ESTER'S POV
Naghihintay ako ng saksak mula sa kanya kung sakaling pakana lang niya ang pagyakap sa akin.
Ngunit wala akong naramdaman. Tanging kamay lang niya na nakasuporta sa akin ngayong nakalupagi kami parehas sa sahig.
"Patayin mo na lang ako, hindi ko na kaya ang sakit," bagya ko na masabi ang mga nais kong sabihin dahil nagbabadya na ang mga luha ko sa bawat tapik.
"Kaya mo, buhay ka pa rin ngayon hindi ba?" nagtunog Ama o kuya siya sa akin kaya napaiyak na ako.
Naalala kong may napaglaway na ako ng tatlong lalaki kaya itinulak ko siya at naglakad palayo sa kanya kahit paika-ika.
"Marumi na ako, Argus. Hindi na ako kasing puro ng puti kong buhok. Ang isang katulad ko ay nararapat na mawala sa mundong ito para maging payapa na ang apat na angkan," isa kasi sa dahilan ng alitan nila sa isa't isa ay dahil sa immortal ako.
Pinakagalit ang mga assassin sa mga bampira dahil ang mga assassin noon ay kinakagat ng mga purong bampira para maging ganap na bampira na rin.
Ang mga witch naman ay nais makuha ang puso ko para maibahagi sa iba pang witch. Sa ganoong paraan ay lalakas sila at may bahid ng immortality ang mga puso nila o hindi basta-basta mamamatay.
Ang mga werewolves ay ka-alyado ng mga assassin dahil pinatay ni Father Dracula ang mga nagiging pinuno ng mga werewolves.
Nagdilim ang paningin ni Argus dahil nakuha niya siguro ang ibig kong sabihin sa salitang 'marumi' pero napawi ito at nagsimula siyang magsalita muli.
"Alam mo, kumbinsido ako noon na lahat ng bampira ay napakasama pero nang makilala kita, nag-iba na ang depenisyon ko sa salitang bampira," umupo siya sa kama ko at pinagmasdan ang loob ng aking silid.
Lumingon siya sa akin at naghintay ng sagot kaya nagbuntong-hininga siya nang wala siyang napala, "Hindi kita pipilitin na sabihin ang nangyari pero tandaan mo sanang sa lahat ng bampira, ikaw ang bukod tangi kong isasalba kung sakaling magka-gyera," lumapit siya ulit sa akin at pinahid ang mga luha ko sa mukha.
Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilang ilabas ang lahat ng poot ko.
"Binaboy nila ako, akala ko kapatid ang turing nila sa akin," pinagpapalo ko siya sa dibdib niya. Alam kong hindi siya ang may gawa ng sakit na nararamdaman ko pero parang nailalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa ginagawa ko.
"Sige lang, libreng manghampas ngayon," yumugyog ang balikat niya dahil tumawa siya.
Napasimangot na lang ako at itinigil iyon. "Bakit ka tumigil? Chance mo na 'to para makaganti sa akin," buong puso niyang sabi at inako ang pagtatangka niya sa buhay ko.
"At saka para na rin kay kuya," kumulo ang dugo ko sa binanggit niya.
"Huwag mo nang banggitin ang pangalan niya kahit kailan," galit kong sinabi kay Argus.
"Bakit naman? Ginawa niya lang ang trabaho niya bilang assassin," namuo ang inis ko ngayon sa kanya na para bang itinotolerate niya pa ang hayop niyang kapatid.
"Kung kakampihan mo ang kapatid mo at may lihim kang balak sa akin hanggang ngayon ay makakaalis ka na. Hindi mo magugustuhan kapag ako napoot," banta ko. Hanggang kaya ko pa ang sakit ay tinitiis ko sila.
Sa oras na punuin nila ako, alam ko sa sarili kong makakapatay ako ng isang tao o mas malala pa'y isang buong angkan.
"Katotohanan lang ang sinabi ko, Ester. Hindi ibig sabihin ay sang-ayon ako sa trabaho niya," pagtatama niya.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...