CHAPTER 25

139 23 0
                                    

CHAPTER 25



DEBBY'S POV





"Guys, sure ba kayo rito?" nag-aalinlangang tanong ni Cyrus at nakangiwi dahil sariwa pa ang sugat sa sikmura. Ngayon ay naglalakad kaming tatlo sa kahabaan ng madilim na highway ng Lyn Ville. Tanging yabag lang namin ang maririnig.

"Hindi ko alam. Pero kung mamatay ka, e'di mamatay ka," litanya ni Brixx habang bitbit ang isang shotgun. This time, hindi na ito laruan dahil totoo na itong baril.

"Siraulo!" mura ni Cy kay Brixx kaya ako na mismo ang sumagot.

"Listen Cy. We won't let them hurt you. Sobrang dami mo nang sugat na tinamo at hindi namin hahayaang madoblehan ka. Ang gagawin mo lang ay i-distract sila. We will shoot them in the head," paliwanag ko at kinasa ang baril na hawak ko.

Kakalabas lamang namin ng presinto upang magpuslit na naman ng armas. Mabuti na lamang at wala ang mga pulis kaya walang nakakaalam na illegal naming kinuha ang mga baril nila.

"Hide! Someone's coming!" Mabilis kaming nagtago sa gilid ng malaking basurahan at iniwan si Cyrus na natataranta sa gitna ng highway.

"Hoy!" sigaw niya sa amin pero hindi namin siya pinansin. In order to get a catch tonight, he'll be our sacrificial lamb.

"Hijo? Bakit narito ka? Kalagitnaan na ng gabi. Nako, dapat nasa loob ka na ng bahay hindi ba? Halika na, kanina pa kita hinahanap." Napakagat-labi ako nang makarinig ng malambing na boses. Pamilyar ang boses na iyon. Parang narinig ko rin iyon kanina noong nasa apartment kami.

"Hindi! Hindi ako sasama sa inyo!" sigaw ni Cyrus. Napatingin ako kay Brixx na siyang sumisilip ngayon sa kinaroroonan nina Cyrus at ng babae.

"Shoot her now," utos ko kaya mahigpit niyang hinawakan ang trigger. Isang putok ang umalingawngaw sa kadiliman ng gabi kaya napatakip ako ng tenga. Saka ako iminulat ang mga mata nang magsalita si Cyrus.

"Tangina!" mura nito hindi kalayuan sa pinagtataguan namin. Agad kaming lumabas at dinaluhan si Cy na nakangiwi habang sa paanan niya ay ang nakabulagtang babae. Nakasuot ito ng apron, may hawak na kitchen knife at ngayon ay basag na ang ulo.

"Nice! You hit her in the head," puri ko kay Brixx na nakatingin rin sa bangkay.

"Tingin mo babangon pa siya sa lagay na iyan?" Napangiwi ako sa naging tanong ni Brixx.

"I don't think so. Puntiryahin natin lagi ang ulo. Once we damage their brains, they will automatically die." Tiningnan ko sila isa-isa kaya napatango naman si Brixx.

"By the way, kilala mo ba ang babaeng ito?" tanong ulit ni Brixx sabay baling kay Cyrus.

"Nanang..." mahinang sambit ni Cyrus at pinakatitigan ang bangkay na nasa paanan namin.

"Let's get going. Once we reach the cemetery, I'll bury the notebook."

"Tingin mo gagana 'yon? E, may sa demonyo  nga ata ang Life Note na 'yan at hindi masunog-sunog!"

"Subukan pa rin natin. Let's go!"




Sa loob ng ilang minuto ng lakad-takbo, narating namin ang malalagong talahiban ng Lyn Ville kung saan kapag rito kami dumaan, mas mapapabilis ang pagpasok namin sa loob ng sementeryo.

"Sure ka bang dito kayo dumaan ni Maureen kanina?" paniniguro ni Brixx at itinutok sa talahiban ang dala niyang flashlight.

"Oo, sigurado ako." Agad ko ring pinasadahan ng tingin ang malalagong damo na ngayon ay wala nang bakas ng pagkahawi namin kanina. Napakunot ang noo ko. Paano nangyari iyon?

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon