PROLOGUE
Pilit kong kinurap-kurap ang mga mata ko at sinasanay na makakita sa madilim na gabi. Wala akong makita.
Napatahimik at tanging mga mabibigat na hininga lamang namin ang aming naririnig. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko.
Parang gusto ko na mahimatay dahil kanina pa kami takbo ng takbo.
Amoy ko na rin ang mga tuyot na dugong kumapit sa mga damit namin. Gross! Hindi pa kami patay pero umaalingasaw na. Napatakip na lamang ako sa ilong ko.
“Debby, andiyan pa ba sila?”
“Shhh!” Agad ko silang pinatahimik at inilagay ang hintuturo sa tapat ng labi ko. Kusa naman nilang tinakpan ang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay.
Nakarinig kami ng kalabog at mga yabag ng paa. Pinanlakihan ko sila ng mata. Natatakot na rin ako pero hindi ngayon ang oras para maging duwag. We have to survive this. I can’t die yet!
“I’m so damn scared,” iyak ni Stephanie at nagpumilit sumiksik sa tabi ko.
“Me too,” ani Maureen at nakisiksik na rin. Halos mapangiwi na ako sa hitsura namin rito ngayon. We’re like fucking sardines inside this container.
“Listen.” Kinuha ko ang atensyon nila at sumilip muli sa maliit na butas nitong malaking drum.
Nakikita ko sila. Palakad-lakad sila hindi kalayuan sa amin at parang hinihintay lang kaming lumabas mula sa pinagtataguan. They’re like fucking zombies but the only difference was, they have the brains and the tactics. Kaya nilang kumilos gaya ng normal na tao.
Napakagat-labi ako at hinarap ang dalawang kasama ko ngayon.
“We need to get out of here,” saad ko.
“What? Pero mas delikado tayo kapag kung saan pa tayo pumunta!” bulong ni Maureen at napatango naman si Stephanie.
“Tama si Maureen, wala tayong ibang pupuntahan,” pagsang-ayon pa nito.
“Look, anytime pwede nilang malaman na narito tayo. Kapag nakaalis tayo rito, there’s a bigger possibility that we could find much better hideouts at mahanap pa natin ang iba,” panghihikayat ko kaya nagkatinginan sila.
“Debby, we can’t go anywhere. At tingin mo ba, buhay pa silang lahat?” naiiyak na sambit muli ni Maureen kaya natahimik ako.
Sina Trinity, Zach, Ferry, Cyrus, Gian. Hindi ko na alam kung nasaan sila at ang iba pa. Nagkahiwa-hiwalay na kami.
Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng pagtili at nasundan pa ito ng mga maliliit na batong tinatapon sa direksyon namin. Napayuko kami.
Napakasakit sa tenga ang tunog ng pagtama ng bato sa drum na pinagtataguan namin ngayon.
Shit, they’re now attacking us!
Mayamaya pa’y nakarinig ako ng sigaw at muling pagtama ng bato sa aming kinaroroonan. This time, natamaan na ako sa ulo dahil shoot ito mismo sa loob.
“Naroon sila sa loob! Sila ang habulin n’yo mga hayop!”
My ears vibrated when I heard a familiar voice. He’s yelling. Brixx pointed out where we’re hiding!
Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang inis.
“That dumbass jerk! Go out and run!” sigaw ko na lamang at agad nagpumilit umakyat palabas ng drum kasama sina Maureen at Stephanie.
Nakita ko sila, they’re running after us. Napakatalim ng mga titig at nakakakilabot ang mga ngisi. Bakas sa kanilang mukha ang uhaw na makapatay ng tao. Halos kumabog ang puso ko dahil sa nararamdamang takot.
Pero hindi ako pwedeng tumigil at hayaang magpaabot sa mga kampon ng demonyo.
“Dito, bilis!” Hinatak ko ang nag-iiyakan nang sina Steph at Maureen sa makipot na eskinita. Nagtatakbuhan pa rin kami.
“Shet! Ayoko pa mamatay!”
“Bitch, sino bang may gusto?!” mataray na sambit ni Steph kay Maureen at ngumawa na rin.
“Dali! Takbo!” Sigaw ko pa at nagtatakbo muli dahil ilang metro na lamang ang layo ng mga nilalang na iyon sa amin.
Sa isang iglap ay namalayan na lang namin na kapwa na kami tumatakbo sa napakadilim na kalsada. Sumisigaw at humihingi ng tulong.
Kaming tatlo.
Nasaan ang iba? Hindi ko na alam.
Fuck that dare game and the life note!
Now we’re being chase by the deads!
***
BINABASA MO ANG
Life-Note | COMPLETED
Horor"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down the names of dead people in belief that they would be resurrected. One of them violated the rules o...