CHAPTER 4

209 31 0
                                    

CHAPTER 4



Bandang alas kwatro na tumigil ang ulan kaya naman nahirapan rin kami na mag-adjust. Bukod sa maputik ang lupa ay nabasa rin ang ilang gamit namin. Mabuti na lamang at safe ang camera na siyang gamit sa pagso-shoot.

"Pack up na guys! The shoot is over. Good job sa ating lahat!" anunsyo ni Cyrus sa amin kaya napapalakpak kami at nagsigawan.

"Whoa! This day was a wrap one!" pagod na pagod na sambit ni Trinity habang inaayos na ang mga gamit na bibitbitin niya pauwi. Lahat kami ay abala sa pagliligpit ng mga kalat. Sinisiguro namin na wala kaming maiiwan ni isang balat ng kendi dahil nangako kami sa caretaker na hindi kami magva-vandalize o magli-litterings.

Napangiti ako. Akalain ba naman namin na magagawa naming one-day shoot lang ang lahat rito sa sementeryo. Buti na lang at cooperative ang lahat ng members ng production namin. Well, isama na rin ang dalawang adik na sina Brixx at DJ. Nabigyang hustisya naman nila ang role nila bilang mga extra.

Nadako ang paningin ko kina Zach at Gian na siyang may hawak ng video cam. Ano na naman bang ginagawa ng mga gagong ito?

"Hi guys! Welcome back to our youtube channel! So for today's video, kakatapos lang ng shooting namin and we're now ready to go!" malakas na sambit ni Zach habang nagme-make face sa harap ng cam.

"Bago kami umuwi, gusto lang namin magpasalamat sa caretaker na pumayag para makapag-shoot kami rito sa sementeryo. Kuya kung mapapanood mo man ito, salamat sa'yo at sa mga patay na nakahimlay, hello sa inyo!"

Pota.

Ang lalakas ng trip ng mga ito, ah.

Nakarinig ako ng bungisngisan at nakita ko sa likuran ko ang tawang-tawa na sina Maureen, Stephanie at Trinity. Napailing na lamang ako habang natatawa. Sadyang mababaw lang talaga ang kasiyahan naming mga babae.

"Mga gago ampota, pati patay shinashout-out," nakangiwing wika ni Brixx na tumutulong na rin sa paglilinis.

"Shout out nga pala kay Corazon De Jesus. Namatay noong 1697."

"At hello kay Bernadeth? Bernadeth Cruz, died on August 16, 1785," gatong ni Gian habang tinutok sa lapida ang camera. Parehong nakatungtong ang dalawa sa nitso. Halos masapo ko ang mukha ko.

"Mga ungas, tigilan n'yo nga iyan! Binabastos n'yo na iyong mga namatay!" saway muli ni Cyrus being the leader of the group.

"Guys, stop it! Ang creepy n'yo!" ani Stephanie na parang natatakot na.

"We should go home na. It's getting late."

Naigala ko ang paningin ko sa paligid. Alas singko pa lang pero napakadilim na. Mukhang may ikalawang round ang pagbuhos ng ulan, ah.

"Let's go guys," aya ni Cyrus pero parang ayaw pa umuwi nitong mga kasamahan ko. Tila pagod na pagod sila at hindi pa kayang maglakad palabas ng sementeryo.

"Guys?"

"Mayamaya, direk. Nakakapagod eh. Five minutes rest muna aba!" reklamo ni Gian na tumalon mula sa tinungtungan na nitso. Naglakad ito palapit sa amin kasama si Zach.

Kung makareklamo akala mo naman may naitulong sa paglilinis. Tss.

"Okay, five minutes," pagsuko ni Cy at napasalampak na rin sa isa sa mga nitso. Halatang pagod na rin siya. Wala naman akong choice kundi mapaupo na rin dahil sa pagod. Mukhang imposible talagang makaabot ako sa dinner.

"Ferry, ano iyang hawak mo?" untag ni DJ nang mapansin ang hawak na notebook ni Ferry. Dahil sa kaba na baka mapagdiskitahan na naman siya ng isa sa mga bully ay agad niya itong itinago sa likuran niya.

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon