IKADALAWAMPU'T LIMA

65 5 1
                                    

ESTER'S POV

"Babae? As in Girl?" hindi makapaniwalang tanong ng bulinggit na kasama ko.

Napafacepalm ako at hinarap siya, "Oo nga. That's why I am so fired up,"

Napataas naman ang kilay niya, mukhang taliwas sa sinabi ko. "Makikipagsabunutan ka lang e,"

She gave me an evil grin but I refused to do the same. "Last resort ko 'yon. Gusto kong mapatumba siya with my own skills,"

I can't imagine a scene na magsasampalan lang kami at magraratratan. Mukhang hindi ganoong tao ang nakaharap ko kagabi.

Naisip ko rin na i-provoke ang babaeng kalaban ko para mas exciting ang laban. Masyadong masakit sa tainga ang salpukan ng mga armas.

Napansin kong madaling araw na at wala akong naitulog. Napapadalas na rin kasi ang trabaho.

Idlip lang ako, saglit lang talaga.

--

"Ate!!!"

Napabalikwas agad ako ng bangon nang marinig si Haria na kinatok ang bahay ko. Dali-dali akong bumaba sa hagdan at nagkanda-talisod na.

Binalibag ko ang pintuan ko at nawasak ito.

"Pinaghirapan namin 'yan tapos sinira mo na agad. Salamat ah?"

Mukhang matandang lalaking naniningil ng utang si Argus kung magsalita ngayon. Teka, bakit nandito siya?

"Nasaan si Haria?" Inikot ko ang buong lugar pero wala siya.

Bakit parang hindi na nagkaroon ng araw? Hindi ako nasinagan kanina.

Napatingin ako sa labas at minura ko ang sarili ko gamit ang utak ko. Puchesa, nag-overtime pala ang tulog ko.

May napansin akong gumagalaw sa likod ni Argus kaya inihanda ko ang dagger kong nakasuksok sa tagiliran ko. Hindi ko na tinatanggal ito kahit natutulog ako.

Akmang sasaksakin ko ang nasa likod niya pero pinigilan ako ng mamang lalaki at sinamaan ako ng tingin.

Siya na nga ililigtas ko, pinigilan pa ako?

"Hehe."

Nabitiwan ko ang hawak ko. Nasa likod pala niya si Haria. Kailan pa sila naging malapit sa isa't isa?

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at napagawak sa baywang ko.

"Anong--"

"Pinuno! Nasa kuta ng mga taong lobo ang mga bampira!" katal na katal na nagbalita sa akin ang isang mangkukulam na lalaki.

Natulala ako saglit at napatanga sa kawalan. Natauhan ako nang hatakin ako ni Argus patakbo.

"H-huy! Iniwan natin si Haria!" pilit kong inalis ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa braso ko.

Hindi siya sumagot at narating namin ang kuta na napakakalat.

Jusko, tulog kasi nang iwan ko si Neivi sa lungga ko. Sana maihatid niya si Haria. Mahirap maging bulag 'no! Magsasalita lang siya doon ng mag-isa sa pag-aakalang naroon pa kami. Tsk!

Ang akala ko, mas mabilis na matatapos ang engkwentrong ito ngunit hindi pala.

"Nakuha ng isang bampira ang tatlo nating kasama!"

Awtomatiko kong hinanap kung nasaan ang tinutukoy ng assassin na nagbalita. Umalis ito sa kinalalagyan ko kaya ako na lamang ang natira.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko para mabigyan ng pagkakataon na atakihin ako ng kaaway.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon