CHAPTER 26

139 21 0
                                    

CHAPTER 26



Hindi sapat ang liwanag ng dala kong flashlight para tanglawan ang daanan habang tinatahak ko ngayon ang madilim at malawak na sementeryo. Maya't maya akong natatapilok dahil sa mga nakausling ugat.

"Fuck!" mura ko nang matapilok na naman ako sa bangkay ni Ferry. Sa muling pagkakataon ay nakita ko na naman ang bangkay niya kaya napapikit na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Kung saan ito napulot ni Ferry ay dapat doon ko rin ito ibaon.

Dumako ako sa pinakadulo ng sementeryo kung saan noon itinuro ni Ferry ang pinagkuhaan niya ng notebook na ito. Ngunit bago pa ako makailang hakbang muli ay may humila sa kaliwang paa ko. Pabagsak akong napadapa sa maputik na lupa. Napangiwi ako dahil napatama ang aking ilong.

Pakiramdam ko nagdurugo na ito ngayon. Tumihaya ako at bumungad sa akin ang isang nakangising babae. Gula-gulanit ang suot nitong bestida, magulo ang buhok at naaagnas na ang kabilang pisngi. Halos mapamura ako. This is Maye. Tangina, buhay pa rin ang isang 'to!

"Get off me, you witch!" sigaw ko nang simulan na niya akong salakayin. Napasigaw ako sa sakit dahil napakatulis ng kuko niya at kinalmot pa ako sa pisngi. Ramdam ko ang kirot nito at bawat daplis sa balat ko. I tried to reach for her neck but she caught me off guard and choked me. Napasinghap ako at hindi makahinga. Sobrang higpit ng kanyang pagkakasakal to the point ay napaubo na lamang ako.

Nakakuha ako ng tiyempo at inabot ko ang dalawang mata niya. Kahit nakakadiri, pinilit ko itong tusukin gamit ang mga kuko ko. Pumalahaw siya sa naramdamang sakit. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

"Gross!" nandidiri kong sambit nang hugutin ko ang mga kuko ko sa lumubog niyang mga mata. Malansa ito at napakalapot. Pakiramdam ko ay may mga laman pang dumikit sa kuko ko. Otomatiko akong napangiwi.

Agad akong bumangon at siya naman ang sinalakay. Napakalakas pa rin niya at kinakalmot ako. Pilit kong iniiwas ang mukha ko dahil kumikirot na ito. Gamit ang natitirang lakas ay sinakal ko siya. Nagpupumiglas pa rin ang gaga.

Habang sakal siya ng kanang kamay, ginamit ko ang kaliwa upang kumapa-kapa ng bato na pwedeng ipukol sa ulo niya. Mahigpit ko itong hinawakan at pwersahan itong pinukpok sa naaagnas niyang ulo.

Nagtalsikan ang dugo at laman mula sa napisa niyang bungo. Hindi pa ako nakontento. Nanggigigil ko siyang pinukpok ng paulit-ulit at napangisi. Tila baliw akong tumatawa habang nakasalakay sa kanya at binabasag ang kanyang mukha.

Habol ang hiningang binitawan ko ang bato nang maramdaman kong hindi na siya gumagalaw. Natumba ako sa tabi niya habang nakatitig sa madilim na kalangitan at walang bituin.

Makalipas ang ilang minuto, bumangon na ako at hinagilap ang Life Note. Sobrang sakit ng katawan ko to the point paika-ika na akong naglakad.

Hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng mga butil ng ulan sa balikat ko. Saglit lang akong napatingala at bumuhos na ang sobrang lakas na ulan. Mas nahirapan akong hanapin ang tiyak na daan. Napadulas na rin ng lupa..

Halos madapa na ako.

"Shit!" Napamura pa ako nang dire-diretso muli akong napadulas at sa pagkakataong ito ay tuluyan na ring tumigil ang mundo ko. Sa harapan ko ngayon ay ang mga bangkay na nakatunghay at nakatitig sa akin habang may mala-demonyong ngisi. Parang gusto ko nang takasan ng katinuan. Unti-unti akong napaatras kahit nakaupo pa rin.

"B-Brixx!" tawag ko sa pagbabakasaling maririnig niya ako mula sa labas ngunit mas nangingibabaw ang pagbuhos ng ulan kasabay ng kulog at kidlat. Doon  na ako mas napaiyak.

Lima sila ngayon sa harapan ko at nanlilisik na ang mga mata. Sa patuloy ko pang pag-atras, nanigas na ako sa pagkakaupo na ng may makapa mula sa likod na isang pares ng paa. Napalunok ako at napalingon. May apat naman sa likuran ko.

Isang nakabibinging tili ang pinakawalan ko saka pikit-matang tumayo at lumihis ng daan. Napalingon pa ako. Nakita ko silang lahat, tumatakbo patungo sa iisang direksyon. Hinahabol nila ako. Hindi ko na inintindi kung nagpapalipat-lipat na ako at tumatalon sa bawat nitso na dinaraanan ko ngayon. Ang mahalaga ay makatakas ako at makapagtago.

Hindi na ako nagdalawang-isip na isiksik ang katawan ko sa dalawang magkatabi na nitso. Natutop ko ang bibig ko upang pigilan ang paghikbi. Basang-basa na ang katawan ko at nababalot na rin ng putik. Mukhang mahihirapan akong makagalaw lalo na at iisa lang ako laban sa siyam na iyon.

Paulit-ulit akong napaduwal dahil nalalasahan ko na ang pinaghalong tubig-ulan, putik at dugo mula sa mga bangkay na kanina pa namin tinatakasan. Gusto ko nang masuka.

"Oh God," usal ko nang makarinig ng mga yabag at tilamsik mula sa maputik na daan. Papalapit na sila sa pinagtataguan ko.

Hindi pa ako pwedeng mamatay.

"Ang bobo mo talaga kahit kailan! Tingnan mo at nakatakas pa!" Sa  kabila ng malakas na buhos ng ulan, rinig ko ang malalakas nilang boses na waring nagtatalo pa. Mayamaya, nakarinig pa ako ng pagsinghap at pagkabali ng buto.

Otomatiko akong napasilip at nanlaki ang mga mata.

Sa hindi kalayuan, nakita ko si Stephen na pinapalakol ang isang babae na kapwa niya rin bangkay. Tangina, sila naman ang nagpapatayan ngayon!

"Anong ginawa mo?!" Biglang dumating ang isang babae na may dalang chainsaw. Sinaway nito si Stephen nang makitang bumulagta na ang katawan ng babaeng hinampas niya ng palakol.
"Napakaingay, isa rin namang walang naitutulong," pasaring ni Stephen at mas dinurog ang bangkay gamit ang dala niyang palakol. Paulit-ulit akong napamura sa isip ko.

"Tama na nga 'yan. Hanapin mo na ang nilalang na iyon."

"Siya na lang ba ang natitira?"

"May naaamoy pa akong buhay sa labas. Iyon muna ang puntahan natin."

Nanlaki ang mga mata ko. Si Brixx! Shit, dapat hindi ko talaga siya iniwan roon. Mukhang mali ako ng naging desisyon. Fuck you, Debby!

Nang maramdaman kong hindi na sila nag-uusap ay tumalilis ako palabas. Tumigil ako sa tapat ng hindi kilalang bangkay at agad kinuha mula roon ang kutsilyo. Hinawakan kong mabuti ang Life Note at iginala ang paningin sa paligid. Napakasakit sa mata ng kadiliman at ang tubig-ulan. Napapapikit na ako.

Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin. Otomatiko akong napalingon at inundayan ng saksak ang kung sino mang nasa harap ko ngayon. Pikit-mata at ilang beses kong itinarak sa sikmura ang hawak kong kutsilyo. Ilang sandali lamang ay may bumulwak sa mukha ko. Malansa ito at malapot. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

Sumigaw ako dahil sa pandidiri at agad siyang tinulak. Bumulagta ang bangkay. Nanginginig ko siyang pinagsisipa hanggang maramdaman kong hindi na siya gumagalaw.

"Go to hell, bitch!" sigaw ko at niyapakan ang ulo niya.

Napakalakas pa rin ng buhos ng ulan at parang ayaw tumigil. Ngunit kahit ganoon, umalingawngaw pa rin sa pandinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. Napalingon ako sa paligid habang nanlalaki ang mga mata.

"Brixx!"



***

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon