CHAPTER 10

159 22 0
                                    

"SOMEONE
SPECIAL TO YOU"


"Tangina!" mura ni Cyrus at nagsisigaw sa gitna ng tahimik na kalsada matapos naming hindi maabutan ang van na lulan sina Zach. Ngayon ay wala na kaming masasakyan paalis rito. Hindi ko rin alam kung nakasakay ba silang lahat roon at kami lang ang naiwan. Pati ulo ko sumasakit na rin kakaisip kung paano namin mararating ang open road kung wala kaming sasakyan.

"Ano nang gagawin natin?" napaiyak si Maureen at napahawak sa mga tuhod niya. Napalingon ako sa gate ng lumang sementeryo at nanlaki ang mga mata.

"N-nakikita n'yo ba ang nakikita ko?" usal ko at agad napaatras.

"I-is that Stephen?" Halos mapayakap si Maureen sa akin dahil sa takot.

"What? Nasaan?"

Pare-pareho kaming nakatulala sa lalaking gula-gulanit ang damit at tila wala sa sarili. Palakad-lakad ito sa loob ng sementeryo na tila nawawala. Natutop ko ang bibig ko nang maalalang matagal na rin siyang patay.

"Fuck! Sinong Stephen?" walang kaalam-alam na tanong ni Cyrus.

"Trinity's boy bestfriend. He's already dead," diretso kong sagot at agad silang hinatak  sa malalagong talahib upang doon silipin ang naglalakad na patay. Wala akong masyadong alam sa kanya. Pero minsan ko na siyang nakausap dahil pinakilala siya noon sa akin ni Trinity. He was her deceased bestfriend who died seven months ago. I am very sure it was him. I was there when Trinity cried for his lost.

"Kung ganoon iyon ang nilagay niya sa life note?" tanong pa ni Cyrus at sinilip-silip si Stephen na naglalakad pa rin sa kadiliman. Waring may hinihintay ito o may hinahanap.

"Sa pagkakaalala ko, we pulled out strip of papers na naglalaman ng someone na gusto nating mabuhay ulit," ani Maureen at hinarap kami. Napatango naman ako.

"It's possible that Trinity wrote Stephen's name in that notebook as her someone whom she wanted to resurrect. Now, what about Ferry?" bulong muli niya.

"It's Maye," I answered right away.

"Kayo, naalala n'yo ba kung kaninong pangalan ang inilagay ninyo sa notebook?" tanong ni Maye. Hindi ako nakasagot. Si Cyrus naman ay napaiwas ng tingin.

Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam sa mga pangalan na nakalagay ngayon sa notebook. Iyong akin  lang ang natandaan ko.

Oh shit. I can't imagine Papa will be resurrected too just to kill me. 

Where's that fucking notebook? I will burn that to death!

"Debby saan ka na naman pupunta?" pagpigil sa akin ni Maureen at mahigpit nang hinawakan ang braso ko. Si Cyrus naman ay pilit naghahanap ng signal habang hawak ang phone ko.

"Babalik ako sa loob. Kailangan kong kunin ang life note na 'yon kay Ferry bago pa bumangon ang lahat ng namatay at isa-isa tayong patayin." Kahit kinakabahan ay pilit ko siyang sinagot gamit ang kalmadong boses.

"Debby naman. Please huwag mo nang ipahamak ang sarili mo," giit niya pero hindi ako nakumbinsi. I really need to get that notebook and tear it into pieces.

"Tara na. Hindi na tayo ligtas rito," sambit ni Cyrus at natatarantang hinawi ang mga malalagong talahib para makagawa ng daan. Sumunod sa kanya si Maureen pero nanatili akong nakatigil.

"Debby?"

"Sorry, guys. I think you need to go. Contact the police once you reach the border and find the others. I'll try my best to reach up to you once I---"

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon