CHAPTER 16

147 21 2
                                    

CHAPTER 16

"Ceasefire! Ceasefire!" paulit-ulit na sigaw ng nakablind-fold na si Brixx habang ang paa't kamay naman ay nakagapos. Nakaupo siya sa bangko at sa baba niya ay ang umaalingasaw na patay.

Napangiwi ako at napatakip ng ilong. Ganoon rin ang ginawa ni Maureen.

"Tangina! Ayaw ko na rito, mamatay na ako!" sigaw pa niya kaya binatukan ko siya ng pagkalakas-lakas para tumigil sa ginagawa. Tumahimik naman siya.

"Debby?" tanong niya kaya nagkatinginan kami ni Maureen.

"Paano tayo nakakasiguro na si Brixx pa iyan? Alalahanin mo, may mga patay na nagsasalita," bulong ni Maureen kaya nakakunot kong kinilatis si Brixx na ngayon ay pilit kaming sinisilip kahit naka-blind fold pa.

"Anak ng tokwa naman, oh. Bilisan n'yo at pakawalan n'yo na ako rito bago pa bumangon ulit 'tong bangkay na kasama ko!" bulyaw niya dahil sa pagkainis.

Tiningnan ko ang suot niya. Ganoon pa rin ang pajama niyang navy blue. Okay pa rin naman ang kulay ng balat niya at nakakainis pa rin ang hitsura niya.

"He's no dead," sabi ko at bago pa ako tuluyang pigilan ni Maureen ay tinanggal ko na ang blindfold ni Brixx. Tumambad ang takot na takot niyang mga mata at tiningnan kaming dalawa.

"Baka gusto n'yo munang tanggalin 'tong pagkakagapos ko kasi kanina pa ako rito kasama ang bangkay na 'yan!" asar na sambit niya kaya napataas ang kilay naming dalawa ni Maureen.

"Sabihin mo muna, salamat Shopee," asar ko pa at tinalikuran siya upang usisain ang buong bodega.

"Gago! Hindi ako nagbibiro," mura niya.

Pikon.

"Sinong nagkulong sa'yo rito?" tanong ko pa habang niluluwagan  ni Maureen ang gapos niya.

"Ang mga potanginang parak na 'yon. Dumiretso ako kanina rito para isumbong na hinahabol ako ng mga patay, pinagtawanan lang ako. Ang nakakabuwiset pa, pagkatapos silang atakehin ng mga zombies na habol ng habol, kinulong pa nila ako rito kasama ang bangkay na 'yan! Tangina nila, ibabaon ko sila sa hukay," tiim-bagang na pagkukwento ni Brixx kaya nilingon ko siya at tinutok ang flashlight sa bangkay na nasa paanan lamang niya.

"They're not zombies. They don't even eat brains," sagot ko.

"Ah, baka kasi wala kang utak kaya nilagpasan ka," sarkastikong pambabara niya kaya sinamaan ko siya ng titig.

"Brixx, Debby is serious. Hindi sila kumakain ng utak. They just want to stab us to death," paliwanag ni Maureen pagkatapos maalis ang lubid na nagtatali sa kamay at braso ng mokong. Hinamas-himas ni Brixx ang pulso na ngayon ay may sugat na sa sobrang higpit ng pagkakatali.

He should be thankful. Mga babae pa talaga ang sumagip sa hinayupak niyang buhay.

"Kung ganoon, anong tawag sa kanila?"

"We don't know either," sagot ko na lamang at namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.

"They tortured the person they're up to. Gaya ng nangyari kina DJ at Ferry," dagdag ko pa kaya hindi mapigilan ni Brixx na manlaki ang mata sa gulat.

"P-patay na si DJ?"

"His damn priest stab him with a cross."

"And you didn't even save him?!" bulyaw niya sa akin kaya napalingon ako.

"Bakit parang kasalanan ko pa? Siguro kung ikaw ang nasa katayuan ko, iisipin mo rin naman ang sarili mo. Makasarili ka rin di'ba?!"

"Tama na, guys! Pwede ba? Can you just control your temper? Hindi ito ang oras para mag-away!" suway sa amin ni Maureen kaya parehas kaming natahimik. Naihilamos na lamang ni Brixx ang palad sa kanyang mukha at napaupo muli. Alam kong masakit para sa kanya ang mawala si DJ dahil malapit niya itong kaibigan.

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon