Panay ang takbuhan at sigawan namin nina Cyrus, Maureen at Trinity habang tumatakbo sa gitna ng tahimik na sementeryo. Halos matisod ako ng mga nakausling ugat pero mas pinili kong huwag tumigil. Mas nanaig ang adrenaline rush sa katawan ko kaya mas binilisan ko pa.
"Sandali! Nasaan ang iba?" ani Maureen na tumigil na sa pagtakbo. Maging ako ay napatigil na rin sapagkat hingal na hingal na rin ako. Ibang direksyon ang tinakbo nina Zach at Gian maging si Steph. Ewan ko kung nasaan sina Brixx at DJ. Sana ayos lang silang lahat.
Mukhang malayo na ang natakbo naming apat at palagay ko, malayong maabutan kami ng buhay na bangkay ni Maye.
Iniisip ko pa lamang na hinahabol kami ngayon ng isang bangkay ay parang gusto ko na lang iumpog ang sarili kong ulo para magising sa bangungot na ito.
"Shit, si Ferry!" nanlalaki ang matang sambit ni Cy nang mapansin na hindi pala sumunod sa amin si Ferry. Ibig sabihin naiwan siya roon kasama ni Maye.
"Let's wait for him. He might run after us," sambit ni Maureen at napasandal sa isang nitso dahil hinahapo na.
"No. We can't just wait here and let him die," giit ko.
"But Debby, hindi na si Maye ang humahabol sa atin. Ibang nilalang na iyon! Ano, babalik pa ba tayo doon? Mas mapapahamak tayo!" Nagpapanic na siya kaya napakagat-labi ako.
"Paano si Ferry?" Napaiwas ng tingin si Cy. Maging siya ay ayaw na bumalik. Nasapo ko ang noo ko at napabuga ng hangin.
"Fine, babalik ako mag-isa," kalmado kong sambit.
"Debby, you're in danger!"
"Pero mas delikado si Ferry!" galit kong baling sa kanilang dalawa. Ganito na lang ba? Sarili na lang ba ang iisipin nila?
I received no answer. Natameme silang dalawa pero ramdam kong nagdadalawang –isip na rin sila.
"Guys!" Pare-pareho kaming napalingon sa pinangagalingan ng boses at natanaw ko si Ferry na paika-ikang tumatakbo palapit sa amin.
Nakahinga ako ng maluwag. It looks like I do not need to come back for him anymore. I'm relieved that he's safe.
Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa amin ay natanaw ko mula sa likuran niya ang humahabol na si Maye. Kahit bali-bali na ang buto nito ay maliksi pa rin ang katawan. Napawi bigla ang mga ngiti naming tatlo.
"Ferry!" sigaw ni Maureen at agad natutop ang bibig. Napaatras ako at hindi makagalaw. Gusto kong tumakbo palapit kay Ferry at tulungan siya pero naninigas ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano tusukin ni Maye gamit ng matutulis niyang kuko ang dalawang mata ni Ferry. Narinig ko ang palahaw niya dahil sa sobrang sakit. Hindi pa ito nakontento at nilaslas pa nito ang leeg niya. Gusto kong sumigaw sa takot at pagkaawa sa kaibigan namin.
"Debby tara na!" Hinigit ni Cy ang braso ko pero nakatunganga pa rin ako.
"Debby! Andiyan na siya!"
"Pero si Ferry," pagtutol ko at agad napaluha.
"Patay na siya. Halika na!"
Napalingon sa amin si Maye. Basag na ang bungo nito at lubog na ang isang mata pero nagawa pa ring ngumisi. Napalunok ako.
Binitawan niya ang nangingisay na katawan ni Ferry at hinarap kami. Shit, we are now her target.
"R-run!" sigaw ko at naunang umatras bago tumakbo.
Sa isang iglap ay namalayan ko na muli kaming nagtatakbuhan sa gitna ng mga nitso. Ako, si Cyrus at Maureen. Kapwa na kami pawisan at humihingal.
"We need to find the way out of this fucking cemetery," sambit ni Cyrus habang ini-scan ang buong lugar na tinatakbo namin gamit ang liwanag ng kanyang flashlight. Masyadong madilim at hindi sapat ang flashlights namin para tanglawan ang daanan.
Napalingon ako sa daan kung saan iniwan namin si Ferry. Pilit kong iwinawaksi ang nangyari sa kanya. I saw it with my own two eyes. Maye killed him. She killed Ferry for Pete's sake!
She's not Maye anymore. She is now someone who could kill each one of us. Fuck!
"Maureen, bukas ba ang GPS ng phone mo?"
"Wait," ani Maureen at dinukot ang phone niya sa bulsa. Kinapa-kapa niya ito at napanganga. "Shit, I think I dropped it!" bulalas pa niya.
"Naloko na. Lowbat na rin ako," problemadong saad ni Cy. Napili muna naming magtago sa patong-patong na nitso at iniwasang makagawa ng ingay.
"Here, take my phone," alok ko. Nang mabuksan ay tumungo siya sa google map upang tukuyin kung nasaang parte kami ngayon nitong malawak na sementeryo.
"Malapit na tayo sa gate," bulong ni Cy at akma na sana niyang bubuksan ang flashlight nang agawin ko ito sa kanya at sinenyasan siyang tumahimik. Sinunod naman niya ako. Maging si Maureen ay nagtakip ng bibig.
Nakarinig kami ng yabag at singasing.
Kita ko mula rito sa pinagtataguan namin ang naglalakad na si Maye at tila wala sa sarili. Hinahanap niya kung saan kami dumaan. She's really up to us."Debby, I'm scared," iyak ni Maureen. Bakas sa kanya ang matinding takot. Ramdam ko naman ang mabibigat na hininga ni Cy na katabi ko rin.
"Do you think she could hurt us too?" tanong ni Maureen nang makalayo na ang bangkay na humahabol sa amin.
"She killed Ferry. Hindi malabong patayin rin tayo ng ulol na iyon. C'mon! We need to get out of here as soon as possible." Agad kaming hinatak ni Cy paalis sa nitso na pinagtataguan at pasimpleng lumihis sa dinaanan ni Maye.
This time, he knows the way out.
"Paano ang iba? Tingin ko hindi pa rin sila nakakalabas. Iiwan ba natin sila?"
"I don't know. Ang mahalaga ay makalabas muna tayo rito at makarating sa van. We could get help and contact the police," ani Cy habang pakapa-kapa sa madilim na daan. Nakasunod lamang kami ni Maureen sa kanya.
"Imposible. Cops won't believe us if we report that we're being chase by a dead!" I uttered that made him stop from walking.
"Listen, guys." Hinarap kami ni Cyrus kaya napatigil rin kami sa paglalakad. "We don't have any idea of what's happening right now. The time stops running and the deads are rising. All because we played that dare game and the life note."
"Exactly! And we have to find that fucking life note now!" anas ko pa.
"Kanino ba naiwan ang notebook?"
"Kay Ferry."
"Fuck!" mura ni Cy dahil alam namin na hindi na kami pwedeng bumalik para lang kunin iyon. "Let's get going," sambit na lamang niya at naglakad na muli pero napatigil ako.
"Guys," tawag ko sa kanila.
"What?"
"Kung totoong may sumpa ang notebook na sinulatan natin ng pangalan ng mga namatay at si Maye ang nasa notebook na iyon, p-posible bang hindi lang si Maye ang naghahanap sa atin ngayon?" tanong ko sa kanila.
"I think so..." nakangiwing sagot ni Maureen habang nakatitig sa nitso na wala nang laman. Waring kakabangon lamang ng nakahimlay roon.
Mayamaya ay nakarinig kami ng pag-andar ng sasakyan at pagbusina. Napamura si Cyrus nang maalala ang van niya.
"The fuck!"
"Kanino naroon ang susi?"
"Na kay Zach!"Pota.
What now?
***
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Terror"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...