PROLOGUE | CORE OF EST

406 13 0
                                    

"What happened?" I heard my Dad and felt that he sat beside my bed.

"Someone attacked me again but I can still manage," minabuti kong pigilan na mapaungol sa sakit na natamo ko.

I may be an Immortal Vampire, but I am also hurting.

"Are you sure? Your wedding is near, my daughter, you must stay alive," nakaramdam ako ng tuwa sa sinambit niya.

Ang totoo niyan, hindi ka pwedeng magsalita rito gamit ang ibang language maliban sa ingles. Nagkataon lang na lagi akong kinukwentuhan ng aking Ina ng mga kwentong filipino at hinahayaan niya akong makinig ng mga awitin kaya ako natuto.

Para akong si Rapunzel pero hindi mahaba ang buhok ko. I am a product of a vampire and witch but it sucks, because I am blind.

Speaking of wedding, normal na rin sa amin ang ikasal sa kadugo namin kaya nakatakda akong matali sa kuya kong si Jovan. Sa kasamaang palad ay hindi ko siya makikita man lang. Gwapo kaya siya?

"I know, Dad. It's ten days from now," hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ako ng bahagya.

"Watch out for more assassins, Ester. They could attack you while you are sleeping," paalals niyang muli. Actually, nangyari na iyon pero hindi ko na ipinaalam sa kaniya.

"I may be blind but I have fast reflexes," depensa ko naman.

He kissed my forehead and felt his fangs. Hindi naman ako nasaktan at bagkus ay nakaramdam ako ng kaginhawahan.

Dumidilim na ang paligid. I should sleep now.

--

"Found you,"

Dahil malakas ang pandinig ko, narinig kong may mahinang bumulong sa may bintana ng tore ko ngunit nagkunwari akong tulog.

Dahan-dahan siyang lumapit sa may kama at naramdaman ko na lamang ang sigaw niya.

"Kung may balak kang patayin ako, siguraduhin mo munang tulog talaga ako," bulong ko at nahawakan ko ang kutsilyong itataga na niya sana sa may dibdib ko pero napigilan ko iyon dahil natadyakan ko siya.

Tumama siya sa isang malaking salamin at nabasag ito dahil sa lakas ng pwersa ko. Narinig ko ang talsik ng mga bubog at sinundan ito ng mahinang pagmumura niya. Marahil ay nasugatan siya.

Fuck. I can smell his blood!

Naalarma ako dahil naramdaman kong papalapit na naman siya sa akin.

"Stay away from me!" nagmamakaawa kong sambit dahil lalo kong naaamoy ang dugo sa may likuran niya.

"You want blood? I can give you mine but give me your heart first. Killing you is my job, after all," malagom ang boses nito kaya nabahala ako pero kailangan kong laksan ang loob ko.

Naramdaman ko ang kutsilyong dumikit sa leeg ko. Unti-unting dumadaloy ang nasa kaloob-looban ko.

"Hmmm...venom is what keeping you alive? Interesting!" lalo niyang idiniin ang kutsilyo.

Hindi na lang ako nanlaban dahil alam kong mawawala ang sugat sa leeg ko maya-maya lang.

"Are you done? My venom is unlimited. Even a bullet can't take away my life, idiot," ngumisi ako sa kanya para ma-distract ako sa amoy ng dugo.

"I see...how about this?" napakunot ang kilay ko sa sinabi niya at naamoy ko na mismo ang dugo na inilapit niya sa ilong ko.

OMG!

"Ilayo mo sa akin 'yan! Allergic ako sa dugo!"

Na-realize ko ang sinabi ko dahil filipino iyon at hindi niya maiintindihan.

"Tangina, ano?" hindi makapaniwala niyang sagot at pati ako ay napanganga sa narinig ko.

"Bampira...allergic sa dugo?" pag-uulit pa niya.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon