CHAPTER 28

134 19 2
                                    

CHAPTER 28





"Debby? Debby."

Iminulat ko bigla ang mga mata ko. Napakadilim. Wala na naman akong makita.

"Debby, wake up." Rinig ko ang boses ni Brixx sa may ulunan ko at pilit akong inaalog. Napasinghap ako dahil kinakapos ako ng hininga. Nagulat si Brixx sa biglaan kong pagbangon.

"You're awake!" bulalas niya at napasandal sa sementadong pader. Inilibot ko ang paningin ko. Kahit madilim ay nasisiguro kong para itong isang compartment sa ilalim ng mga nitso. Ano ba ang lugar na ito?

"Ano bang nangyari? Nasaan tayo?"

"Naalog na ata utak mo. Hays!" Nakangiwi siya sa akin at nasapo ang ulo niya.

"Ilang beses na itong naalog," sagot ko pabalik.

"Kaya nga. Nahulog ka na nga't lahat tapos hinampas ka pa ng kung ano. At ngayon nabagok pa, buhay ka pa rin. Ikaw ata ang may sa demonyo e. Aray, kingina!" malakas niyang sambit nang sapakin ko siya.

"Tumahimik ka at baka malaman pa nila na narito tayo sa ilalim!" suway ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.

Napabuntong-hininga naman ako at sumandal na rin katabi lamang niya. Sobrang lagkit na ng pakiramdam ko. Napakasakit na rin  ng aking buong katawan. Paulit-ulit akong napalunok.

"Not to mention that I was being buried alive by a dead," sambit ko pa kaya napalingon sa akin si Brixx. Napangisi naman ako kahit puro kirot ang nararamdaman ko ngayon sa halos lahat ng parte ng katawan.

"Nilibing ka?! Paano ka nakaahon? Don't tell me you're..."

"Shut up your nonsense deductions or else I will bury you too!" Pinanlisikan ko siya ng mata. Tumahimik naman siya.

"Debby..." tawag sa akin ni Brixx. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatulala lamang siya sa kawalan.
"Oh?"

"What's the purpose of living and surviving?"

"What do you mean?"

"I mean, why are we still running? Nakakapagod na. Kanina pa tayo ganito, walang katapusan. Tapos sa bandang huli, matutulad rin tayo sa iba. Mamamatay rin. Para saan pa at pinagpipilitan natin na makaligtas?"

"We're running because we don't want to die. That's it, Brixx!" sarkastikong sagot ko dahilan para titigan niya ako. Sa kabila ng madilim na lugar kung nasaan kami ngayon, kita ko ang dalawa niyang mata na parang gusto nang sumuko.

"Ano pang purpose kung makaka-survive tayo ngayong gabi?"

"Bobo ka ba? Magpapatalo ka sa mga lintik na bangkay na 'yon? Kung gusto mo na sumuko, mamatay ka mag-isa mo!" naiinis kong wika at akma na sanang lalabas sa pinagtataguan kaso hinigit niya ang braso ko pabalik. Nakakahalata na ako ah. Kanina pa niya ito ginagawa sa akin. Balak ba niyang balian ako ng braso?

"Kumalma ka nga! Ikaw na 'tong nag-iingay, e. Mamaya marinig pa tayo sa taas."

Napairap ako at napaupo ulit. Napakagulo niya. Bakit ngayon naman takot siyang mamatay?

Natutop ko ang bibig ko nang makarinig ng mababagal na yabag mula sa taas nitong pinagtataguan namin. Kasunod noon ay ang pagdagundong ng kulog at kidlat. Tingin ko uulan na naman. Dumagdag ito sa kilabot na nararamdaman ko ngayon.

Napayakap ako sa sarili ko.

"We can't stay here all the time. We need to get out of here and find the notebook," I whisper in silence. Pinilit kong ikurap ang mga mata ko sa dilim. Tinalasan ko rin ang pandinig at pakiramdam ko.

"Mamamatay ka na nga, inaalala mo pa 'yong notebook na 'yon. Tss!"

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang," pagsuko ko at napabuntong-hininga.

"Sorry akin." Hindi ko na lang siya pinansin at ipinikit na lamang ang mga mata. Ramdam ko pa rin ang mga yabag na nanggagaling sa taas. Bakit pakiramdam ko inaantay lang nila kami na lumabas mula rito? Shocks.

"Kailan ba matatapos ang gabing ito?" tanong ni Brixx na nakatunganga na rin gaya ko. "Ganito na lang ba tayo?"

Hindi na ako nakasagot nang magsimula nang kumulog at kasunod noon ay ang pagbuhos muli ng malakas na ulan.

Mas lumakas ang ulan. Nakakaramdam na ako ng panlalamig at pagbigat ng talukap. Inaantok na ako dulot ng sobrang pagod kakatakbo.

"Brixx?"

"Bakit?"

"Wake me up when the rain is over," mahina kong sambit at ipinikit ang mga mata. Tuluyan na muli akong kinain ng pagod at antok.




Napabalikwas ako ng bangon dahil sa dagundong ng kulog. Nagliliwanag rin ang kinaroroonan namin dahil sa pagtama ng kidlat. Naibaling ko ang tingin kay Brixx na mahimbing pa rin ang tulog. Nakatulog na rin pala ang isang ito. Hindi ko alam kung anong oras na. Ang sigurado ko lang, malalim pa rin ang gabi at hindi tumatakbo ang wristwatch ko.

"Damn," mura ko nang magsimulang gumuhit ang matatalim na kidlat sa lugar kung saan kami nagtatago. Napadilim rito sa ilalim at halos nawawalan na ng hangin. Ngunit sapat na ang liwanag ng kidlat upang mas makita ko kung ano talaga ang hitsura nitong compartment.

Sa sulok ay may hindi kalakihang cabinet at napupuno ito ng iba't ibang laki ng pala, piko at bareta. May mga pintura rin sa tabi nito. Nakakaamoy rin ako ng gas. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong imbakan ng mga kagamitan ng isang sepulturero.

Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga gamit. Hindi na ako nagdalawang-isip at niyugyog sa balikat ang natutulog na si Brixx. Pupungas-pungas siyang bumangon at nakakunot ang noong tinitigan ako.

"Istorbo naman. Ano ba 'yon? Umaga na ba?" wala sa sariling tanong niya kaya agad ko siyang binatukan upang bumalik sa huwisyo.

"Just wait," mahina kong sambit at lumapit sa lumang cabinet. Nangapa-ngapa ako at sa bandang sulok ay isang napaglumaang flashlight ang nahawakan ko. Napaubo ako dahil sa pinaghalong tuyot na pintura, natapon na gas at alikabok.

"Ano 'yan? Gumagana ba?"

Agad kong pinukpok ang flashlight sa palad ko. Nangisap-ngisap ang liwanag nito at itinutok sa direksyon ni Brixx na ngayon ay nagtatakip na ng palad sa mukha dahil nakakasilaw ang liwanag.

"Look at these," sabi ko sa kanya at tinuro sa kanya ang cabinet na katabi ko lamang. Halos mapanganga siya sa mga nakikitang bareta at iba pang matatalas na bagay.

"So, dito pala ang hideout ni tandang sepulturero tuwing rest day niya?" Napahawak siya sa panga at pinagmamasdan ang mga kagamitan.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" tanong ko sa kanya habang nakangisi. Saglit siyang natigilan at napatingin sa akin. Pagkuwa'y ngumisi rin.

"Anong tingin mo sa akin, bobo?"

"Then let's do it," paghamon ko at kumuha ng isang napakahabang bareta at tinapon sa pwesto niya. Luckily, nasalo niya ito. Hinablot ko naman ang isang pala at napatango kay Brixx na naghihintay ng signal ko.

"Let's end this tonight."




***

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon