EPILOGUE
BRIXX'S POV
---BREAKING NEWS---
"Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa marami ang karumal-dumal na krimen sangkot ang sepulturero at sampung teenager na naganap sa lumang sementeryo ng Lyn Ville, kasagsagan ng malakas na ulan, alas dose ng hating-gabi. Kinilala ang suspek na si Fidel Espinosa, 55-anyos. Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang pinagsasaksak at hinampas ng matitigas na bagay di umano ng suspek ang mga kabataang nagawi sa loob ng sementeryo upang i-shoot lamang ang isang nasabing pelikula. Sa kasamaang palad, ilan sa kanila ang nasawi. Ang isa ay nawawala at pinaghahanap pa. Ang isa naman ay kritikal habang ang isa ay himalang nakaligtas. Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nangyaring trahedya upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng mga ito."
Nagulat ako sa biglaang paglapat ng palad ng matabang pulis sa mesa at inilapag roon ang mga polaroids. Dumako ang tingin ko sa mga ito habang siya naman ay seryosong nakatitig sa akin. Hindi ako umimik bagkus ay nilaklak ang laman ng bottled water na katabi ko lamang.
"Sabihin mo, bata. Nakikilala mo ba ang mga ito?" tanong niya at inayos ang hanay ng siyam na polaroid sa aking harapan. Tinitigan ko lang ang mga ito at napaiwas ng tingin. Narinig ko siyang napabuntong-hininga at sumalampak sa upuang katapat ko lamang. Ngayon ay magkaharap na kami.
"Ano ang pangalan mo?"
"Brixx," tipid kong sagot.
"May natatandaan ka ba sa mga nangyari ng gabing iyon?"
Pilit kong inaalala pero sumasakit ang ulo ko. Naihilamos ko na lamang ang marumi ko pa ring palad sa mukha. Napailing ako.
"O sige. Sabihin mo na lamang sa amin kung naalala mo ang mga mukha ng bangkay na ipinakita namin sa iyo kanina sa tulong ng mga litratong ito. Iyon lamang at makauuwi ka na," litanya ng pulis kaya napatango ako.Isa-isa kong tiningnan ang mga nakasalansan na litrato. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo...
"Gian," sambit ko at itinabi ang isang polaroid upang ibukod sa natitira. Tumango-tango naman ang pulis habang nakahawak sa kanyang baba.
"Iyan iyong natagpuan sa abandonadong bodega ng sementeryo," komento niya.
"Trinity." Isinama ko ang litrato nito sa tabi ni Gian.
"Zach."
"Maureen."
"Stephanie."
"DJ." Napalunok ako at pinagmasdan ang litrato ng matalik kong kaibigan. Nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala na rin siya.
Naningkit naman ang mata ko at pilit inalala kung sino itong nakasuot ng salamin sa mata, may matabang pisngi at may butterfly na buhok.
"F-Ferry," mahina kong wika at napatingin sa pulis na nakamasid lamang sa ginagawa ko. Para akong bata na nag-eenroll sa pre-school at kailangang gawin ang pagbubukod-bukod. Napakamot naman ako sa ulo.
"Si Cyrus ito," pagkumpirma ko sa isang polaroid at inilagay sa taas na mag-isa dahil kritikal ang lagay niya ngayon sa ospital. Sa pagkakatanda ko, matapos siyang kaladkarin ng motorsiklo, hindi na namin siya binalikan pa. Akala ko ay matutuluyan na siyang mga oras na iyon.
"Sino naman itong natitira?" Kapwa kami napatitig ng pulis sa litrato ng isang babae na may mahaba at kulay itim na buhok. Maamo ang mukha nito at may tipid na ngiti. Halatang pinaghandaan ang pagharap sa camera.
![](https://img.wattpad.com/cover/232152692-288-k479239.jpg)
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Horror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...