CHAPTER 29
Dahan-dahan ang ginawa kong pagbuhat sa plywood na nagtatakip ng butas upang makataas muli kami. Maingat ko itong binuksan at inilapag sa sulok. Sinulyapan ko si Brixx na napatango naman habang bitbit ang bareta.
"Be careful," paalala ko nang magsimula na siyang tumaas. Nagsimula ko nang maramdaman ang tilamsik ng ulan at ang pagaspas ng malamig na hangin. Mas napayakap ako sa sarili ko.
"Here." Inilahad ni Brixx ang palad niya upang tulungan naman akong makaahon. Maingat ang bawat galaw namin sa takot na may makapansin na naman. Pati ata paghinga namin ay limitado rin dahil narito kami sa sementeryo, ang teritoryo ng mga demonyong iyon.
"Let's look for the Life Note." Nagpalinga-linga muna ako sa paligid at tumingin sa kanya.
"Saan mo ba naiwala?"
"I think I dropped it somewhere," saad ko at inalala kung anong nangyari sa akin kanina. Una, may pumukpok sa ulo ko pagkatapos ay tinali ako. Paano ko naman maalala kung nasaan na iyon ngayon? Tangina.
"Anong somewhere ang pinagsasasabi mo? Napakalawak nitong somewhere! Dapat iyong exact. Saan tayo magsisimula niyan?" ani ng naguguluhang si Brixx at napakamot na muli sa ulo.
"Doon sa pinanggalingan natin kanina bago tayo mahulog sa ilalim," diretsahan ko na lamang sagot at nanguna sa paglalakad.
"Sigurado ka ba na dito tayo dumaan kanina?"
"Wala ka bang tiwala sa akin ha?" naiinis kong tanong pabalik at binalingan siya ng napakasamang titig. Kanina pa 'to tanong ng tanong, e sumusunod rin naman.
"Sandali, Debby." Saglit niya akong pinatigil nang marating namin ang patong-patong na nitso. Hinigit niya ako upang makapagtago roon. "May paparating," dagdag pa niya kaya napasandal na rin ako at nakiramdam. May naririnig na naman akong yabag. Talagang nagpapagala-gala lamang sila rito sa loob ng sementeryo dahil alam nilang narito pa rin kami. Ang mga letse! Balak talaga kaming ubusin!
"Wala na ba sila?" tanong ko sa nakasilip na si Brixx. Hinubad ko na rin ang suot kong rubber shoes na ngayon ay sobrang putik na. Mas mapapabilis ang pagtakbo ko kung sakaling habulin na naman kami mamaya.
"Sa kabila tayo dumaan," suhestiyon ni Brixx at hinatak ako sa kanan na daan. Nang makarating kami roon ay umakyat siya sa nagtataasang nitso kaya sinundan ko siya. Iniingatan pa rin namin na huwag makagawa ng ingay.
"Akyat!"
"Huli ka!"
"Putangina!" malakas na sigaw ni Brixx nang may humawak bigla sa balikat niya. Napasigaw na rin ako dahil sa nakakatakot nitong hitsura. Ang nasa likuran ngayon ni Brixx isang lalaki na kaedaran lamang namin at naaagnas na ang hitsura. Umalingawngaw ang sigawan namin at ang nakakakilabot niyang halakhak. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinamapas ito ng bitbit kong pala. Nang makarecover sa pagkagulat, inundayan naman ito ni Brixx ng saksak gamit ang bareta.
Bumulagta ang lantay nitong katawan sa ibabaw ng nitso.
"The Life Note!" Nabuhayan ako ng pag-asa nang matanaw ko ang isang kwaderno na namumukod tangi ang kulay sa ibabaw ng mga puting libingan.
"Shit, napakarami na nila!" bulalas ni Brixx at nakatingin sa direksyon kung saan may mga paparating. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kapwa pa rin kami nakatungtong sa mga nitso.
"Kunin mo na 'yong notebook. Ako na ang bahala rito!" Nag-aalinlangan akong napatingin sa kanya.
"But I can't leave you here," giit ko pero pinagtabuyan pa rin niya ako.
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Horror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...