ESTER'S POV
"Maaari lang naman, dahil kasama sa proseso ang pagkagat. Pinakamalaking porsyento ay manggagaling sa pag-iisa ng katawan ng dalawang nilalang para makabuo," paliwanag pa ni Neivi at nakahinga naman ako ng maluwag.
Ikinuwento nilang dalawa kung ano ang nangyari kagabi at naiintindihan ko na ang lahat.
Naisip ko rin na wala na sigurong ibang choice si Argon dahil nasaksak ko raw siya. Natural, gaganti siya dahil malalim ang pagkakasaksak ko at may venom pa ito.
Napatawa lang ako kasi imposible na mabuntis ako. Masyadong advance mag-isip si Neivi. Ang absurd talaga ng sinabi kanina!
Sa kabilang banda, alam kong mali na nagpunta kami na hindi sinabihan ang karamihan. Gusto ko lang naman na makuha na agad si Haria at malaman kung ano pa ang posibleng itinatago ni Argon.
Maaari niyang gamitin ang kanyang ngipin, at iba't ibang sadata para dumepensa. Mabuting alamin ang kalakasan at kahinaan ng kalaban para may kasiguraduhan sa digmaan.
Dagger ang lagi niyang ginagamit at kaliwete siya kung sumaksak. Iyan pa lamang ang mga nalalaman ko base sa mga pag-atake niya sa akin noon.
Natatawa ang maliit naming kasama kaya kinulbit ko ito at pinakitaan ng mukhang 'bakit ka natawa?'
"Pinaringgan ko lang si Argus kanina. Sinabi ko lang 'yun para ma-trigger siya. Sorry, team Argon ako e," akala ko ay si Clara lang ang may pamanok-manok na nalalaman. May dumagdag pa nga naman na isa.
"Siguro ay saglit na nagpapawala lang ng memorya ang kagat ng isang taong lobo," ngayon lang ulit nagsalita si Haria at sang-ayon naman ako sa kanya.
Mga pauso talaga ng mga maliliit na nilalang. Hay nako.
--
Naligo ako at dinalaw ang mga kaibigan kong hayop. Masyadong malapit ang kuta nila sa kuta ng mga bampira kaya inihanap ko sila ng tago at malayong lugar.
Narating ko ang kuta ng mga assassins na nasa gawing kaliwa ng bahay ko.
Lumayo pa ako ng kaunti at lumikha ng kwebang lagusan kasama ang iba pang angkan na inabot ito ng isang linggo.
Nasa ibabang parte ito ng assassins' village at tiniyak kong malayong-malayo na ito.
Buti na lang at nakabalik na ang prinsesa sa kanilang palasyo. Sinigurong hindi na siya makukuhang muli. Iminungkahi ko kay Pinunong Baine na magsagawa ng mga patibong kung sakaling atakihin siya sa kahit anong oras.
Lubos ang pasasalamat ko sa tatlong angkan at binigyan sila ng mga makukulay na bato na galing sa dating tahanan ng mga hayop bilang kapalit.
Sari-sari ang kanilang ginawa sa mga ito. Ang iba ay ginawang panghanap-buhay, ginawang pulseras, at pinanghilod naman ang mga kulay itim.
Sa tuwing maiisip ko na walang nangyayari o balita mula sa kuta ng mga bampira ay nababahala ako lalo.
Anong nangyari sa mga kapatid ko at kay Argon? Parang napawi sila sa mundong ito at nakalimutan na ng nakararami.
Umupo ako at ipinahinga ang sarili ko. Ipinikit ko ang mga matang bibigay na dahil sa puyat at pagod pero nagising ang diwa ko nang dumating ang matandang si Rufio.
"Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo, pinuno," napatigil siya at habol ang hininga bago nagpatuloy.
"Ano po ang nais niyong sabihin?" pinangunahan na ako ng kaba dahil hindi pa nadiretso ng nasa harapan ko ang dapat kong malaman.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...