ARGON'S POV
Allergic sa dugo? What an excuse.
I've been thinking about it since day 1 of my assassination mission. Marami sa mga kauri ko ang gustong paghigantihan ang mga bampira lalo na si Dracula.
Hindi ko naman inasahan na babae pala ang kailangang iligpit. Madali sana kung lalaki dahil sigurado na mamamatay ito ng wala sa oras sa kamay ko.
Sinanay ako ng mga magulang ko kasama si Argus noong mga bata pa kami. Nawala nga lang ang pokus ko nang maabot ko ang edad na labingdalawa dahil kay Gustava.
Gusto ko siyang kamuhian dahil iniwan niya ako ng walang pasabi, bigla na lamang magpapakita sa mga panaginip ko at ang malala pa'y nakaabot sa akin ang balita na ibinigay niya ang imortal na puso niya sa iba para mabuhay ang nilalang na pinaglaanan niya.
Ito ang nagtulak sa akin na tapusin agad ang mission dahil sa poot na nananalaytay sa dugo ko.
That Ester. She is really getting in my nerves. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya kahit na wala siyang ginagawa sa akin. Instead of fighting back, she will always push me away especially when danger chose me as its victim.
Hindi siya tinatablan ng kahit ano pero nasusugatan pa rin. It's weird to claim the fact that I love seeing her cry in pain. I wanna see her cry in front of me and the satisfaction I am getting is priceless.
Everything's going fine as planned but it Argus ruined all of it in a snap. I told him to help me but he helped the target instead. Sinong nilalang ang hindi magagalit sa ginawa niya?
Parang gusto ko na lang silang patayin pareho sa tuwing nakikita ko silang magkasama. There is something going on inside my body. Parang may apoy na naglalagablab at gustong kumawala kaya naaapketuhan nito ang mga desisyon ko.
I witnessed how she fought for herself. How selfless and thoughtful she is despite the cruel truth that she is sightless.
I took advantage of her weakness like what the usual enemy does. Dumating sa punto na wala na akong pakialam sa kapatid ko sa gusto niyang gawin basta magpapatuloy ako sa pagpaslang.
Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko mapigilang kwestyunin ang sarili ko kung bakit ako ganito kasama. Para bang nilalamon ng kabaitan niya ang pagkademonyo ko kaya minsan nabubulilyaso ang plano ko.
Hanggang isang araw, nagising na lang ako na gusto ko siyang makita sa umaga kahit sa gabi lang dapat ang sadya ko. Naiba na takbo ng utak ko at maski puso ko ay iba na rin kung tumibok.
Napansin ko ang pagbabagong ito kaya naman nagdesisyon akong magsolo minsan at nadaanan ako ng isang matandang tinatawag nilang Rufio.
Sa una ay hangin ang itinuring ko rito pero nabagabag ako sa sinabi niya nang malampasan ko siya.
"Nakatakda ka sa taong nais mong mawala at mabubuhay kang mas masaya sa piling niya kaysa sa naramdaman mo noong una."
Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis siyang nawala sa paningin ko. Naalarma ako sapagkat walang palya ang mga sinasabi niya sabi ng karamihan.
Kahit labag sa kalooban ko ay pinilit kong banggain ang nakatakda gamit ang sarili kong desisyon. Defying fate isn't easy. I guess dying is one of its consequences but If that's what it takes for her to be free, then I'll do it.
The amount of my rage isn't enough to describe my feeling when I heard that she was raped and her Dad betrayed her.
Wala ako sa huwisyo at nagdilim ang paningin ko. Ako sana ang nakauna. Ako dapat pero iba ang nangyari.
I kidnapped her sister dahil pinangakuan ko si Jovan na ibabalik ko ang kapatid niya. Alam kong masama ang ginawa ko dahil ginamit ko pa ang iba para lang hindi na siya mapagsamantalahan.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...