kitchen to eat my supper.
Tahimik lang akong ngumuya habang inaalala lahat ng mga nangyari sa amin kanina sa loob ng sementeryo. This day was so tiring. Buti na lamang at Linggo bukas. Makakapagpahinga ako kahit isang araw lang. Huwag lang sana mag-announce sa group chat na may kailangang ire-take sa scenes.
Matapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay agad akong umakyat sa kwarto upang makapagpalit ng damit. Pero bago ko pa magawa iyon ay padapa na lamang akong bumagsak sa malambot kong kama at napapikit. Ni hindi ko na nga ininda ang nanlalagkit kong katawan dahil sa pawis na gawa ng buong maghapon pati na rin ang suot kong sneakers na may bahid pa ng konting putik dahil sa ulan kanina.
Pagod na pagod ako.
Hindi ko namalayang nakaidlip ako dahil sa sobrang fatigue.
Nagising ako sa sunod-sunod na vibrate ng cellphone ko. Pupungas-pungas akong napatihaya at kinapa ang ito.
Kahit pikit-mata, nagawa kong mabasa ang napakaraming text messages nina Maureen, Cyrus at Trinity sa akin. Kinusot ko ang mata ko para masanay sa liwanag.
Anong meron? Bakit ang dami nilang mensahe? Nakareceive rin ako ng missed calls mula kay Zach.
Nagawi ang tingin ko sa orasan.
11 pm pa lamang ng gabi. Ano naman bang nangyari?
Debby, mag-online ka bilis!
Deb! OL ASAP!!!
May emergency!
Napakalakas ng kabog ng dibdib ko at agad binuksan ang internet connection. Pag-online ko pa lamang ay sunod-sunod na notifications na ang nareceive ko mula sa messenger. Lahat iyon ay galing sa GC ng prod namin.
Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nagba-backread.
Direk Cy: Guys, may problema tayo.
Gian: Direk, huwag mo sabihing may shooting na naman bukas?
Zach: Aa naman! Rest day bukas!
Direk Cy: Nope! Hindi yon.
Stephanie: Ano pala?
Direk Cy: Tumawag ang parents ni Ferry sa akin. Hinahanap siya. Hindi pa raw umuuwi.
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Horror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...